"Van, natutulog ka na naman ba?" Rinig kong sabi ni Trixie sa labas ng kwarto ko, well di nalang ako magsasalita, kasi kung tulog ako di ko sya masasagot hahaha.
Inusisa ko nalang yung kwintas na binigay in dog prince. Kwintas ito ng mga mandirigmang bampira, may iba-iba kasing klase ng kwintas ang mga bampira.
Una, ang mga myembro, isang bilog na bakal na may bungo ng bampira yung pendant.
Pangalawa, ang mga mandirigma, kapareho lang nang mga myembro pero may espadang nakatusok sa ibabaw ng bungo.
Pangatlo, ang mga nagsisilbi sa tahanan ng kanilang mga panginoon, katulad ni Trixie na nagsisilbi sakin at kay dad, isang ginto na hugis kalasag ang pendant naman nila.
Last but not the least, ang mga namumuno o royal blood, like me na anak ng hari ng mga bampira, isang red crystal na may maliit na gintong kadena ang nakapulupot dito, ang astig di ba? Well si dad di nya masyadong sinusuot yung kanya, safety purposes lang daw.
I wonder kung kanino ang kwintas na to, at bakit nakay dog prince ito? San kaya nya to nakuha?
"Vanessa!!" Rinig kong sigaw ulit ni Trixie.
Sagutin na nga baka magwala pa ehh. "Gising ako hindi ako natutulog okay?" Sagot ko sakanya.
"Akala ko natutulog ka eh" sabi naman nya. "And your highness is here" napatayo nalang ako bigla sa kama ko at agad na lumabas sa kwarto.
"Highness? You mean dad?" Paglilinaw ko, mamaya trip lang ako nito eh. "Absolutely" oh goodness!!
"His highness is waiting you downstairs" agad rin naman akong bumaba pero hindi ko naman sya nakita.
"Trip mo ba ako?" Sabi ko ng makababa rin sya. "Hindi ahh! Kanina lang nandito sya eh, sya pa nga nagutos sakin na tawagin ka" pagtanggol nya sa sarili nya.
"Baka imagination mo lang yun" wala naman talaga kasi sya dito eh.
Tumingin tingin pa si Trixie sa labas at sa cr kung nanduon nga ba sya. "P-pero nandito lang talaga sya kanina eh sigurado ako dun"
Nakaakyat na ako sa hagdan ng tawagin nya uli ako. "Van!!" Ano na naman ba yun?
Pinuntahan nya rin ako na kasalukuyang papunta sa kwarto ko.
"Mukhang may iniwan syang sulat" may inabot sya saking sobre, inabot ko naman ito.
Eyes on your surroundings
A shadow is lurking in the darkness
Basa ko sa nakasulat, mukhang ganado pa sya magsulat sa lagay nyang to ah.
Pero ano kayang ibig sabihin ni dad, alam kaya nya yung nangyari tungkol samin ni dog prince, sana hindi.
"Anong sabi sa sulat?" Tanong ni Trixie na ikinabigla ko, buti di nya nahalata, wag ko nalang din sabihin sakanya.
"Ah wala wala, sabi ingat na lang daw ako" sana gumana yung palusot ko."Nalaman siguro yung tungkol sa mga Wolves" hay buti effective.
"Oh sya magluluto na ako" pagdugtong nya.
"Teka anong oras na ba?" Di ko alam kung anong oras na eh.
"Ala una ng madaling araw, bakit?" Sagot nya, eeeeehhhh!!
"Teka ang aga naman atah nating pumasok sa school, di ba pwedeng at least one hour advance tayo papasok hindi yung five hours early!!" Pagmamaktol ko kay Trixie.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Diary
VampireVampires, Wolves, Witches, Undead, Ghouls. All are outcasts of humanity, they are known as monsters, creatures of hell, dangerous beings. Giving up their bodies to the great evils in exchange to their own desires, they gained strength, powers, and e...