Chapter 6: Hatid Sundo

77 9 0
                                    


Jen-jen's POV

*beep*

*beep*

*beep*

Luh! Kanina pa tumutunog yung cellphone ko, matignan na nga.

3 messages received from Taehyung.

Galing kay Taehyung?
Tinignan ko muna yung oras. 6:24am na. Sakto kailangan ko ng bumangon.
Pero bago yon, Tinignan ko muna yung mga messages.

From: Taehyung
Message: Good morning! 😘💕

From: Taehyung
Message: nandito ako sa labas ng bahay ninyo. Susunduin kita.

From:Taehyung
Message: pakibilisan po..

Hala! Baka kanina pa siya doon sa labas, magalit pa yun sakin.

Agad akong bumaba at kumain. Nandito na din sila kuya.

"Anak oh, baunin mo." Sabi ni mama nang matapos na akong kumain. Kinuha ko nalang. Brownies eh! Kahit papaano naman pala may time siya para sakin. Ngumiti lang siya kaya dumiretso na ako sa kwarto para maligo.

Pagtapos maligo, nag bihis agad ako at nag paalam na. Pumunta na ako sa labas at baka kanina pa umuusok ilong at tenga nun.

"Bakit ang tagal mo?" Medyo inis na sabi niya.

Paktay!!

"A-ah.. kase... a-ano.."

"Never mind. Hop in." Sabi niya habang binubuksan yung pinto ng kotse para makasakay ako.

Sumakay nalang ako kahit sobrang awkward. Bakit ba kasi naisipan niya na ihatid pa ako?

"Bakit mo ako hinahatid?" Tanong ko sakanya.

"Para hindi kana malate, kaya simula ngayon, ihahatid na kita lagi." Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa daan.

Eh?

"Hindi mo na naman kailangan gawin to eh.." Sabi ko.

"Okay lang yun."Sabi niya.

"Sige, bahala ka makulit ka eh."deretsong sabi ko.

Tumawa nalang siya. Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Wala" sabi niya.

Hindi ko nalang pinansin. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nag basa sa wattpad.

"Ano yan?" Tanong niya at tumingin sakin sandali bago ibalik ang tingin sa daan.

"Wattpad." Sagot ko.

"Nag babasa ka pala ng wattpad? Ako din. Anong book yan?" Tanong niya. Wow hindi ko akalain na nag babasa pala siya ng wattpad.

"The four bad boys and me." Sagot ko.

"Ahh.. tapos kona yan. Bad boys love na ako."

"Talaga?!" Hindi ko talaga akalain to.. siya? Wattpad? Wehh?

"Alam mo.. pangarap kong isulat sa wattpad yung buhay ko. Yung magiging girl friend ko, yung lahat about sakin."

.....

"A-ako din." Sabi ko.

Oo pangarap ko yun. Nakakagulat lang na siya din pala.

Nasa school na kami. Bumaba na ako ng kotse. Naiilang pa din kase ako.

Mr. Good boy | taennie (on going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon