CHAPTER 2: HE IS BACK

436 16 0
                                    

HE IS BACK

  Binigyan nila kami ng tig isa-isang blindfold pero nakapagtataka talag kung bakit may dugo ang akin

"Macha" tawag ko sa kanya

"Oh bakit Mhaynie?" tanong niya

"Patingin nga ng blindfold mo" saad ko

"Eto oh" sabi niya sabay abot sa akin ng blind fold niya.

Tinignan ko ito ngunit wala man itong bahid ng kahit konting dugo

"Ah sige eto na oh" sabi ko

"Bakit mo nga pala kinuha??Anong ginawa mo??" tanong niya

"Tinignan ko lang kung may dugo" saad ko

"Anong dugo?" nag aalinlangang tanong niya

"Ito oh tignan mo may dugo yung akin sayo wala" sabi ko at inilahad sa kanya ang blindfold ko

"Baka ma---"

"Mag-uusap lang ba kayo o hahawak na sa lubid" putol ng lalaki sa sasabihin ni Macha. Nang tumingin ako sa kanya ay binigyan niya ako ng matalim na tingin

"Sige na hawakan niyo na ang lubid" sabi niya at lumakad na palayo

"Hayaan mo na lang yun Mhaynie"

"Sige"

"Kung nakahawak na kayong lahat ay ilagay niyo na ang mga blindfold niyo" sabi niya at agad naman naming itong sinunod

"Welcome to Dark University The place where no one belong" sabi niya at humalakhak pa. Kasabay noon ay parang may humila sa amin at dahil doon ay muntik ko nang mabitawan ang lubid

"Ahhhhh" sigaw ng isa kong kasama

"Wahhhh" tili pa ng isa

Tama sila hindi ganun kadali ang ginagawa namin dahil nakahawak lang kami sa lubid at nakatakip pa ang aming mga mata gamit ang blindfold. Sana ay walang masamang mangyari

Ngayon ko lang din napansin na wala na pala akong inaapakan kaya mas lalo akong nanlambot hanggang sa mabitawan ko ang lubid at mahulog

  Macha's POV 

 Hello guys Ako nga pala si Machaline Teah. Galing ako sa angkan ng mga Teah. May isa akong kapatid si Kuya Calvin Teah. Isa din siya sa mga pumunta dito 5 taon palang siya ng kunin sa amin at wala kaming nagawa.Nang ibinigay sa amin ang mga blindfold ay natuwa ako dahil malapit ko nang makita ulit si Kuya 

 "Kuya makikita na kita. Sana kapag nagkita tayo umuwi kana miss na miss ka na nina mama at papa" bulong ko sa aking sarili habang nagpapahid ng kaunting luha. Sinuot ko na ang blindfold at hinawakan ko na ang lumipad . Sa tingin ko nga lumilipad kami eh kasi wala akong tinatapakan .

"Ahhhh!" sigaw ng isa

"Wahhh!" tili naman nung isa

Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay parang may nahulog mula sa aking likuran

"Wahhh" tili nito at parang pamilyar ang boses nito. Doon ko lang naalala si Mhaynie

"Mhaynie!" sigaw ko

Mhaynie's POV

 Ngayon ko lang din napansin na wala na pala akong inaapakan kaya mas lalo akong nanlambot hanggang sa mabitawan ko ang lubid at mahulog

"Ahhhh" sigaw ko

"Mhaynie!" sigaw naman ng isa na sa tingin ko ay si Mhaca

Hmm bakit ganun parang hindi ako bumabagsak. Sinubukan kong alisin ang blindfold ko ngunit may pumigil sa akin

"Hawak kita kaya kung ayaw mong mamatay huwag mong tatanggalin ang iyong takip sa mata" sabi sa akin ng katabi ko

"Sino ka?" tanong ko

"Ako ang taong ayaw mong makilala" sabi niya

"Hindi kita maintindihan. Sino ka ba talaga?"

"Hindi ko maaring sabihin sayo ang aking pangalan. Dahil kapag nalaman mo ay pagnasaan mo ako" sabi nito. Wow ang hangin naman dito

"Kuya wow ah as in wow na wow ang hangin mo" sabi ko at sa hindi malamang dahilan ay tumawa siya

"Hahaha" tawa niya

Dark University (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon