Chapter 4

10 2 0
                                    

1:40pm SATURDAY, June 30, 2018

Nasa school ako ngayon, bigla kasing tumawag sakin yung faculty event organizer at ang ibang AD na studyante,
Para tumulong sa para sa event sa flag ceremony sa lunes,

"Caryll!" Tawag ng isang pamilyar na boses sakin,

"Caren!? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya

"Pinatawag kami dito e isang student per Strand dito for Year 11 and 12, pero hindi yun ang dapat ikaexcite mo, hulaan mo kung sino nakita ko sa entrance?" Tinignan ko naman siya ng mabuti,

Hindi, si Van biglang magpapakita sa school?

Tinitigan ko si Caren at umiling pero si gaga tatango tango pa habang nakangiti,

"ito pa si---"

"Si ate hera pinsan nya lang," sabi ko

Napangiti naman sya

"Paano mo nalaman?" Tanong niya habang may gayak napangiti naman ako't naalala ko

"A-Ano kasi e, kaninang mad---" naputol ang sasabihin ko nang nagtama ang mga mata namin,

Si Van nandito nanaman ngumiti sya sakin at kumaway

"Hi Caryll? Nakatulog ka ba ng ayos?" Tanong nya

Napatakip naman sa bibig si Caren habang nakatingin saming dalawa,

"Oo, salamat ikaw ba?"

"Hindi nga e, masyado ata kong natuwa, hindi ba masakit yung ulo mo marami karin kasing nainom di---"

"Naginom ka ng wala ako?!" Reklamo ni Caren

"Mabilis lang yun hindi lang ako makatulog kasi talaga kaninang madaling araw kaya ayun lumabas ako,"
Sabi ko,

"Okay gather around everybody,"tawag samin ni Sir Jett

Phew! Saved by the bell,

"Thank you for coming here on a saturday students specially sa Arts and Design, Alam kong marami pa kayong kailangan ipasa by monday so I'm very thankful that even though you guys are busy, nagpunta pa rin ang ilan sa inyo para tumulong," Sabi ni Sir Jett

"Then tulungan mo kami sa kailangan rin namin po tito," ani ng isang pamilyar na boses,

Tumingin kami sa direksyon kung san nanggagaling ang boses na yun,

Yung lalaking yun, Yun yung lalaking nakasabay ko nung first day,

Nagkatitigan kami at ngumiti siya,

"Ah! By the way siguro a lot of you might know this guy, lalo na sa AnDs students ko he's my nephew from Arts and Design 1102 si Arro Zyre Monreal,"

'Omaygod di ko inaakalang makita siya dito,'

'Bessy schoolmate natin sya?'

'Sya si AZ di ba? OMG!'

Sino ba sya? Bakit ba sya kilalang kilala

"Sino ba sya bessy?"

"Yan kakaobsess mo sa foreign Artist di mo na tuloy sya kilala," sabi ni Caren

Whatdaheck nasisi pa mga boypren ko?

"AZ Monreal is a well known choreographer, nakilala siya dahil sa ginawa niyang Dance Cover sa youtube nung sayaw ng BTS na pinakamamahal mo yung ano ba yun? yung Baepsae," sabi niya

Then bakit di nalang siya maghomeschool?

If he's so famous why study here?

"Student Ambassador sya ng School na 'to," bulong sakin ni Van

Talaga ba? Bakit hindi ko naman sya nakikita sa Klase he's there alright nung first week tapos bigla nalang nawala,

"Ofcourse dahil kilala na syang choreographer ngayon sya na ang magtuturo sa inyo," sabi ni sir Jett

"I'm Arro Zyre, but you can all call me AZ, pinakiusapan ako ni Sir Jett dito na maging Choreographer niyo pero what good does it give you guys kung isang beses lang kayo sasayaw di ba?"

'Yes' sigaw ng malalanding studyante sa likod namin

"So as of this day, kayong mga napiling students ay parte na ng United Miracle Dance Troupe,"

Ha?! Kami? Kasama ko?

lumapit ako sandali kay sir Jett

"Sir Jett nagkakamali po ata kayo, Visual Arts po ang Major ko di po ako nagpeperform," ani ko

"That's not what I saw Caryll" Sabi ni sir Jett habang pinapakita ang Video ko noong Grade 7 na nakasuot ng Uniform na blue and Yellow, Sumasayaw para sa Knowledge Channel

At sumunod ay ang video na kumakanta ko sa isang music expo sa Makati.

"That's a Genuine smile Caryll, I could totally see you were having so much fun, if you had fun there, you'll definitely have more fun right now," sabi ni Sir Jett

He was right I had fun kaso totoo naman e, ang saya natin laging may kapalit

"Join the Troupe itry mo lang, alam kong running for Top Student ka kaya nga ipapaalam ko kayo sa mga Subject Teachers niyo e, just try kahit itry mo lang hanggang lunes, damahin mo muna, then pagtapos nung sayaw niyo approach me give me your decision, sasali ka ba or..." saad ni sir Jett

I know what he meant pero yung pagsasayaw? Pagpeperform? I don't think I could still do it.

If ate Cyrille was here siguro she would've told me to atleast try,

Bumalik ako kala Caren at Van,

"Si ate Hera nga pala," tanong ni Caren kay Van

"Ayun inaasikaso na yung pagtatransfer nya lilipat na kasi sila ng bahay nila tita," sabi ni Van

"Di ba magkaibigan kayo niyan ni AZ?" Tanong ni Caren ulit,

"Ah, Oo dati magkababata kami," sabi ni Van

"Then you must've been so close," sabi ko kay Van

"Well not that close," sabi niya

I don't know but it feels weird, I can feel like somethings off,

Bigla kong pinansin si Van a.k.a CGV na apat na taong kong naging Crush then this AZ shows up na sinasabing may bagay na sya lang ang nakakaalala,

This is really weird,

Tinignan ko si AZ and he looked right at me, and smiled

Ganto ba talaga sa totoong buhay?

Bakit parang feeling ko nasa loob ako ng isang KDrama? pero whats weird is it does seems like real,

To be continued...

My Imaginary First Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon