~●~
"Welcome Students!" Nakakabinging tunog mula sa intercom ng school. Nice school, maraming studyante na nagkumpol-kumpolan sa bawat sulok at halatang mga baguhan din tulad namin ni Tanya. Yung iba parang galing pa sa probinsya dahil sa mga galawan nito at mga suot.
"Yam! Ang ganda pala ng bagong school natin." Ani Tanya habang niyu-yugyog ang balikat ko.
"Shh. Don't act like that! Nakakahiya ka." Bahagya namang kumunot ang noo niya at pinandilatan ako ng mata.
"Ang Kj mo naman!"
"Di kaya-
"Aray miss! Dahan-dahan naman kayo! Kita niyo maraming tao oh! Pwede mamaya na kayo magharutan, mga ignoranteng mga pest*ng to!" Nagulat kaming dalawa ni Tanya. Tinulak ko kasi siya ng marahan kaya nabangga niya yung isang lalaki sa harap. Nagawi ng mata ko ang lalaking nag-aapoy sa galit at hinarap kaming dalawa.
"Whoa! Sorry naman siguro no? Hindi naman siguro kami dapat mag-iistatwa kung maglakad. Ang arte naman neto mukhang gwapo, di naman." Tinapik ko ang balikat ni Tanya. Isa pa tung bruhang tong, kung makagskandalo parang wala ng bukas.
"Tanya tama na! Uhm pasensya ka na dito sa kaibigan ko. May tama to eh." Ramdam ko ang pagbalikwas niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya at halatang ayaw magpapigil.
"Anong may tama? Hoy Yamate! Sinabihan tayo ng kumag na to na pesteng ignorante, aba hindi ako papayag dun." Halos namumula na siya sa galit.
"Tara na nga!" Utas ko at hinila siya.
"Hoy teka muna!"
"Walang teka-teka! First day of school may kaaway ka na agad."
Ginulo niya ang buhok niya at inunahan ako sa paglalakad.
"Tanya wait!" Sinugod ko agad siya at hinila ang bag niya.
"Yamate ano ba! Pinagtanggol mo pa yun kesa saken!" Angal niya. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ghad! She's acting like a kid.
"Come on Tanya! Para kang bata!" Di na siya sumagot at hinila ako.
"Oh! Dahan-dahan naman." Angal ko.
"Yam! Mahuhuli tayo sa sectioning baka mahiwalay pa tayo." Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niya.