"I live here," sabi nang babae
Tinignan lang sya ng lalaking nasa harap niya, isang matalas na tingin pero kalmado kung tutuusin,
"You should get going now," sabi nung babae pagtaboy sa lalaki
"I'll get in, thank you for walking me home,"
I gasped as I watch them two..
Papasok na ang babae pero bigla siyang hinila sa kamay nung lalaki
"Seol, would you like to date me?"
To be continued..
"WAAAHH!! OMAYGHAD, NIKIKILIG AKO KAY JUNG-OPPA OMAYGHAD ANONG GAGAWIN KO?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa TV
Ito nanaman ako
Nanonood ng KDrama,
Kinikilig nanaman sa leading Character ng pinapanood ko
"Itutuloy ko na ba? Aish masyadong nakakakilig baka matapos ko agad, hindi pwede,"
*toktoktok*
YOU RECIEVED A MESSAGE FROM KETKETIN
Tap here to open.
Ketketin: Wooyy! Hanep ka gurl enrollment ngayon nasan ka na?!
Ketketin: Wag mo sabihing abala ka nanamang magtitili dyan sa Kwarto mo habang nanonood ng Kdrama Kdrama mong yan,
Hala shet!! Enrollment ngayon.
Tinignan ko ang date and time sa cellphone ko.
9:37am Wed, May 2, 2018
Lintek na binalutan ng Saba! 23 minutes nalang!!
Dali dali akong tumakbo sa banyo, inamoy ang sarili ko,
Okay lang naman siguro naligo naman ako pagkagising ko kaninang 3:00 am hilamos nalang ghaaad!!
Naghilamos ako't nagdamit ng maayos, lumabas ako ng kwarto't nagsapatos ng mabilis di ko na nasecure yung sintas ko dahil nag mamadali na ko
Bumaba ako ng hagdan at nadatnan sila mama't dada na nakain ng breakfast,
Sumilip ako sa ref uminom ng isang boteng tubig at kumuha ng isang pirasong chocolate at nilagay sa bag
"Ma, Da! Punta lang akong school enroll lang ako,"
"Ah sige sige magingat ka bunso," sagot ni papa
At tumakbo ko papalabas
Kinuha ko ang bike ko at nagsimulang magpedal papuntang school,
Malapit lang naman ang school namin kaya't nagbibisikleta lang ako papunta rito
Ilang minuto lang ay nakarating na ko sa MUA In short for Miraculous United Academy,
"CJ!!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses
Kaya naman sinubukan kong dumungaw dungaw at hanapin ito,
"CARYLL!! CARYYLLL!!" SIGAW NG ISANG BABAE SA HARAP KO NA NAGING DAHILAN PARA MUNTIKAN NA KO SUMEMPLANG
"WALANGYA KA! KUNG SAN SAN KA NASULPOT!" Sabi ko naman sakanya
"Ang bulag mo kasi e, sorry hihi," sabi niya naman
Walangyang babae 'to muntik na nga kong mamatay tinawag pa kong bulag
BINABASA MO ANG
My Imaginary First Love [ON-GOING]
General FictionImaginations are limitless I should know nabuhay lang naman ako sa mundo ng imahinasyon, Tulad ng isang babaeng Limitado lang ang kilig sa nababasa napapanood at napapakinggan. Libre lang naman mangarap, Managinip habang gising pero.. What if your i...