What the hell?!
Anong masamang hangin ang nagtaboy sa lalaking yan dito?!
Ehmeged, of all people, ba't siya pa? Yang manyak na yan?! Eeewwww! I couldn't even imagine him being our student teacher. -_-
"Good morning students." sabi niya pa with matching smile nang mag-grand entrance na siya sa room namin. At ayun nga, nganga yung mga classmates ko sakanya.
Haisst, nuhbayan, magiging effective naman kaya siyang student teacher?? :3
Naku, kapag siya ang magturo, walang matutunan ang klase, especially ang mga girls..
Eh pano ba naman, lahat na lang nadidistract sa kagwapuhan niya kuno. Except ME. Sabi ng kapatid ko, gwapo daw yang manyak na yan, well nalimutan pa palang idagdag ni Shynne, pasikat din pala ang mokong.
Urrrggghh!! Bwiset, nangungulot ang eyelashes ko sa inis sa kanya!
"Hi Sir Shin, do you have a girlfriend?" malanding tanong ni Crystal nang magtaas ito ng kamay upang magtanong. Tse, akala ko naman kung anong itatanong, kababawan lang pala -_-
Naku, naku, isa pa tong epal..haisst, ngumiti naman ang loko. Wews, such a flirt playboy!
"May I know you name please? Miss...?"
"Ms. Crystal...
*ngiting malandi*
...Crystal Reyes, Sir."
"Oh ms. Crystal, nice name huh. Well, I believe it has nothing to do with the lesson I'm going to discuss today. So can we proceed now?"
Oh ayan, nasopla siya..whahha buti nga sakanya. *evil laugh*
"Oh okay, Sir, I'll be finding it out soon naman eh."
Maarteng sabi pa nito at poised na poised pang naupo. She's really a spoiled brat. T.T
Wala manlang pinipiling lugar ang kalandian niya, palibhasa meyemen kaya namimihasa. Wew, kafal ng fezz! Sing kapal ng make-up niya. >,<
Well, anyway, let's just move on. Wala naman siyang ginagawa sakin eh, kaya dedma nalang. XD
Umalis na muna sandali si Sir Sam (siya yung original professor namin).
Kaya naman mukhang mas komportable nang magsalita si Mr. Manyak.
"Today, lemme discuss all about the advantages of the..."
*blah
*blah
*blah
Well, I don't like him at all. -_-
Maya-maya ay napadako ang tingin niya sakin.
"So, what do you think are the disadvantages of technology to us? Will you please answer it, miss?"
He's smirking at sa bandang upuan ko siya nakatingin. Ako ba ang tinatawag niya??
Itinuro ko pa mismo ang sarili ko upang makasiguro.
Tumango naman siya. "Yes, ikaw nga Miss sa pinakadulo."