PROLOGUE

12 1 0
                                    







"Payagan mo na kasi ako dad", eto na naman ako sa pakikiusap ko kay dad dito sa sala.

"I said it for many times. No, you're not allowed Vanessa", sabi sakin ng the best daddy ko. Bakit ba kasi ayaw nya?

"Payagan mo na kasi ako dad, I'm so bored here, I've been repeating the same things that I've done for 180 years. I wanna go outside our boundaries and experience a new life", pagpoprotesta ko kay dad.

"Sweety you're a vampire. You think humans will just accept you that easily", kontra naman ni dad.

You heard it right, I'm a vampire, and my dad is the greatest and powerful in our kind, he is Count Victor Dracula ang hari ng mga vampire na ayaw akong payagan mamuhay sa labas ng teritoryo namin. Still stuck in our big mansion for over a hundred years.

"Bakit ba ayaw mo dad?", tanong ko sakanya ng seryoso ang mukha.

Ayon tinitigan lang ako at nagtransform na paniki at lumipad paalis sa mansion. What a great dad he is, I'm so sick of my everyday life. Paulit ulit lang ang mga ginagawa ko nakakasawa na.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagmukmok.

Nagisip isip nalang ako ng mga gagawin, and naisipan ko nalang maggames sa cellphone ko, my gift from tita Alisa, akala ko pa nga kung ano yun nung una eh pero natutunan ko rin kung pano gamitin.

After a few hours, wala parin si dad kaya kumain na ako magisa, then after nun natulog narin ako. Normally di talaga kami natutulog basta trip ko lang, pampabilis oras ganon.











Dalawang araw na simula ng umalis si dad, mukhang matagal nanaman bago makabalik yun.

Again, doing the same things this day. Lumabas na muna ako ng mansyon namin at pumunta sa garden, umupo ako sa isang bench malapit sa fountain. Nakinig narin ako ng music sa phone ko at tinignan nalang ang kalangitan.

"Vanessa", rinig kong may nagsalita sa likod ko, agad kong inalis ang earphone ko at lumingon.

"Dad", si dad lang pala ang tumawag sakin. Lumapit sya sakin at umupo sa bench.

"Fine you can go", sabi nya sakin. Teka para san yun?

"Huh?", taka kong sabi. Malay ko ba kung ano tinutukoy nya.

"I said you can go and live outside the boundaries of our territory", sabi nya sakin.

OMG !!!! Totoo ba to!? Baka naman nanaginip ako!? O baka may kung anong natikman na dugo si dad kaya naging ganyan!?

"I know what you're thinking. You're not dreaming and I didn't drink any blood, I just realized that you should live up yourself since nothing special is going on with you here, and also you're old enough", paliwanag nya sakin. Napayakap nalang ako kay dad.

"Thanks dad", maluha luha kong sabi sakanya habang nakayakap parin. Matagal ko narin kasing pinapakiusap sakanya ito, siguro mga tatlong dekada na.

"But in one condition", sabi nya pagkatapos ko syang yakapin ng mahigpit.

"But what?", tanong ko naman.

"You're enrolling at your tita Alisa's school, she will take care of you, and also be careful", sabi nito, seryoso one condition ba yun?

"I can read your mind", dagdag pa nito. Oops better not talk much.

"I'll take you there tomorrow, ready your things", paalala pa nito.

I'm so excited, finally makakalabas narin ako sa teritoryo namin. I can't wait for tomorrow.

A Vampire's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon