Arghh!! I hate their uniform! The Hell. Ang ikli ng palda kulang nalang makita ang suot mo na cycling. Daig pa ang mag che-cheer dance. The fudge!
Pag-uwi ko dito kahapon sakto dumating ang uniform ko nung una hindi ako pumayag na ganito ka-ikli ang susuotin ko na uniform pero wala na akong nagawa kasi kinabukasan narin ang pasok ko alangan naman magparush pa ako ng uniform.Kainis. Mabuti nalang sakto sakin ang sukat kung hindi makakatikim sila.Tsk!
Pero in fairness ang cute ng damit it's a white long sleeve with a black lining at black neck tie tapos may logo ng school sa gilid. Very simple.
Pagtapos ko mag-ayos bumaba na ako. Halos karamihan ng mga empleyado napapatingin sa gawi ko. I can see the admiration on their faces. But I hate attention, like duh! As if nakagown ako at may make up, but hell! I'm just wearing a school uniform. What the heck! Dumiretso ako papuntang labas at nabungaran ko dun yung butler ko daw. Balak ko pa man ding mag cab pero I think hindi na yun mangyayari.
"Young lady, ihahatid na po kayo ng driver niyo sa school. Sumakay na po kayo" Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay nalang ako ayaw ko nang makipagtalo o magtanong pa. Ayaw ko malate at baka makarating nanaman sa ama ko. Another great problem nanaman. I miss my cars so much. Hay.
After a minute nakarating din kami sa school pasalamat nalang at walang traffic. Bumaba na ako pero bago yun sinabihan ko muna ang driver na sunduin ako after class hindi ko na sinabi kong ano oras may schedule naman siya ng tapos ng klase ko. Tsaka nagtitipid ako ngayon kailangan ko mag-ipon may bibilhin ako.
Dumiretso na ako papasok at sinabi ko lang sa guard na transferee ako dahil no ID no entry daw. Daming alam.
Tinignan ko lang schedule ko at dumiretso na sa first subject ko. I am now a senior student at isang Section A. First subject is English.
Pagdating ko dun wala pa ang professor pero marami nang student. Naupo lang ako sa pinaka last na row ng upuan. Wala umuupo dun ako lang ata ang naupo. May mga tumitingin sakin hindi ko nalang pinapansin syempre new student ako dito kaya bago sa paningin.
At last dumating din ang professor namin. First day na first day late. Pero mukhang terror si sir. Tsk! Pagkapasok niya dumiretso siya agad sa assigned table niya.
"Good morning class" malakas na bati niya.
" Good morning Sir!" Sabay sabay na sabi namin. Parang elementary lang. Kamuntik pa nga yung iba tumayo. Pfft. Ah ewan!
"So, first of all before we proceed to our discussion this morning. I'd like to great those transferee that pass the exam and became one of the student in this section. Congrats transferee! And of course I would like to introduce myself to those that is new here, I am Sir Alfred Sison your English teacher and also your adviser. So let's start our lesson" blah blah blah. Amboring.Puro lang siya lecture dito lecture dun. Karamihan sa mga tinuturo niya na pag-aralan ko na. Advance sa US that's why I already know it.
"So I hope that most of you class listen carefully to what am I lecturing because tomorrow we have a quiz. It's not that short but not to long too. Goodbye class. Dismiss!" Pagkasabi na pagkasabi ni Prof nun marami ang nag react. May iba pa na parang nanghihinayang na hindi sila nakinig. Tumayo na ako pagkasabi ng dismiss.
Dumiretso ako papuntang cafeteria at nag order. I just grab a pepperoni pizza, can coke and a pasta. Naghanap ako ng mauupuan and I found a vacant seat sa may tabi ng glass wall it's a three seat table. Naglakad ako papunta dun at nagsimula ng kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng paglasap sa mga pagkain ko ng biglang may umupo sa dalawang upuan sa harap ko.
"Hi! Can we sit here?" Nagpaalam pa, umupo na nga eh. Tsk! Tinignan ko lang siya as if nag alien language siya.