Chandria's POV
pinagtabi nya ang nakuha naming hearts at hindi iyon nag-match. oh. e sino kayang makakapair ko?
"Mali.. Ulit nga." angal ni Keaton at pinaga-anggulo nya yon at kahit anong gawin nya hindi talaga magtugma.
"Hoy ano ba? Mukha ka ng nasiraan ng bait dyan e. Hindi nga compatible, oh? Akin na nga." kinuha ko na galing sakanya ang nabunot kong kalahating heart.
"Aw! Bakit ganon? Ginawa ko naman ang best ko para mabunot yung kapares mo ah?" sabi nya at.. wtf? bagsak ang tingin nya at halata sa mukha nya ang frustration. pwede na syang artista, in fairness. ako pa ang niloko ng isang to? tss.
"Hey tigilan mo nga yan!" sabay irap ko sakanya.
"E kasi gustong-gusto pa naman kitang maging ka-pair." sabi ni Keaton sabay nguso. ang cu– wala.
Bunot..
Bunot..
Bunot..
"Okay, class. Ngayong nakabunot na kayo, you can now roam around the room to look for your partner. Okay, go!"
pagkasabi ni Miss Angel non ay may biglang sumolpot sa harap namin. nakaupo kami at sya naman nakatayo kaya tumingala kami.
sya ata yung nasa likod nung babaeng nasa likod ni Keaton. uh, gets?
binigyan ko sya ng nagtatakang tingin kaya tumikhim sya at nagsalita.
"Um, nakabunot ka na diba?" tanong nya at kinamot nya ang batok nya. nahihiya siguro?
obviously, yes? err..
"Oh, yea." sagot ko, akala ko naman kung ano.
"Um.. Kanina kasi nakita ko yung half ng heart mo tas parang magka-anggulo yung satin kaya... ayun lumapit ako dito." sabi nya sa ganun paring posisyon.
"Ah, so you'll just check if our hearts match?" tanong ko sakanya at agad naman syang tumango kaya binigay ko na muna sakanya ang nabunot ko.
it matched.
"Ayon, ikaw pala ang makakapartner ko. I'm Dave. Nice meeting you." naglahad sya ng kamay na agad kong tinanggap. medyo nagtaka lang ako dahil matagal tagal bago nya mabitawan ang kamay ko.
"Oo nga e, I'm Chandria. Nice meeting you too, Dave." sabi ko at nginitian sya.
pagkasabi ko non ay biglang tumikhim si Keaton kaya naman napatingin kami ni Dave sakanya.
ang sama ng tingin nya kay Dave kaya naman kumunot ang noo nya habang nagkakatitigan sila ni Keaton.
"May problema ka, dude?" sabi ni Dave habang nakatingin pa rin kay Keaton.
Inirapan ko nalang silang dalawa at bumaling nalang pauna pero nakita ko sa gilid ng mata ko na nalukot ang mukha ni Keaton at binuksan ang bibig at umamba na magsalita pero..
"Oh, ayan! May ka-pair na kayong lahat."
pasalamat nalang ako at nagsalita si Ms. Angel kaya ayun bumalik na si Dave sa upuan nya.
BINABASA MO ANG
Destined To Love Him
Genç KurguWe don't know who we're destined to be with. Hindi din natin alam kung kailan tayo magmamahal at kung kanino natin ipapadama yon. - How can she face the reality of being inlove with him? Ipaglalaban ba nya ito? O pipigilan nalang? - Read to find...