RYUKA'S POV
"So, anong pangalan mo?"
Walang interes ko syang nilingon, prente syang nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatitig saakin.
Tss. Kung makatingin naman 'to akala mo ngayon lang nakakita ng malaking babae.
Nagdadalawang isip pa akong magsalita, hindi ko naman kase hilig iyon atsaka wala ba syang isip? may hawak naman syang envelope, yun yung pinasa ko. Nakalagay sa loob nyon yung profile ko, pati pangalan ko. Tss.
Hayaan na nga.
"I'm Ryuka Ferrer."
Tumango-tango naman sya at muling pinasadahan ng tingin ang katawan ko pati ang mukha ko. Hindi ko napigilang mawalan ng gana. Pakiusap lang, nangangawit na ako.
"So, Ryuka Ferrer. What are you doing here? I mean, for what?"
Isa pang tanong, uupakan ko na 'to. Hindi ba pwedeng basahin nya nalang yung nasa loob ng envelope? tss.
Walang gana ko syang tinignan. "Well, nandito ako para mag-apply bilang Butler mo." bored na ani ko.
Nagsalubong naman ang kilay nya. "Butler?"
Putspa! hindi ba sya nag-aaral at hindi nya alam ang salitang iyon?
Hindi ko na napigilan at sinamaan na sya ng tingin. "Tigilan mo na nga yung pagtatanong saakin, basahin mo nalang yang envelope!" nawawalan na ng pasensyang singhal ko. Dapat sa mga oras na ito ay natutulog o kaya ay nageehersisyo ako.
Bahagya syang natawa dahil sa iniasta ko. Anong nakakatawa?!
"Well, no need. Hindi naman ako interesado!" siniringan nya ako at pabatong inabot saakin ang envelope.
Napaawang naman ang bibig ko at hindi makapaniwalang nilingon sya. Naglalakad na sya paalis ngunit hindi ko hinayaang tuluyan syang makaalis.
Malalaking hakbang ang ginawa ko palapit sakanya at nang maabutan ko sya ay padarag kong hinila ang braso nya paharap. Sa lakas nyon ay napaharap ko sya nang walang kahirap hirap.
"Ahh ganon?! pwes, namnamin mo 'tong kamao ko!"
*BOGSH*
Isang sapak ko palang iyon at natumba na sya. E, lampa pala ang isang 'to. Kasehodang hindi pa iyon ang pinakamalakas kong suntok pero halos tumilapon na sya.
"Sige! Papayagan kitang tanggihan ang offer ko. Ngunit nasisiguro kong.. kakailanganin mo rin ang tulong ko at tatanggapin ang isang tulad ko!"
Tumalikod na ako at mabilis na naglakad paalis sa malaki ngunit nag-iisa lang ang taong nakatira roon- ang mansion ng mga Yakashi.
Muli ko pang nilingon ang malaking mansion bago sumakay sa taxi. Darating ang araw, sisiguraduhin kong kakailanganin mo ang tulong ko at sa mga oras na iyon mo rin maiisip kung gaano ako kawalan sayo.
Muling nanumbalik sa alaala ko ang mukha ng lalaking tagapagmanang iyon. Isa syang Yakashi, ngunit wala manlang syang kadating-dating. Ang pagkakakilala ko sa mga Yakashi ay mabubuti at magagandang nilalang sila. Ngunit anong nangyari sa isang iyon?
Sumagi sa isip ko ang mukha nya at dahil doon ay hindi ko napigilang matawa.
Ang buhok nyang mala-bao, kulay pula ito at natatakpan nito ang kanyang buong noo at mata. Bagamay perpekto ang ilong at makinis ang mukha hindi mo pa rin maipagkakaila na malas ang kanyang labi dahil hindi pantay ang laki ng ibaba at taas nito ngunit hindi mo iyon mapapansin dahil sa natural na pulang kulay nito.
YOU ARE READING
HIS BUTLER
ActionNAGSIMULA ANG LAHAT DAHIL SA ISANG MISSION... HINDI PANGKARANIWANG MISSION... MISSION NA NAGBIGAY NG DAAN SAAKIN UPANG MAKILALA SYA... UPANG MAKILALA ANG ISANG EZETERU YAKASHI... EZETERU YAKASHI? ANG LALAKING MAGBIBIGAY KULAY SA MUNDO NG ISANG...