Chapter 3 *Young Lover, Friends*

17 6 0
                                    

Sa di kalayuan, nakita ko si Shine na para bang hindi maka-pagconcentrate sa kanyang ginagawa..,

Kaya pinuntahan ko na sya at hindi ko pinansin ang mga kasinungalingang narinig ko mula kay howl kaso..,

napahinto ako..,

dahil nakita ko si Shine na, kung ako gumagawa ng project habang kaharap si Love baka maghapon lang akong nakatitig sa kanya kasi chance na un..,

Shine: Amm? Jacob? wag mo sanang mamasamain, mayroon ka bang crush sa mga classmate natin?

Jacob: Wag mo ngang isingit ang mga walang kwentang tanong nayan., gumagawa tayo ng project.

Shine: Ah.., ok di ko naun ulit itatanong..,

Jacob: Sa totoo nyan.., kasama ko ngayon ang aking crush.., nag-request ako kay teacher na gusto ko na ikaw ang kapartner sa group project na to..,

Mukhang di na nakakibo pa si Shine sa kanyang mga narinig.., Kung ako yon., mapapayakap ako sa kanya sa sobrang saya at kilig na na-fefeel ko sa mga oras nayon..,

Nang tapos ng gawin nina Shine at Jacob ang kanilang school group project..,

Nag-pamiryenda muna sila Jacob., Habang kumakain.., kinausap ni Jacob si Shine na di makapaniwala sa kanyang narinig..,

Jacob: Ah Shine? dapat di ko muna sayo sinabi na crush kita kasi baka layuan mo na ako nyan eh.

Shine: Hindi., hindi., bakit naman kita lalayuan eh sa totoo nyan ay super crush din kita mula nung una pa.

Jacob: Friends?

Shine: Ok, Friends..,

Nang aalis na kami., para bang couple sila shine and jacob pero kami ni Howl parang nag-away ng isang taon.., pero true ba ung mga sinabi ni Howl., bakit mukhang biglaan naman kaya di kapani-paniwala, diba?

Habang nasa loob kami ng bus.., Nakita ko na hanggang ngayon ay pulang pula ang mukha ni Shine dahil sa kanyang nalaman na parehas nila crush ang isa't isa..,

Sana ganyan din ung nangyari sa akin nung una pa lang, sana nagtapat din sya sa akin noon.., para di ako naguguluhan ngayon!

Naihatid ko na si Shine sa house nila and Umuwi na din ako kaagad..,

Sana ako nalang si Shine.., kasi hindi sya nasaktan dahil crush din pala sya nung jacob nayon..,

Pero ako mukhang di masaya sa sinabi ni Howl dahil nakaka-shock un sa tulad kong nasaktan nya ng di man lang nya alam noon..,

Friday afternoon, Last day of school, bakasyon na!.., sinundo namin ulit si Shine sa kanyang school.., habang hinihintay sya..,

Nakita ko si Jacob na unang lumabas.., at Alam nyo., nilapitan nya ako and sabi kailangan daw nya ang help ko kasi ka-close ko daw si Shine.., Hay.,

Jacob: Ah Ate, ikaw po ung kasama ni Shine kahapon na pumunta sa house namin., diba?

Pina-upo ako at hinawakan ang tenga ko at ibinulong na..,

Jacob: Ano po ba ung mga Like ni Shine?

Ako pa talaga ang tinanong ., eh ngayon lang kami naging close ni Shine!

Kaya sinabi ko nalang na "Kahit ano basta galing sayo masaya naun" ang tinde!

Alam nyo humiret pa ulit ng isang request.., Sa pagkakataong ito tungkol sa pagpapaturo ng gitara ang gusto nyang itulong ko sa kanya., eh mukhang mayaman naman sila at pwedeng kumuha na private na gitarist.

Tutal magaling sa pag-gigitara ang bestfriend kong si Yardie kaya inoffer ko sa kanya na tuturuan sya ng Bestfriend ko.., Pero may bayad!

