Chapter 7: The Truth Hurts

326 13 1
                                    

The Truth Hurts 

Third person's POV

Ngayon ay mahimbing na natutulog si Mhaynie sa dorm niya.

Hindi niya alam na may ginagawa palang kakaiba si Cindy kapag tulog sila ni N

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at niluwa noon ay si Cindy

Agad niya namang pinuntahan si Mhaynie na ngayon ay mahimbing na natutulog

"Bakit ganun?" pagtatanong ni Cindy sa sarili "Kamukhang-kamukha mo ang kapatid ko" bulong pa nito "Siguro may kinalaman ka sa kaniya" napaisip ang dalaga "Malalaman ko rin kung anong kaugnayan niyo pero ngayon gaganti muna ako"

Nakita ni Cindy ang isang marker na nasa desk ni Mhaynie. Agad niya itong kinuha at nakaisip ng plano

"Hindi kita isusubsob sa inidoro dahil iba ang gagawin ko sayo. Siguro pagkatapos nito ay mamumula na yang makapal mong mukha" sabi nito at sinimulan ang kaniyang masamang plano

Ilang minuto lang ay gumalaw si Mhaynie

"Hmm" ungol niya

Agad naman na umalis si Cindy sa kwarto nila Mhaynie dahil kinabahan ito na baka nagising niya si Mhaynie

KINABUKASAN~

N's POV

Nagising ako sa isang sigaw.

"Hmm" ungol ko at bigla naman akong napabalikwas sa nakita ko. May multo

"Wahhh umalis kang multo ka" sigaw ko at pinaghahampas ito

"Tss" singhal nito. Wow ah nagsasalitang multo "Umayos ka nga N si Mhaynie ito" sabi niya na ikinitaka ko. Tinignan ko naman ang kama ni Mhaynie at wala nga siya doon

"Hindi ako naniniwala. Hindi ikaw si Mhaynie. Nasaan siya? Kinain mo ba siya. Iluwa mo na siya parang awa mo na" sabi ko at lumuhod pa

"Tumayo ka nga dyan" sabi niya "Bwahahahaha" tawa nito sa akin habang dinuduro ako "Ako nangangain grabe ka talaga N ako nga ito si Mhaynie" sabi nito at narinig ko na nang malinaw ang boses niya. Si Mhaynie nga ito

"Hahaha sorry hindi kita namukaan . Ano ba yang nasa mukha mo?" tanong ko at napakamot ako ng batok sa sobrang hiya

"Aba hindi ko din alam pagkagising ko ay ganyan na yung mukha ko" sabi niya "Siguro pinagtripan mo ko no?" sabi pa niya.

"Aba anong ako? Hindi ko magagawa sa iyo yan noh" sabi ko naman

"Oh sige na nga pero alam mo ang sakit nito sa mukha. Mamumula ako nito eh" sabi niya

"Hinugasan mo na ba?" tanong ko

"Oo nakailang beses na nga eh" sabi niya

"Dito punta tayong banyo" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Nagulat naman ako ng bawiin niya ito

"Anong gagawin natin sa banyo? Hoy N bata palang ako hindi pa ako handa" sabi niya naman na ikinakunot ng noo ko

"Ano bang pinagsasasabi mo?" sabi ko sa kanya

"Eh sabi mo kasi punta tayong banyo. Alam mo na yung ano" sabi niya habang nakayakap parin sa katawan niya

"Anong ano?" takang tanong ko. Ilang segundo lang ay nagsink-in sa akin ang sinabi niya at hindi ko mapigilang tumawa "Hahahaha" tawa ko habang hawak ang tiyan ko . Ang sakit hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark University (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon