Chapter Six: "Yes, I Fell In love With A Dark Angel.. My Dark Angel."

71 6 0
                                    

"Wag po! waaaag!" sabi ko sa lalaking humahabol sakin. May hawak itong patalim at may mapupulang mata. Pawis na pawis na ako at nanunuyot na ang aking labi. 

"Sandali lang naman ito, tatanggalin lang natin 'yang puso mo para wala ka ng maramdaman. Di ba ayaw mo naman mainlove sa kanya?" sabi nito sa tono na parang si Satanas. "Di ba?" tanong uli niya at nakangiti ito sa akin. Dinilaan niya pa ang matalim nyang kutsilyo. 

"Ayoko po! Hindi po! Maawa po kayo sakin!" sigaw ko dito.

"Halika na dito!! Hindi naman masakit to eh." nagsimula na naman kami maghabulan. Umiiyak na ako at mauubusan na ng lakas para makatakbo. Pinipilit kong makarating sa liwanag na nakikita ko pero bakit ganun, kanina pa ako takbo ng takbo papunta doon pero parang palayo din ng palayo ang katiting na liwanag na nakikita ko.

Kada takbo ko nag iisnap siya gamit ang daliri niya at nagkakaroon ng mga harang ang daan. Napapagod na ako. Ramdam ko na na malapit na akong bumigay. Ayokong mawala ang puso ko. Hindi ko pa ito nagagamit ng husto. Kung kailan nakakaramdam na ako tsaka niya pa balak kunin sa akin 'to. Hindi pwede! 

Isang snap pa ng daliri niya ay bigla akong napunta sa ilalim ng dagat. Dali dali akong lumangoy paitaas pero hirap na hirap ako na para bang may nahila sa akin pababa. Sinubukan ko pa din pumadyak at lumangoy ng mapansin kong may mga taong patay akong katabi at wala na itong mga puso. 

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Gusto ko ng sumuko dahil parang wala na akong pagasang makawala. Natatakot ako, sana panaginip lamang ito. Padyak pa din ako ng padyak at pagkatapos may nakita akong liwanag. Pinuntahan ko kahit hirap na ako. Masakit na ang mga paa ko at nakukulangan na ako ng hininga. Hindi na ata ako aabot. Lumalabo na ang paningin ko, masakit na ang ulo ko na tipong puputok na ang mga ugat ko dito.

*klok klok klok---*

"Farasha!!"

  Bigla na lang akong nagising at napahigop ng hangin. Pakiramdam ko ba ay talagang nalunod ako. Akala ko talaga totoo na nangyayari sakin 'yun. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko at basang basa ako ng pawis. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot at bigla na lang kumirot ang ulo ko. Paghawak ko sa ulo ko may benda ito at naalala ko ang dahilan kung bakit ako mayroon nito.

  Nagulat ako ng biglang may gumalaw sa tabi ko tsaka ko lang napansin na nasa ospital pala ako. Ang nakakagulat pa lalo dito ay kung sino ngayon ang nasa tabi ko at hawak hawak nito ang kanang kamay ko. Nagising naman na ito at nagkusot ng mata. Hay, parang bata na bagong gising lang. May bakat pa ito sa mukha dahil sa pagkakatulog niya. Namumula ang mga mata nito na para bang umiyak ito o dahil bagong gising lang. Magulo ang buhok nito at medyo mahaba na ang balbas at bigote niya. Hindi ako sanay makita siyang ganito. Malinis kasi palagi ang mukha nito at walang bakas na tinutubuan ito ng balbas at bigote. Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita niya akong gising na at buhay.

"Farasha! NURSE! NURSE!" sigaw nito at bigla niya akong niyakap. Makasigaw naman 'to wagas. Pero ang totoo, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito maliban sa umiiyak siya noong nakaraan kasama si Marie. At kaboses niya 'yung tumawag sa akin bago ako magising sa masamang panaginip kanina.. hindi kaya siya 'yun?

"Oo buhay pa nga ako pero mukhang hindi na din magtatagal." bigla ito kumalas at napatingin kung saan.

"Sorry." Namumula ang mga pisngi nito at hindi na makatingin ng diretso sa akin. Ang totoo, masaya ako dahil siya ang una kong nakita at for the first time nayakap ko siya, este siya pala yumakap sakin. Atleast alam kong safe siya, ang medyo hindi magandang part lang dun ay ako. Ako ata ang muntik mapuruhan.

Still Madly Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon