9pm na ng gabi gaya ng napagusapan namin kanina dito ako matutulog sa dorm namin ngayon ,hindi ko pa nakikita si Ash simula kaninang lunch nasaan na kaya yun ,tsaka nagamot na rin ni Cloud at Snoowy sina Rain at Pat
"Tulog na us"masayang sabi ni Pat
"Tabi-tabi tayo ah"sabi ni Rain
"Oo naman dito tayo sa kwarto ko,namiss ko 'toh eh"nakangiting sabi ko,humiga na silang dalawa habang ako nasa pintuan pa at nakatayo
"Baka naman paggising namin Bess wala ka na naman sa tabi namin"
"Eh pasensya na talaga hindi na mauulit"sabi ko at lumapit sa kanila tsaka umupo sa kama
"Dito ka sa gitna Ate"*chuckles* sinunod ko naman si Rain at humiga
"Good night"sabay-sabay naming sabi na nakangiti ^_^
--
>Third Person's POV<Alas dose na ng umaga pero hindi parin makatulog ang dalagang si Yannie napagisip-isip niyang bumangon habang mahimbing namang natutulog ang dalawa ,lumapit siya sa drawer niya kung saan huli niyang nilagay ang kwentas na bigay ng kanyang magulang
"Namiss kita kwentas ko"sabi niya at sinuot ito sa leeg niya
Lumabas siya ng kwarto upang tingnan kung nasa sofa ba ang kaniyang kaibigang lalaki na si Ash pero wala itong Ash na nakita
"Aish asan kaya ang lalaking yun"nakasimangot niyang sabi ,may napansin siyang kakaiba sa labas,tiningnan niya muna ang bintana ng kusina tsaka lumabas ng dorm
"May tao ba?ang lamig naman"tanong niya habang naglalakad sa corridor ng dorm
Walang katao-tao at napakatimihik, tanging ihip lang ng napakalamig na hangin ang maririnig.Nasa labas na siya at tanging buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid ngunit lakas loob na lumabas ang dalaga na hindi alintana na may posibleng masamang mangyari sa kaniya
Samantala,habang naglalakad ang dalaga may mga matang nakamasid sa kaniya
"Sinuswerte ka nga naman"nakangising sambit ng isang lalaki na nakamasid sa dalagang si Yannie
"Wala kasi kayong tiwala sakin madaling utuin yan eh" nakapamewang na sabi ng isang babae
"Tss hindi mo nga nakuha yung kwentas,ang yabang kala mo naman kung sino"
"Tama na yan dami niyong satsat"awat ng isa pang babae,tumahimik naman sila
"Simulan na ang laro"sabi pa ng isa nilang kasamang babae at masamang nakatingin sa dalagang naglalakad papunta sa plaza
Ano kaya ang mararamdaman ng dalaga kung malaman niyang may mga kaibigan siyang traydor
"Hindi maganda 'to"sabi ng dalagang si Yannie nang mapansin niyang may mga matang nakamasid sa kaniya
Babalik na sana siya kaso paglingon niya sa likuran niya laking gulat niyang may mga taong nakaitim na at nakapaligid na ito sakaniya
Hindi alam kung anong gagawin ng dalaga natataranta at kinakabahan siya
"Sino kayo at anong kailangan niyo?"lakas loob niyang tanong
"Kailangan namin?ikaw?"sabi ng babae ,pamilyar ang boses na nasa madilim na bahagi kay Yannie
"Sino kayo?"tanong niya,ramdam niyang marami sila na nasa madilim na parte
"Daming satsat,nandito kami para makipagkasundo bibigyan ka naming ng isang araw para makapag-isip ,sasama ka sa 'min o papatayin namin ang lahat na nandito sa Akademya kasali na dun ang mga malalapit sa yo"napalunok si Yannie sa sinabi ng isa pang babae
BINABASA MO ANG
Mystique Academy:finding the lost powerful princess [EDITING]
FantasíaMay mga taong nagkakamali at nagpapadalos-dalos sa lahat ng mga desisyon nila sa buhay.Hindi nila sinisiguro kung tama ba ang kanilang ginagawa o mali? maganda kaya ang kalalabasan nito o hindi? Subaybayan natin ang kwento ng isang babaeng nagnganga...