Chandria's POV
*kringgg kringgg *
5:40AM^_–
pagkabangon ko sa kama ko, humikab agad ako. gusto ko pang matulog kaya lang parang mahalaga ang araw na to pero hindi ko lang tanda kung mahalaga nga ba.
hmm..
tumingin ako sa calendar sa phone ko at nakitang June 4 na. teka, 4th of June na?
hala! 1st day of school na pala! buti nalang nagising agad ako kundi late nanaman ako. lagi pa naman akong late sa first day of school dati!
inayos ko na ang kama ko at nagcheck muna ng mga ganap sa social media. puro selfies, lintek! pagkapindot ko sa messenger, may mga messages na agad ko din naman sinagot, hanggang sa napindot ko yung isang galing kay Sav, short for Savannah.
'Chany! Anong oras ka papasok? Sabay na tayo!'
kakasend lang non 10 mins ago. aba, himala? naunang gumising sakin to. dati kasi, lagi yang mas late sakin kaya laging napapagalitan ni Ma'am, haha!
^u^
nagreply ako– 'Mga 6am ako aalis dito. Sunduin na kita dyan sa inyo.'
pagkatapos kong isend yon, nagpunta na ako sa closet at namili ng damit na susuotin ko.
'komportable dapat!' yan ang nakatatak sa utak ko kapag mamimili ng damit. minsan nga kahit pantaas ng pajama isinusuot ko na e, hahaha!
hmm, maybe oversized shirt, mom jeans and sneakers will do, pwede pa naman ang casual since it's just our first day. liligo na lang ako kahit nakakatamad pa, ayt -,-
—
"My, sa Starbucks nalang po ako magbre-breakfast. Sasabay po kasi sakin si Sav. Ayos lang po ba?" pagpapaalam ko kay Mommy na naghahain ng breakfast sa lamesa.
"Ah, ganon ba? Sige. Magpahatid ka nalang kay Mang Canor. Nauna na yung kuya mo kaya di ka nya mahahatid. Ingat kayo ah!" sabi ni Mommy na ngayo'y nakaupo na at handa ng kumain.
tsh, kuya's probably with his girl.
"Yes, My!" nagpaalam na ako kay Mommy at lumabas. naeexcite na lumabas ako dahil na-miss ko din ang babaeng yon kahit papano!
—
6:00AM"Good morning, Mang Canor! sa LaFiente po tayo ^^"
"Good morning din, hija. Kina Vannah ba?" sabi nya ng nakangiti. yon ang isa kong gusto kay Mang Canor e, palaging positive vibes, yung tipong nakakahawa.
"Opo, Mang Canor. Tska ikaw lang po ang kilala kong tumatawag kay Sav na Vannah, hahaha!" sabi ko ng pabiro.
"Para bago, hija. Hahaha!" sabi ni Mang Canor kaya nagtawanan kami.
—
6:25AM"CHANNNYYY!!! HOYYY BABAE NAMISS KITA UYYYY!" sabi ni Sav na halos pasigaw nung lumabas sya ng gate.
labas? mas angkop ata yung patakbo e.
ayan na. jusko bakit po napakahyper ng naging best friend ko? kainaman.
kasalukuyan akong niyayakap neto at sakal na ako. SOBRA.
"T-tama naaaa! O-oy! Nasasakal ak-o oyy!" sabi ko na halata namang hindi makapagsalita ng ayos.
BINABASA MO ANG
Destined To Love Him
Teen FictionWe don't know who we're destined to be with. Hindi din natin alam kung kailan tayo magmamahal at kung kanino natin ipapadama yon. - How can she face the reality of being inlove with him? Ipaglalaban ba nya ito? O pipigilan nalang? - Read to find...