Under The Rain 3
Nagkwekwentuhan lang kami ni John habang pauwi, childhood friends din kami kaya magkakalapait lang ang bahay namin.
Kwinekwento ni John sakin yung HRM student na pinopormahan niya ngayon, playboy din kasi tong si John iba ang dating sa babae.
"Uy Alex, si Sandy yun ah!"
"Oo nga. Sandy!" Tawag ko sa kanya.
Pero nagderedretso lang siya.
"Uy Sandy!" tawag naman ni John sabay takbo pero pumasok na si Sandy sa bahay nila.
"Anong nangyari dun pre?" tanong ni John.
Nag-shrug na lang ako. Nagpatuloy na lang kami ni John sa paglalakad.
"Alex, pansin mo ba? Parang iniiwasan tayo ni Sandy netong mga nakaraang araw."
"Napansin ko din yun. Baka naman busy lang?"
"Hindi pre eh. Kakatapos lang ng midterms natin."
"Baka may ginagawa?"
"Alex, tingnan mo ah. Kung busy lang siya o may ginagawa di yun tatakbo sa bahay nila at iiwasan tayo dahil busy. Naalala mo ba yung huli natin siyang kasama? Yun yung nasa cafeteria tayo."
"Oo nga. Hay nako John wag ka na ngang mag-isip ng kung ano-ano baka may problema lang si Sandy. Sige na, yan na bahay niyo umuwi ka na baka may hawak ng pamalo si Tita para sayo."
"Hahahaha. Gago ka talaga!"
"Hahahaha. Uwi! Hahaha."
-
"Uy Alex! Wala na nga si Sandy drawing ka pa rin ng drawing diyan."
"Kumain ka na nga lang diyan. Ang ingay mo eh!"
"Yung babae na naman ba yan sa ulan?" tiningnan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagdradrawing ko.
"Kilala mo ba yan, Alex?"
"Hindi nga eh." sabi ko ng nakayuko habang nagdradrawing ako.
"Eh pano mo makikita uli yan?" napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.
"Hinanap ko na nga eh, sa facebook lahat ata ng pangalan ng babae nasearch ko na, kahit saang networking sites di ko siya mahanap eh."
"Yun lang ginawa mo?" ngumiti ako sa kanya at ipinatong sa lamesa ang mga braso ko.
"Hindi. Pumupunta ako dun kung saan ko siya nakita. Napagtanong-tanong ko na nga rin kung may nakakakilala sa kanya eh."
"Hahahaha. Dude! Iba ka!" nagshrug lang ako tsaka kumagat sa sandwich ko.
"Patingin nga uli ng kinahuhumalingan ng the great Alexander Montemayor." sabi niya na natatawa saka kinuha ang sketch pad ko.
Tinitigan niya ito ng ilang sandali habang ako kumakain ng tahimik. Vacant namin ngayon kaya nandito lang kami sa cafeteria.
"Pre, parang nakita ko na to." bigla naman akong napatingin kay John na nakatingin pa rin sa sketch ko.
"Ha?"
"Parang pamilyar tong babaeng patay na patay ka, parang nakita ko na siya, di ko lang matandaan kung saan o ano."
"Ha? Nakita mo na siya?" tanong ko at pagbabalewala ko sa sinabi niyang "patay na patay"
"Oo. Pamilyar eh pero di ko matandaan kung paano at saan. Uy Alex! Si Sandy oh! Lika puntahan na nga natin!" sabi ni John sabay hila sakin. Napatayo naman ako atsaka hinablot ang bag ko at sketch pad.
Tumakbo kami papunta kay Sandy na naglalakad palabas ng school.
"Uy Sandy!" kalabit ni John kay Sandy na hinihingal pa sa pagtakbo namin. Humarap si Sandy at nagulat ng makita ako. Bakit?
"U-uy John! Uy A-alex! Sige alis na ko." sabi niya sabay talikod
Bago pa siya makahakbang hinawakan ko na siya sa braso niya. Napatigil siya at ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Bakit?
"Sandy ayos ka lang ba? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Wa-walang problema, Alex." sabi niya na nakatalikod pa rin samin at nakatungo.
"Eh bat ka nagkakaganyan? Bakit mo kami iniiwasan?"
Lumingon siya at tumingin sakin, bakas sa mga mata niya na malungkot siya. Hindi siya nagsasalita pero nakatingin lang siya sakin.
"Bumalik ka na Sandy. Wag mo na kami iwasan."
Nakatingin lang sakin si Sandy at saka niya tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Tumingin naman siya kay John at sakin.
Nabigla ako nang yakapin ako ni Sandy.
"Namiss ko kayo!" sabi niya habang nakayakap sakin.
"Sshh tahan na. Magiging okay lang ang lahat." sabi ko habang pinapat ang likod niya.
"Sana nga ganun lang yun. Sana pwede yun." bulong ni Sandy at dahil yakap-yakap niya ko narinig ko yun. Magtatanong na sana ako kung ano ibig sabihin nang magsalita si John.
"Nakakalimutan niyo na ata ako ah! Nandito lang po ako. At oo kaibigan niyo rin ako."
Kumalas naman sa pagkakayakap si Sandy at tumingin kay John. Nginitian niya ito.
"Group hug?"
BINABASA MO ANG
Found Love Under The Rain
Short StoryUnder the rain, I found her. Under the rain, she kissed me. And under the rain, I found love . . .