The Princess

4.6K 122 1
                                    

Mga ilang araw na rin ang nagdaan simula nang mangyari ang gabing yun ,walang may ibang nakakaalam dun bukod sa amin nina Cloud ,Snoowy at Ash ,yung kambal ang tumulong sa 'kin para mawala ang lason sa katawan ko, wala akong balita sa may gawa sa 'kin nun si Ash na raw ang bahala

May mga kaunting pagbabago gaya ng nahanap na ang prinsesa,hindi ko na nakakausap at nakikita sila Rain at Pat kasi hindi na ako sa dorm natutulog at hindi na ako pumupunta sa canteen,minsan ko nalang kasama sila Grey,hindi na ako yung priority niya at ang mas nagpasama ng loob ko eh yung magjowa na sila ng prinsesa ,hays sana napaghandaan ko man lang 'to

"Yanyan tara na"tawag sa 'kin ni Ash

Si Ash yung palagi kong kasama ,mas naging close kami,masungit at cold siya sa ibang tao pero kapag kaming dalawa nalang nagiging madaldal siya ,joker at masayahin.Suki na nga kami ng library*chuckles*tuwing wala kaming ginagawa at kapag lunch time pumupunta kami dito

"Lunch time na ija,palagi kang nandito"bungad sa amin ni Ma'am Nilda napatawa siya ng mahina "Kumain ka muna sa canteen"dugtong pa niya

"Busog pa po kami Ma'am kaya snacks nalang po dala namin"sabi ko

"Oh siya cge" sabi ni Ma'am

"Tsaka Ma'am hindi ko pa po tapos basahin yung librong pinahiram niyo po sa 'kin"sabi ko napangiti naman siya

"Kung maaari nga lang sayo na muna yun"

"Talaga po?"napatango siya

"Nandito na rin pala kayo Mahal na Prinsepe"sabi ni Ma'am Nilda

"Actually kanina pa po siya nandyan"sabi ko

"Hindi ah dun ako kanina sa labas may kinausap lang,tara na dun tayo sa puwesto"sabi niya at dumiretso sa puwesto namin

"Sige po Ma'am,happy lunch po"sabi ko at sumunod kay Ash ,kaunti lang ang nandito gaya nga ng sinabi ko noon mga genius lang ang nandidito kuno kapag lunch time ahihi

"Lets start ,katapos nito training tayo"sabi niya,nilabas ko yung librong pinahiram sa 'kin ni Ma'am Nilda

"Ok"nakangiti kong sabi at nagsimula ng magbasa

"Wag mo akong titigan,alam KO namang maganda ako"sabi ko at mahinang tumawa

"Hangin mo"bulong niya na narinig ko at kunwaring nagbasa,napangisi nalang ako

"Sino yung kinausap mo kanina?"tanong ko habang nakatingin sa libro

"Magbasa ka nalang ,magfocus ka sa binabasa mo,mamaya pagselosan pa ako niyan"napatawa ako ng marahan sa sinabi niya

"Opo Master"binalik ko naman ang atensyon ko sa libro ,napagisipan kong basahin muna ang pinakalast na entry ng hari't reyna

"Talaarawan yan ng Hari't Reyna?"gulat at mahinang tanong ni Ash

"Oo bakit?"

"Wag mong ipapahiram yan kahit kanino ,saan mo ba napulot yan?"tanong niya

"Pinahiram 'to sakin ni Ma'am Nilda"
sagot ko nakita kong tiningnan niya si Ma'am "Bakit?"tanong ko

"Wala sige basahin mo na yan"sabi niya habang nakatingin parin kay Ma'am gaya ng sinabi niya nagbasa nalang ako

Araw ng kapanganakan ngayon ng aking Asawa labis akong natutuwa dahil sa oras na 'to ay nagsisilang na siya ng sanggol.Ang sanggol na anak namin ang magtatatag ng kapayapaan,nasa kaniya ang iba't-ibang klase ng magic power ngunit ang pinaka pangunahi nitong imamanipulate ay apoy,siya ang makapangyarihan sa lahat.Ayon sa katiwala namin na itinuturing na rin naming ina na isang manghuhula ang damdamin ng sanggol ay nakakonekta sa kalagayan ng buong paligid kaya dapat na panatilihing maging masaya ang damdamin nito upang maiwasan ang mga possibleng mangyari sa paligid ,payo yun ng katiwala namin na si Manang Nilda...

Mystique Academy:finding the lost powerful princess [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon