¤Simula¤
"Let distance be the another reason to love harder than any couple should."
Isang katagang nagpapahiwatig na hindi hadlang ang distansya sa mundo ng pagmamahalan.
April 29 yun. Isang taon na ang nakalipas nang nag-iwan siya ng isang kataga. Nung una ay mahirap ito para saken, bagaman sabi nga nila dito daw ninyo masusukat kung gaano kalalim ang pagmamahal ninyo sa isa't isa.
It's hard to try, lalo na't maiisip mo nalang bigla na parang naglaho na pala ang lahat ng kasiyahan sa kaloob-looban mo. You can smile, you can laugh but don't deny the tears freely flowing from your eye down to your cheek. Mahal ko diba? Kaya tiniis kong malayo sa kanya.
Pangungulila at kalungkutan ang namumutawi sa aking kalooban ngayon. Lubos na panghihinayang at paghihinagpis ang naidulot ng lahat ng aking mga naging desisyon.
Isang masaya at matiwasay na buhay lang naman sana ang hinihiling ko, pero parang ang tadhana na ata ang nag desisyon na lahat ito ay ipako. Never expect good things to happen, dahil dun ka masasaktan ng todo.
Minsan nga sa sobrang lungkot ay di ko namamalayang napapaluha na naman pala ako. It really hurts like hell. Ang sakit kapag naalala ko lahat. Yung masaya kami, yung mga haharutan at mga halakhak. In just a second, all the memories flee away.
"Yamate! I miss you." Si Tanya. It's been 3 years na hindi kami nagkita pero may communication naman kami through facebook. Pero iba parin talaga kapag sa personal.
"Sa tagal na hindi tayo nagkita, yan lang ang sasabihin mo? No hugs? Kisses?" Biro ko. Biglang sumeryoso yung mukha niya.
"Im happy to see you smiling again Yam. After all those years." Untag niya. Ngumisi nalang ako kahit dama ko parin ang lungkot sa sarili ko. Kailangan kong magpakatatag, I need to endure.
"Yes Ofcourse Tan! Nakakapangit maging malungkot no." Napahalakhak ako. Her face was filled with concern kahit na gusto kong ipakita sa kanya ng buo na masaya ako, ay alam niya parin ang totoong nararamdaman ko. She's by my side for almost a decade! She knows everything about me.
"What's your plan? Do you want to visit him?" Parang may kung anong tinik sa puso akong naramdaman. Alam kong masasaktan lang ako kapag pinuntahan ko pa siya, babalik lang lahat ang sakit at alala.
"No need Yam, punta nalang muna tayo sa bahay niyo."
We're on our way sa bahay nila Tanya. May sarili na siyang kotse at marami na talaga ang pinagbago niya. She's still the cheerful one kaya naman di siya mahirap pakisamahan.
"Kamusta ang US? Ganon parin ba?" Tanong niya saken. Sabay kasi kaming pumunta doon noon pero mas nauna siyang bumalik dahil nagkasakit yung Dad niya.
"Nothing change, ganun parin. Crowdy at same environment." Pahayag ko. Wala naman kasi akong nakikitang pagbabago dahil hindi naman ako masyadong gumagala dun.