HIS BUTLER

22 7 1
                                    

"Ryuka, anak!"

Napatigil ako sa pag-angat ng barbell nang marinig ko ang nakakairitang tinig ng nanay ko. Padabog kong binitawan ang hawak ko. Tss.

Kinuha ko ang towel sa gilid at pinunasan ang pawis ko habang naglalakad pababa. Kahit kailan talaga, ang daming istorbo.

"Oh, nakasimangot ka dyan?" tinapunan ko lang ng masamang tingin ang nakatatanda kong kapatid at dumiretso na kung nasaan ang nanay ko.

"Oh?" bungad na tanong ko sakanya nang makalapit.

Kasalukuyan syang naghuhugas ng pinagkainan ng tamad kong kapatid. Pinagkunutan nya naman ako ng noo at nginiwian.

"Kahit kailan talaga, wala kang galang sa nakakatanda sayo. Tss. Manang mana ka talaga sa ama mo!" sabay tuktok nya ng sandok sa ulo ko. Siniringan ko naman sya.

"O, ba't mo nga ko tinawag?" walang galang at animong kaibigan lang ang kausap na tanong ko. Ganito kami magturingan. Natural na ito saamin.

"Yung magaling mo kasing ama, nag-text saakin. Pumunta ka daw sa mansion ng amo nya!" pinagpatuloy nya ang paghuhugas habang kausap ako.

"Ano namang gagawin ko doon?" patanong na kausap ko sa sarili.

"Aba! malay ko. Lumayas ka nga sa harap ko at maligo ka na, ang baho mo!" pagtataboy nya saakin. Minatahan ko naman sya at siniringan.

"Sus, akala mo kung sinong mabango. Nanggaling pa talaga sayo ahh?!" tinalikuran ko na sya at naglakad pabalik sa pinagmulan ko kanina.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at naligo. Bakit ba kasi kailangan ko pang pumunta sa mansion ng amo nya? Tss. Nakakasawa na kaya yung mukha ng mga tao doon.

Matapos maligo ay nagbihis ako, nagpabango para hindi ulit malait ng sariling ina. Psh. Kinuha ko ang telepono ko at sinipat iyon kung mayroong text o missed call. Merong text, galing kay erpats.

Sinabi lang sa text yung sinabi lang rin ng ina ko kanina lang. Ibinulsa ko na kaagad iyon at dumukot ng isang daan sa wallet ko bago tuluyang umalis.

"Pasalubong ko ah!" rinig ko pang pahabol na sigaw ng kuya ko. Hindi ko na siya pinansin.

Nang makarating ako ay hindi na ako nag-door bell o ano man. Pinasok ko iyon na parang isang akyat bahay. Nagulat tuloy yung mga tauhan na nagbabantay sa loob. Hindi ko na sila pinansin nang samaan nila ako ng tingin. Psh. Nagdiretso lang ako hanggang makarating sa office ni Mr. Suazer, ang nagmamay-ari ng mansion na ito at sya ring amo ng ama ko.

Nadatnan ko sila doon na naguusap. Hindi nila napansin ang pagdating ko, napansin lang nila iyon nang maupo na ako sa isa sa mga sofa roon. Humiga, inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo ko at nilingon sila.

"Ba't nyo ko pinatawag, Mr. Suazer?" agad na tanong ko nang lingunin nya ako. Hindi na sya nagulat dahil sa inakto ko, sanay na sya sa ganoon kong kilos. Ganoon ako magbigay galang at bumati.

"Well, I have a mission for you. Just for you." prenteng sagot nya habang pinapa-ikot ikot pa sa daliri ang sign pen na hawak. Nangunot naman ang noo ko. Sinenyasan syang sabihin kung ano iyon.

Tumayo sya at iniharap ang laptop na nasa mesa nya sa gawi ko. Mas lalo akong nagtaka nang bumungad ang picture ng isang tao. Nakaupo ito sa isang pang-haring upuan, naka-dekwatro. at salikop ang dawalang kamay na nakapatong sa hita nya. Bumaba ang tingin ko sa pangalan na nasa ibaba.

"Ezeteru Yakashi..." naisatinig ko. Limang beses ko pang binasa ang pangalang iyon, hinahalungkat ang utak ko kung may kilala ba ako o pamilyar ako sa pangalang iyon. Pero kahit na anong panghahalukay ko ay wala akong mahita.

Tiningnan ko ng nagtatanong na tingin si Mr. Suazer. Umayos sya sa pagkakaupo. Tumikhim bago nagsalita.

"Yakashi. Isa sa kilalang mayamang pamilya sa Japan, Korea, China at Pilipinas. Bukod doon ay kilala rin sila sa Europa at Amerika. Isa sila sa maituturing na pinakamayayamang tao sa buong mundo-"

"Ipunto mo na, nasasayang ang oras ko."

Bumuntong hininga sya at inis na nag-iwas ng tingin saakin. Itinuon nya iyon sa kung saan. "Kahit kailan ka talaga..."

"Tulad ng sinabi ko, isa sila sa mga pinakamayayamang angkan sa buong mundo..." binitin nya ang pagsasalita at nilingon ako. Walang emosyon at inip na nakipagtitigan ako sakanya.

"This is your mission, you have to protect that Ezeteru Yakashi. Sya ang paniguradong tagapag-mana ng lahat ng kayamanan nila kaya hindi maiiwasan ang mga tao sa paligid nya na mainggit at maging sakim. Protect him, Ryuka. And that's your mission. Narinig ko ring mag-isa lang syang Yakashi sa buong mansion nila kaya inuutusan rin kitang halughugin ang mga kahina-hinala na kung ano man sa mansion na iyon. Don't ask me kung bakit ikaw ang gagawa ng mission na ito dahil alam naman ng lahat dito na ikaw lang ang may kakayahang gumawa nyon!" mahabang litanya nya.

"Then, kaano-ano mo sya at bakit ginagawa mo ito? may pakay ka ba o ano?"

Saglit syang natahimik pero agad din namang bumuntong hininga at sumagot. "Wala akong ano mang pakay. It's jut that Suazer and Yakashi are good friends. And saakin sya inihabilin ng ama nya. Si Mr. Azetaru Yakashi and Mrs. Emery Yakashi ay naninirahan ngayon sa Japan, dahil nandoon ang kanilang business."

Tumango-tango naman ako. "Ano bang business nila at ganoon sila kayaman?" curious na tanong ko. Wala naman sigurong masama kung aalamin ko.

Bigla syang natawa dahil sa tanong ko na iyon. Pinagtaasan ko naman sya ng kilay at takang tinignan.

"Believe me, hindi ko rin alam. Pero ang sabi ng ibang business man na natanong ko ay Five Star Hotels and Restaurants daw. Pero imposible namang Hotel and Restaurant dahil hindi naman ka-kailanganin ng bomba ng mga iyon." Nakahawak pa sa baba na sagot nya.

Hindi na ako muling nagsalita, napatulala lang ako sa kisame habang nag-iisip.

Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mission na ito. Ayy ewan. Pakiramdam ko kase ay may parang gustong malaman si Mr. Suazer sa pamilyang iyon.

"By the way, kailangan mo akong i-update sa lahat ng mangyayari sayo kapag nandoon ka na. And sabihin mo lang saakin kung may mga bagay na kataka-taka o kahina-hinala sa mansion na iyon. Meron kang sixty days para maprotektahan ang taong iyon. Bibigyan kita ng kalahating milyon kung magiging successful ang mission mo!"

"Bakit hindi mo na gawing isang milyon?" suggest ko. Tutal mukhang masisira ang buhay ko dahil sa pinagagawa nya, tama lang na suklian nya iyon ng malaking halaga.

Saglit itong nag-isip bago tumango. "Pagprotekta sa tagapagmana at pagkalap ng impormasyon sa mansion ng Yakasahi kapalit ang isang milyon? deal!"

Inabot nya ang kamay nya, "Deal!" kinamayan ko sya.

Sa mission na iyon, mukhang hindi naman ako mahihirapan. Pero hindi ko rin mapigilang magtaka, bakit magbibigay ng isang malaking halaga si Mr. Suazer para lang sa mission na iyon. Alam kong hindi lang basta pagprotekta at impormasyon ang nais nya at kailangan ko ring alamin kung ano iyon.

HIS BUTLER: PROLOGUE

STORY: HIS BUTLER
AUTHOR: THEBLACKCATV

HI! I'M YOUR AUTHOR! ANG STORY, CHARACTERS, KAGANAPAN DITO AY GAWA LAMANG NG AKING MALIKHAING ISIP. KUNG MERON MANG PAGKAKAHALINTULAD SA IBA AY HINDI IYON SADYA AT AKSIDENTE LAMANG. DON'T EXPECT TOO MUCH FROM THIS STORY DAHIL BUKOD SA THIRTEEN YEARS OLD PALANG ANG AUTHOR, HINDI RIN ITO EDITED, PERO SINISIKAP KONG MAGMUKHANG EDITED. SANA MA-APPRECIATE NYO!! SISIGURADUHIN KONG PAGBUBUTIHAN KO ITO.

VOTE AND SHARE ARE HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU!!

HIS BUTLERWhere stories live. Discover now