Chapter 1

22 0 1
                                    

Sabrina's POV

"Ate sabrina!" Natigil agad ako sa pag-de-daydream dahil sa pag-tawag sa akin ng aking kapatid.

"Jusko naman, ate! Ayan ka nanaman, e. Tama na yang pag-daydream mo. Hindi ka naman gusto ni kuya Pogi, e." Aray ko naman. Bwisit na bata 'to.

"Alam mo, ikaw? Kapag hindi ka pa lumabas dito sa kwarto ko, tsitsinelasin kita!" Nanlaki ang mata niya at agad tumakbo palabas.

Hays. Ganyan naman palagi ang sinasabi nila, e. Na hindi ako gusto ni Mint.

"Anak! Bumaba ka na dyan at kakain na tayo."

"Opo, sandali lang 'ma!" Agad akong nag-tipa sa keyboard ng aking laptop at chinat si Kin.

Me:
Good Morning, Kin! Kain ka ng breakfast ha? Kakain na din ako, hehe.

Ilang segundo bago niya sineen ang mensahe ko. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Nawala lahat ng 'yon nang mawala ang kulay green sa tabi ng pangalan niya. Hays. Seenzoned nanaman ako.

"Anak naman! Diba sabi ko sa'yo, hindi dapat pinag-hihintay ang pagkain." Salita ni mama mula sa baba. Hala! Oo nga pala!

"Eto na po 'ma!" Sagot ko at agad kong sinuot ang pares na tsinelas ko sabay baba.

"Ikaw talagang bata ka, oo." Iling na sabi ni mama. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.

"Ma, sorry na po. Love you!"

"O, siya, umupo na kayo dyan at ihahain ko na itong sinigang na paborito niyo."

"Talaga 'ma?! Yehey!" Sabay naming sabi ng aking kapatid at sabay din kami nag-apir at umupo.

"Wow! Hindi talaga nakakasawa, 'ma!" Amoy-amoy ko pa ang bango ng ulam habang inilalapag ni mama ang ulam sa lamesa.

"Chef yata ang nanay niyo,"

"Papa!" Sabay na umupo si mama at papa nang naka-ngiti.

"Kaya nga ako na-inlove sa nanay niyo e, dahil masarap siyang mag-luto at hindi lang iyon, maganda pa!"

"Hay nako, Alford! Nambola ka nanaman, Sige na't kumain na tayo." At sabay kaming nagtawanan. Susubo na sana ako nang may maalala ako.

"Ma? Pwede po ba akong mag-baon neto?"

"Ha? Baon? Para saan, anak?"

"Wala pang pasok 'nak. Excited ka?"

"Uhm...May pupuntahan po kasi kami Tanya." Pagpapalusot ko pero ang totoo, dadalhan ko si Kin at ang kapatid niya. Dalawa lang kasi sila doon dahil nasa ibang bansa ang mama niya.

"Huh? Saa---Aray!" Nasipa ko ang paa niya at sinenyasan na makisama nalang siya.

"Anong nangyare?" Tanong ni mama kay Tanya.

"May sumipa este kumagat pong lamok sa paa ko, e." Pagsisinungaling ni Tanya habang hinihimas ang paa niya.

"Ano? Lamok? E, ang aga pa para magka-lamok dito, 'nak." Sabi ni papa habang sumusubo ng kanin. Nginitian nalang siya ni Tanya.

"E, saan nga pala ang punta niyo? 'Wag niyong sabihing makikipag-date kayo, ha?" Nanlaki ang mata ni Tanya at ako naman ay kamuntikan ko nang maibuga ang pagkaing nasa bibig ko.

"Si ate lang ay este ang bata pa po namin para dyan, mama." Siniko ko si Tanya dahil nahahalata kong mumuntikan na siyang nadudulas sa unang salita.

"Oa niyo,'ma. Papasyal lang po kami dyan lang."

"Si Tanya lang naman ang bata pa kaya wala munang boypren. Pero itong si Sab naman ay dalaga na, Mahal." Tumingin naman si mama ng masama kay papa.

"Kahit na!" Natawa nalang kami ni Tanya sa inasta ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon