Chapter 2 - Friendly in School

17 0 0
                                    


"Ahh, Ehh, Ihh, Ohh, Uhh!"

Ano ba yun?

"Ahb, Ehh, Ihh, Ohh, Uhh!"

Ang saket sa tenga, ano ba yun? San nanggagaling yun?

Bumangon ako at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.

Pumunta ako sa cabinet at nakakita ako ng digital clock.

Grabe bat ganto yung tunog? Pati sino bang naglagay nito? Wala naman akong alarm clock ah? Pero thanks, nalimutan kong mag alarm sa cellphone ko hehe..

Anyway, its our first day of school na yeeee!

Nagkaron ako ng gana

Mabilis akong mag sepilyo, maligo at mag ready ng dadalhin sa school.

Habang ako ay nagbibihis ay narealize ko na wala pa kong naririnig na ingay sa kwarto ni Brent. Tulog pa ata...

Kaya mabilis akong pumunta sa kwarto nya para tingnan kung tulog pa sya.

Tulog pa nga... Di excited?

Sumigay ako "Brent! Gising gising din pag may time!"

Inalis ni Brent ang kanyang kumot sa mukha nya pagkatapos ay tumingin sya sakin.

"Oh anong tinitingin tingin mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo, ang ingay mo. Dinaig mo pa yung alarm clock ko, pati ang aga mo. Natingin ka ba sa orasan?" Brent.

Tumingin ako sa orasan at 5:30 palang.

"Napaaga kase ako dahil para tayo ang mauna dun" palusot ko.

"Matulog ka na muna" sabi nya sabay kinuha ang kumot.

Sinipa ko sya sa likod.

"Aray! Hoy masaket!" sigaw nya.

"Ayaw mo parin gumising eh" sabi ko na nakangiti. "Gumising ka na kase"

"Oo na" sabi nya na galit.

Tumayo sya at inayos ang kama.

"Pwede ka nang umalis" Brent.

"Ah ok, sige bihis ka na" sabay takbo ko papunta sa kwarto ko.

So this is it! First day of school, first day of showing kaya di ko na aaksayahin ang mga araw na ito.

Mag hahanda na ako ng mga jokes para tumawa sila at maging kaibigan ko. Dapat ang kaibigan ko madaldal.

Lumabas si Brent sa kwarto nya. Lumabas din ako.

"Yeh, ang pogi ni Kuya ah, may pa gel sa buhok? Nay kadate ba?" pagpapatawa ko sa kanya.

Tiningnan lang nya ako.

"Yabang neto!" sigaw ko. '"Di namamansin, feeling famous?"

Bigla syang umusap "Alam mo, wala pa ako sa school sinisira mo na agad araw ko"

Inirapan ko sya.

"Kaya ayokong maging partner kita gawat ang ingay mo pati –"

"Kakaiba ako" singit ko. "Alam mo, walang mararating ang mga katulad nyong mga naka poker face."

Hindi sya umusap at naglakad nalang papaalis.

"Aalis ka na ba? Oy wait" sigaw ko.

Naglakad kami papunta sa Family Room kung saan nandoon si Maam Chirish at ang magiging leader namin, si Sir Aaron.

Anyway, hingal na hingal na ko, ang haba ng lalakarin namin huhu. Wala pa nga sa labas ng bahay pawis pawisan na agad kami.

Weird WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon