'Chasing My First Crush'
Ayan, ayan daw ang title ng storya ng buhay ko. Ang paghahabol ko sa aking napupusuan.
Ano nga ba ang Crush?
Sabi nila ang Crush daw ay hinding-hindi mapapa-sa'yo. Ang sakit 'no? Pero 'yan ang akala nila.
Crush.
Siya yung tipong 'Perfect' na para sa'yo. Yung kapag nakita mo siya parang nagiging 'slow motion' yung paligid mo, yung nagiging good mood ka agad kahit na wala naman siyang ginagawa, yung palagi siyang nasa isip mo o kaya nag-de-daydream ka na may 'kayo', yung nagmumukha ka nang 'Stalker' kakahabol sa kanya, yung lagi mo siya binibigyan ng 'love letter' kahit wa-epek, yung kinakausap mo siya pero sinusungitan ka naman, yung gagawin mo ang lahat para lang makuha ang atensiyon niya, yung halos siya nalang yung nag-e-exist sa paligid mo pero siya? Hindi ka nag-e-exist sa paligid niya. Hindi niya alam na meron palang katulad mo?Ang sabi ng mga kaibigan ko, "Hindi ka ba napapagod kakahabol sa kanya? E, wala naman siya paki-alam sa mga effort mo, e. Try mong ipasok yung salitang 'move on' sa vocabulary mo."
Akala nila, hindi ako napapagod pero sa totoo lang, napapagod na din ako.
BINABASA MO ANG
Chasing My First Crush
Fiksi RemajaAko si Sabrina Mei Sanchez. Magaling ako sa paghahabol, paghahabol sa aking napupusuan.