Jacob: Salamat po ate?

Me: My name is Jolamie but you can call me ate "Ami" nalang..,

Jacob: Ah., thank you very much po.., sa Sabado , sunduin nyo po ako sa amin.

Nag- Oo nako sa bata.., kaysa sya pa ung susundo sa akin., eh di pa naman sya nakakapunta sa amin., Tutal alam ko ung bahay nila., Sige ako na ang pupunta..,

Nang nasa house na ako nila Jacob., hindi lang yata si Jacob ang magpapaturo dahil si Howl man ay may dala-dalang gitara..,

Me: Wag mong sabihin na, pati ung kuya mo?

Howl: Bakit? di ba pwedeng sabayan at sundan ung mga nota, habang tinuturuan si Jacob?

Jacob: Hayaan mo na ate Ami., para sa pag-uwi di kana mag-aabalang ihatid pa ako..,

Wala na kong magagawa kaya pumayag na ako.., ngayon iniisip ko kung papayag si Yardie kasi sabi ko si Jacob lang., tapos malalaman nya kapatid nya pala si Howl na kinabaliwan ko nun.., hay!

Ung pag-ibig nga nya di ko tinanggap tapos ngayon kasama ko si Howl!., baka magalit na yun talaga sa akin..,

Nung nakarating na kami sa bahay ni Yardie.., kaagad ko syang pinaki-usapan.., pero kung ayaw nya, wala akong magagawa.,

But bestfriend nya ako., matagal na kaya di nya ako natiis na pag-bigyan..,

Sa unang araw ng pagtuturo ni Yardie kay Jacob pati rin kay Howl..,

Mukhang naging maayos naman ang lahat dahil mukhang madali lang turuan silang dalawa..,

Lumipas na ang ilang oras at tapos na ang first session..,

Inihatid namin ni Yardie ung dalawang yon sa labas para tiyak na makakasakay sila at makakauwi ng maayos..,

Lumapit sa akin si Jacob at inabot ang isang libo.., Oh My! di kami mahirap noh! Kaya sabi ko i-save nalang nya ung pera nya at joke lang ung sinabi ko nung una na may bayad..,

Nilapitan din ako ni Howl.., at bigla nya akong niyakap..,

Me: Howl?

Howl: Maraming salamat ang bait mo pa talaga.., Sana maging matalik kitang kaibigan.

Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin., pero alam nang puso ko na hindi pa tuluyang naka-move on ito..,

Teka nga lang.., ginayuma ko ba si Howl at ngayon ay bigla nya akong nagustuhan?! Unbelievable!!!.., Hmm.,

Yardie: Ah.., excuse me.., nandito pa ako kaya please step aside., masyado kang malapit sa Best ko at bumitaw kana sa pag-kakayakap sa BestF ko!

Howl: Nag-thank you lang ako sa kanya dahil pumayag sya.

Yardie: Whooh! Eh akong nagturo sa inyo, wala man lang thank you-ng natatanggap.

Howl: Gusto mo din ng Hug?!

Yardie: Ewan ko sayo.., tumatayo balahibo ko.., kadiri!

Jacob: Thank you po sa inyong dalawa., sa iyo Ate Ami and Kuya?

Yardie: Kuya Yardie.., Teka nga lang bakit ba kayo nagpapaturo ng gitara?

Howl: Oo nga pala Jacob, bakit nga ba?

Jacob: Gusto kong tugtugan si Shine para maipakita ko na crush ko sya.

Ganun pala.., papaturo para ialay sa kanyang crush na si Shine., Pero ako kahit minsan di ko naranasan yon.., na tugtugan ka ng taong mahal mo., Except Yardie ha!.,Kailan kaya?

Nakasakay na sila at umuwi na.., pero tumingin muna sakin si Howl! Ano ba gagawin ko, payo naman?

I Love You (by: mica_ow)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon