*Manila*Ang buhay ko ay nakadipinde sa mga magulang ko dahil mahal ko sila susundin ko ang lahat ng pangaral nila. Ayokong bigoin ang pangaral nila saakin.
Ako si john carl Navarro, 18 taga bulacan nabigyan ng escolarship sa maynila dahil yung ang gusto ng magulang ang gusto ko talaga ay magtrabaho para makatulong na ako sakanila.
Hindi naman kami mayaman, isang teacher ang mama sa public high school ang papa ko naman ay isang electrician may pwesto sya malapit sa bahay namin. Only child lang ako ayaw nila ako bigyan ng kapatid kasi daw mahirap ang buhay.
"Magingat ka doon ah! Kumain ka sa tamang oras at wag mo kalimutang magdasal" sabi ni mama
"Ma, lahat ng pangaral mo hindi ko kakalimuntan" sabi ko para hindi sya malungkot
" wag ka doon magbarkada, magaral ka ng mabuti. Magpapadala kami ng pera doon kada buwan ah!anak" untag ni papa na tumawag ng taxi
Ngayon na kasi ang alis ko papunta sa maynila meron narin akong nahanap na dorm na titirahan nakita ko lng ito Sa Facebook at ito yun pinakamura at malapit sa papasukan kong university.
Nasa labas kami ng bahay, nagaantay ng tinawag ng papa ko na taxi.
"Ma, pa, magingat po kayo, wag po kayo masadong magalala sakin at sapat na po yung binigay nyo pong pera."sabi ko na mayroon takot sa dibdib.
First time ko lng mahihiwalay sakanila bukod sa manga activities sa school na hindi kasama magulang pero lumalaki na ako kaya kaylangan ko na tumayo sa sarili kong nga paa.
Dumating na yung taxi, konte lang naman yung gamit ko isang backpack at isang digulong. Agad ko itong pinasko at upo sa harap sa tabi ng drive
" bye ma, pa magiingat po ako doon"sabi ko bago ko esarado yung pinto
"Basta anak tandaan mo lng yung tinuro ko syo" sabi ni mama si papa naman nakatayo sa gilid ni mama at nag wave ng kamay
"Opo ma"sabi ko bago umandar ang taxi
Sinundan ko sila ng tingi bago makalayo ng taxi nakita ko parin ang bigong muka ni mama. Mahirap talaga lumayo ang anak mo diba? Dahil inalagaan mo tapos lalayo sayo.
Wag po kayo magalala magaaral po ako ng mabuti para makaangan na tyo sa kahirapan. Ayoko na kasi sila makitang nahihirapan.
Huminto na yung taxi ibig sabihin nasa bus station na ako, agad agad akong lumabas at kinuwa yung bagahi ko. Binayaran na ni papa yung taxi kaya hindi nabawasan yung dala kong pera.
Umupo muna ako habang hinihintay ko yung bus na sasakayn ko. 8:15 na nagalmusal narin naman ako kaya hindi ako nagugutom siguro sa manila na ako kakain ng hapunan.
Habang nakaupo iniisip ko na ano kaya ang mabigiging buhay ko sa maynila nasanay nakasi akong si mama ang naghahanda ng pagkain ko sya rin naggigising rin sakin tapos sabay sabay kami kumain at nagkwe-kwentuhan kung ano ba ang nagyari kahapon.
Ayan ang mamimiss ko, siguro hindi lang yan sa lahat yata....
Naisip na wala papala akong ticket kaya pumunta muna ako Sa tickets booth para bumili ng ticket, malamang!
Sakto dumating din yung bus kaya dumiretsyo na ako doon nilagay ko yung gamit ko sa ilalim ng bus yung nilalagyan ng gamit pag masadong malaki ng gamit mo. Hindi alam tawag noon e!
Dali dali na akong pumasok sa loob doon ako da pinakadulong bahagi, doon kasi paboreto kong place
Habang nakaupo may tumabing babae sakin pagod na pagod siguro kala nya aalis na yung bus
" kala ko paalis na" sabi ng babae na parang ka edad ko
"Kakalabas lang ng bus hindi pa naman aalis"sabi na may ngiti sa muka
"Hahahhahah ganon ba" hingal na sabi nya
Agad kong inabot yung tubig na binili ko kanina"inom ka muna"sabi ko
"Oh! Salamat ha"sabi nya
Tumango nlng ako
"By the way, I'm hannah"sabi nya na wala nang bakas ng pagod at naglahad saya ng kamay
"I'm carl, nice to meet you" sabi ko at tinanggap ko yung kamay niya.
Pinagmasdan ko yung babae may estura naman saya, matangos ang ilong, maputi, mahaba ang buhok at tamang payat. Hindi ko na sya pinansin kasi nakasandal nasa at parang tulog na.
Inisip ko nalang kong ano ang magiging buhay ko sa maynila, sana makaroon ako na matinong kaibigan.
Naalala ko tuloy yung mga kaibigan kong kasama ko sa mga kalokohan, sila jin,paolo at mark sila ang laging kasama ko pag walang pasok lagi kaming pumupunta sa bukid para manghuli ng palaka. Nakakadiri pero nakakatuwa.
Naalalako rin yung puputa kami sa ilog para mang huli ng tutubi, bawat isa may dalang isang bote. Maramihan kaming mahuli.
Kaso hindi nanamin magagawa yun!.
Hindi ko namanlayan na umaandar na pala ang sinasakyan kong bus kaya naisip ko muna matulog, malayo layo panaman ang byahe.
Handa na akong matupad ang aking pangarap....
BINABASA MO ANG
Roommate
RomanceHindi ko inaasahan mangyayari to sakin, na mahulog ako sa kanya.....