"Puro ka Koreano! Ano bang meron dyan sa koreano-koreano na yan ha?! Mabubuhay ka ba niyan ha?! Puro ka na lang ganyan?! Binagbibigyan ka namin na magcellphone ng ilang oras pero galit ka pa pag kinuha na sayo?! Naku bahala ka dyan!" Sigaw sa akin ni Lolo.
Araw-araw na lang ganto. Araw-araw na lang ako pinapagalitan. Ano bang problema nila sa pagiidolo ko sa mga K-pop. Sila ang inspirasyon ko kaya matataas ang mga grado ko sa eskwelahan. Kung hindi dahil sa kanila, bagsak ang lahat ng mga grado ko.
Pero hindi ko sila masisi dahil minsan napapabayaan ko ang mga gawain sa bahay pero yun lang yun! Wala ng iba. Ng dahil din sakanila ay wala pa akong Boyfriend. Mas inuuna ko ang pag-aaral ko. Kaya wala silang pake alam. Nirerespeto ko naman ang mga magulang ko pero minsan kasi naiinis na ako. Nagtitimpi lang ako.
Pagkatapos ng eksena na yun ay sakto namang dumating ang aking Best Friend na si Jaedene. Fangirl din siya katulad ko. Actually kaming magkakaibigan, lima kasi kami, mga Fangirl kasi kami. Mga k-popper ganern. Kaya talagang close kami.
"Uy Kyva! Alis tayo dalii... Papaalam kita." Ngumiti na lang ako at tumango. Saan naman kaya kami pupunta?
"Lolo, lola pupunta lang po kami sa Robinson. Pwede po ba?" Tss... Papayagan kaya ako? Duuh...
"Anong oras na ba?" Tanong ni lolo. "Uy anong oras na?" Bulong sa akin ni Jaedene. "3:45" sagot ko naman.
"3:45 po :)" tss feeling magalang amp. "Oh siya sige. Basta hanggang 5:00 lang kayo ahh. Dalian ninyo." Wow! Pinayagan kami?! As in? Ngayon lang to ahh. Ha! Susulitin ko na!
"Sige po!" Then sabi niya sa akin, "bihis ka na dalii... Magdala ka rin ng money mo ahh.."
"Arasseooo..." Ang nasabi ko na lang at nagbihis.
"Ang tagal mo naman!" Reklamo niya.
"Arte mo! Pag ikaw naman eh! Tara na nga!" Sabi ko.
"Tsss... Tara na nga daliiii. I'm so excited!!" Sigaw niya.
"Di nga halata ehh. Psh. Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta just wait kasi. Matutung maghintay."
Psh. Alam ko kasing di kami pupunta sa robinson kaya tinatanong ko siya ng ganyan.
028394792917 later... De joke lang. Mga 10 minutes lang naman kasi nagcommute kami so ayun na nga. Di ko alam kung nasaan ba kami.
"Welcome to Kdom!"
To be continued...