Chapter 2: Dinner Date? 💕

118 12 0
                                    


Jen-jen's POV

*yawn~*

Nagising na ako mula sa mahimbing kong tulog. Tinignan ko yung oras sa cell phone ko.

7: 46pm na! Hala! Hindi pa ako kumakain!

May nakita din akong 3 text messages at 2 miss calls. Kaya agad kong tinignan yon.

From: Taehyung
Message: hi jen-jen! <3

From: Taehyung
Message: tulog ka pa ba?

From Taehyung
Message: Bakit hindi ka nasagot sa tawag ko?? 😭 😭 😭

Ay! Si Taehyung pala.Tawagan ko nalang para matahimik na.

[Hello? Jen-jen? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Nag aalala na ako sayo..]

"Ah.. sorry.Natutulog pa kasi ako nun. Kakagising ko palang nga eh. Hindi pa ako nakain. "

[Ako din eh.. gusto mo kain tayo sa restaurant? Sunduin kita.]

"Ay! Wag na nakakahiya. Dito nalang ako kakain sa bahay.thank you nalang."

[Ha? Eh, n-nandito ako sa tapat ng bahay niyo eh..]

"Ha?! Bakit ka nandyan?! Baka makita ka ni kuya Jin!"

Agad akong pumunta sa balcony ko sa kwarto. Hala! Nandun nga siya! Todo ngiti pa. Ewan no lang kung makangiti pa siya pag nakita siya ni kuya Jin.

Pinatay ko agad ang tawag.

"Jen! Baba ka dito!" Sigaw niya.

Wala akong nagawa kundi sundan siya sa baba. Baka makita pa siya ni kuya Jin eh.

Agad akong bumaba. Buti nalang nasa kwarto si kuya Jin at Jimin.

Pagkababa ko, agad akong lumapit sakanya.

"Halikan--este! Halika na. Punta na tayo sa restaurant." Sabi niya.

"Ha? Eh.. kase... anu.."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila papasok na kotse niya.

"Huy! Hindi pa ako nakakapag paalam!" Sigaw ko.

"Ok lang yun. Tinext ko na si Jimin na ipaalam ka."

"Ah.. eh.. sige."

Wala na akong magagawa. Nasa kotse na ako eh. Pati libre naman ata niya eh. Gutom na kase talaga ako.

Nakatingin lang ako sa binatana. Pero kahit ganun, Alam kong tinitignan niya ako habang nakangiti. Pano? Simple lang, may super powers ako eh. Charot!

"Alam kong maganda ako pero hindi mo na kailangan titigan pa ako." Pang-aasar ko.

Tumawa naman siya. At sa hindi ko malaman na dahilan, Napa ngiti ako.

Nakarating na kami sa restaurant na sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan toh, pero alam ko masarap pagkain dito. Hehe.

Bumaba si Taehyung at pinag buksan ako ng pinto.

Gentleman! Grabe!!

Bumaba na ako at sinundan siya papasok sa restaurant. Simple lang naman yung restaurant eh. Pero maganda. Madaming disenyo katulad ng mga halaman at mga bulaklak. Restaurant ba to? Parang garden kase. Tinalo pa yung garden naming sa bahay.

Mr. Good boy | taennie (on going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon