CHAPTER 2

9 5 0
                                    

RYUKA'S POV

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko at dahil sa init. Iminulat ko ang mata ko at bumungad ang walang ilaw kong kwarto, at nakapatay na electric fan. Bagamay nakapatay ang ilaw ay may liwanag pa rin naman at nagmumula iyon sa nakabukas na bintana. Nakalimutan ko palang isarado ito?

Hinayaan ko nalang iyong nakabukas dahil iyon lang ang nagsisilbing ilaw at ang hangin sa labas nyon ang nagpapalamig ng kwarto ko.

Tumayo ako at tamad na tamad na nilapitan ang switch ng ilaw at pinindot pindot iyon ngunit walang nangyari, black out siguro. Kinuha ko ang telepono ko at sinipat ang oras, alasingko ng madaling araw palang at six o'clock ang pasok ko.

Dahil nawalan na ako sa mood matulog ay lumabas ako ng kwarto ko at nagdiretso sa kabilang kwarto kung saan naroon ang maliit na silid kung saan kami nagsasanay na pamilya.

Agad akong nag-stretching, matapos nyon ay pinagsusuntok ang speed bag na nakalambitin. Kinse minutos ang inilagi ko roon bago napag-desisyunan na bumalik sa kwarto ko at mag-ayos na. Mabilis akong kumilos kaya mabilis akong natapos. Hindi na ako nag-umagahan at dumiretso na kaagad sa paaralang aking pinapasukan.

Nang makababa ako sa tricycle ay nagbayad ako ng otso pesos kay manong driver bago naglakad papasok sa campus. Mga pares nanaman ng mga mata ang sumalubong saakin, sa apat na taon ko nang high school ay nasanay na rin ako. Isa nga pala akong 4rth year high school student dito sa pampublikong paaralan sa lugar namin.

Hindi ko na pinansin ang mga matang nakamasid saakin at mabilis na naglakad matunton lang ang classroom ko.

Ang mga naunang subject bago mag-break ay natural lang at easy-easy. Ngunit masyadong nawindang ang utak ko nang dahil sa mga sumunod na subject, pagsunurin ba naman ang math? Maski hindi math ang subject ay may kailangang i-solve. Nakakabaliw.

"Miss Ferrer, may problema ka sa subject ko?" wala sa mood kong nilingon ang lecturer naming si Mr. Tianco. Itong Changco na 'to, laging may napapansin.

"Aba! kung meron ay libre kang lumabas sa klase ko, bukas ang pinto!" dada nya nanaman. Siniringan ko lang sya at iniiwas ang tingin at bumulong, "E kung ikaw ang palayasin ko dito..."

"Yes, Miss Ferrer? I heard it, what did you say?" naka-arko nanaman ang kaliwa nyang kilay at nangunguwestyon ang titig.

Hindi ko na napigilan at tiningnan sya na akala mo ay sya na ang pinakawalang kwentang tao sa mundo. Tinaasan ko rin sya ng kilay.

"E, narinig mo naman pala. Bakit kailangang ipaulit mo pa, ano ka bangag?" matapos kong bitawan ang linyang iyon ay padaklot kong kinuha ang bag ko at isinabit iyon sa isa kong balikat.

Huling subject ko na ito at alam ko na rin naman ang itinuturo nya kaya okay lang saaking mag-adjust. Sigurado naman akong hanggat nandito ako ay kukuda lang yan nang kukuda, palibhasa'y may lahing manok.

Ngunit bago ko sya lampasan ay nagbitaw ulit ako ng nakakaasar na linya.

"Wala akong problema sa subject mo, pero sayo, oo..." nakangising sambit ko at tuluyang iniwan syang nakanganga roon at hindi makapaniwala.

"BASTOS!" rinig ko pang sigaw nya ngunit hindi ko na sya muling nilingon at nagtuloy lang sa paglalakad palayo sa lugar na iyon.

Inilabas ko ang earphone ko at sinaksak iyon sa cellphone, obviously makikinig ng music.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayong oras na ito, gusto kong umuwi pero mabo-bored lang naman ako sa bahay. Wala naman kaming homeworks at projects.

Agad kong dinukot ang cellphone ko at dinial ang number ni Aig. Ito lang ang tanging way para magkausap kami dahil hindi naman kami nasa iisang school, parehas kaming senior pero sa ibang school sya nag-aaral, mayayamang katulad lang nya ang kayang makapag-aral sa paaralang iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIS BUTLERWhere stories live. Discover now