Under The Rain 2
"Dude!" napahinto ako sa pag-isketch ko at lumingon kay John.
Isinara ko na ang sketch pad ko at ipinasok ang lapis sa bag.
"Yo! Break na ah! Masyado ka namang masipag. Siya nga pala, hinihintay na tayo ni Sandy sa cafeteria. Lika na!" tumayo na ako, dinala ang sketch pad ko at pumunta ng cafeteria.
"Whoaaa! You're the best Sandy!" John exclaims, dahil sa nakapag-order na si Sandy ng pagkain namin.
"Whatever John." she said and roll her eyes.
"Thanks Sandy."
"Welcome Alex."
Kumain na kami at nagkwentuhan lang, si Sandy at John ay mga childhood friends ko, highschool friends, and now college friends ko. Di ko nga akalaing pede pala yun.
"Ikaw Alex tumatahimik ka na ah! Lagi ka na lang nagdradrawing." baling sakin
"Ah, ganun ba? Sige babawi ako."
"Ano ba drinodrawing mo? May extra activities na naman ba pinapagawa mga prof mo Mr. Knows-It-All?" pang-aasar sakin ni Sandy.
"Ha? Wala. Hahahaha."
"Eh ano ba kasi yan? Lagi mo pang hawak yang sketchpad mo na yan."
"Ah wala to." sabay hawak sa sketch pad ko.
"May pasecret-secret ka na ah! Ano nga yan? Ayaw mo ah!"
"Akin na yan Sandy!" hinablot kasi sakin ni Sandy yung sketch pad ko.
"Bleeee!" sigaw ni Sandy sakin habang tumatawa pa.
Yumuko na lang ako.
"Sandy okay ka lang?" napatingin ako sa kanila at nakitang namumutla si Sandy at tulala. Bigla niyang nabitawan ang sketch pad ko.
"Sandy! Okay ka lang?" tanong ko sabay yugyog sa kanya.
"Ah . . eh . . o-oo. O-okay lang ako. Aalis na ko ha, may gagawin pa pala ako. Si-sige bye." at nagmamadali siyang umalis.
"Anong nangyari dun?"
"Ewan ko pre. Baka naman horror tong sketch mo?" pabirong sabi ni John habang pinupulot ang sketch pad ko. "O pre! Sino to?"
"Siya yung babae sa ulan."
"Siya yun? Ang tagal mo nang kwinento sakin yun ah! Di mo pa rin makalimutan?" nginitian ko lang si John sa tanong niya.
"Dude! Inlove ka na? Kinissan ka lang yun na yun?"
"Iba kasi John eh. Ibang-iba, may something sa kanyang . . . special."
"Lover boy ka na dude! Alam na ba yan ng mommy mo?" natatawang sabi niya.
"Oo nagpaalam na ko. Hahahahaha!" tumatawang sagot ko sabay bato sa kanya ng mineral bottle na walang laman.
AN: Sorry. Sorry. Sorry. Di na po ako nakakapag-UD sa O:3DTMHMA. Busy lang po talaga. Babawi ako. Salamat.
BINABASA MO ANG
Found Love Under The Rain
Short StoryUnder the rain, I found her. Under the rain, she kissed me. And under the rain, I found love . . .