chapter 2

1.8K 64 26
                                    

maraming salamat po sa support guys, pls po paki sabi sakin kung magulo ung story o kung pangit po ba,, pls guys do vote and comment po ^__^

tska kung my xtra tym po kayo pwede po ba pa check ung NAGKAMALI KA NG INAGAWAN TEH! salamat po ulit ^__^

chapter 2

ryou's pov

biglang bumilis ung tibok ng puso ko nung nasabi ko kung saan nakalagay ung patis nila annica, eto ung unang beses ako nakapunta sa kanila, pero parang sobrang pamilyar lahat ng mga bagay sakin lalong lalo na ung mommy niya.

"pano mo nalaman hijo?" napatingin ako kay annica na mukang gulat na gulat, ung mama nman niya nakatingin lang sakin ng seryoso

"hula ko lang po, excuse me po annica san cr niyo?" pabulong kong tanong kay annica kahit alam ko nman kung nasaan ung cr, pero hindi pa din ako nakakasigurado, pakiramdam ko lang alam ko kung nasaan ung cr

"sa likod nung hagdan meron dun pintuan ayun ung restroom" nakangiting sagot sakin ni annica, pero bago ako tumayo sinigurado ko muna ung hinala ko sa cr nila annica, pag kulay yellow ung pintuan alam kong, hindi  na maganda ung pagtagal ko sa bahay nila

hindi ko alam kung ano ung kinakabog ng dibdib ko pero titig na titig ako sa kulay yellow na pintuan ng cr nila annica, para akong baliw na hindi maintindihan kung ano ngyayari sakin, bakit alam ko kung ano meron sa bahay na to! bakit alam ko bawat sulok nito kung ngayon lang ako nakapunta dito

rayou waitttttttttttttttttttttttttttttttttttttt" ayan ung sigaw ni annica na huli kong narinig bago ko pinaandar ung sasakyan, naguguluhan na din kasi ako, naguguluhan ako sa ngyayari sakin, eto ung unang pagkakataon ko na nakaramdam ng ganitong kakaiba sa sarili ko, lalo na nung nakipag kamay ako sa mama ni annica, iba ung lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan.

pag dating ko sa bahay agad akong nag halungkat ng mga drawings ko ng mga bahay, baka kasi isa sa mga nadesign ko ung bahay nila annica kaya pamilyar sakin lahat ng bagay duon.

bigla akong napaupo sa kama ko nung napansin ko na halos lahat pala ng drawings ko ay parehas nung bahay nila annica, madalas ko din kasing napapanaginipan ung bahay na un kaya ayun ang madalas kong naddrawing.

ilalagay ko na sana sa lalagayan ung mga drawings ko nung may nahulog na isang papel...

'fuck' mahina kong cuss, at nakapagpabilis na naman ng puso ko,

titig na titig ako sa drawing ko na nanalo pa nung grade 6 ako, isang babae na naka wedding gown, napakaganda niya, ang nipis ng labi at ang tangos ng ilong, pero hindi un ang nakapag pakaba ng husto sakin kung hindi.....

'tita annie'

annica's pov

malapit ko ng maibato ung telepono ko dahil sa sobrang asar ko, kanina ko pa kasi tinatawagan si ryou di ako sinasagot, napakaimposible nman na wala un load lalo na alam kong mayaman sila.

nag aalala kasi ako sa kanya bigla na lang siyang umalis, hindi na nag paalam sakin, baka kasi merong nangyaring masama kaya bigla siyang umuwi, o kaya nman sumama ung pakiramdam niya, tapos dagdag mo pa na ang weird niya, para siyang ibang tao nung andito siya sa bahay, hindi nman ganun si ryou sa pagkakilala ko sa kanya.

"annica" napalingon ako nung narinig ko ung boses ni mama, andito na din kasi ako sa kwarto ko at sa facebook ko na lang din kukulitin si ryou kahit pa hindi siya online T_T

"bakit po mama?" napakunot ung noo ko nung napansin ko na namamaga ung mga mata ni mama, pag ganun kasi isa lang ibig sabihin nun kakagaling lang niya sa iyak, at ayun ang pinaka ayokong makita sa lahat umiiyak si mama

inalok ako ng kasal ni tito glen mo" O_O reaction ko, 

wow mama ang saya kooooooooooooooooooooooooo" napaakap ako bigla kay mama sa sinabi niya sakin, mahal ko na din kasi si tito glen para ko na siyang tatay, lumaki kasi ako na si tito glen ung madalas kong nakikita, masasabi ko nga na si tito glen na ung tumayong tatay para sakin

"nalilito pa ako anak" nag simula na naman tumulo ung mga luha sa mata ni mama, kaya naguluhan ako, sa huling pagkakatanda ko kasi lagi niyang sinasabi sakin na pag inaya siyang mag pakasala ni tito glen papayag siya, pero ngayon kitang kita sa mga mata ni mama na nalilito talga siya

"bakit nman ma? kala ko ba gusto mo ng lumagay kayo sa tahimik ni tito glen? matagal ng patay si daddy" sabi ko sabay punas sa mga luha ni mama

"bumalik na si daddy mo" O_O hala ano sinasabi ni mommy

"ma ano na nman ba yan" sabi ko sabay tayo, lagi na lang siyang ganyan, hindi nman sa pinag tatabuyan ko si mama na magpakasal sa iba pero diba ang weird naman kung babalik ung patay, alam ko nman na mahal na mahal niya si daddy pero sa tagal ng patay ni daddy sana nman mahanap na niya ung kaligayahan sa iba, hindi umaasa siya sa taong matagal ng wala samin at kasama na ng diyos

"si ryou ang daddy mo"

---------------------------------------------------------------------------------------------------- PLS DO VOTE AND COMMENT BE A FAN NA DIN PO IF TRIP NIYO SALAMAT ^__^ 

boyfriend ko ang daddy ko (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon