Prologue

425 18 2
                                    

Ang ngiti at ang mga titig mo, ang pang-aasar at paglalambing. Ang bawat pagpalo mo sa paborito mong instrumento. Ang bawat pagkuha ng litrato, alam ko man o hindi. Ang mga sermon sa 'twing tinatamad kumain. Ang mga mahahalagang salitang binibitawan mo araw-araw, maya't maya, minu-minuto. Ang higpit ng pagyakap.

Pinipilit burahin.

Pero hindi ko magawa.

  Naglalakad sa isang eskinitang madilim, malungkot at tahimik. Lugar na akala mong tambayan ng kampon ng kadiliman. Pero hindi. Lugar ito kung saan paulit-ulit kong binabalikan. Lugar kung saan nangyari ang lahat at ang lugar kung saan natutunan ko ulit magmahal at magtiwala.

Babalik siya.. hindi ako nagkakamali. Mahal niya pa din ako.. hindi ako nagkakamali. Pero ilang araw, ilang taon.. wala ka pa din.

 Nasaan ka na? Mukha ngang mali na ako. Hindi ka na babalik, at ako.. andito sa lugar na tayo lang ang may alam.. naghihintay pa din kahit walang kasiguraduhan na ika'y magbalik.

Nandito lang ako.. naghihintay.

Still Madly Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon