Chandria's POV
ang ayaw ko talaga sa first day of school ay ang pa-ulit ulit na sinasabi sa..
"Good morning, Class A! I am Ms. Angel, your class adviser for this school year. I hope we all get along. So, moving on. Let us do a class introduction. You will just be telling your name, hobbies, interests and such. Now let's begin with..."
habang nagsasalita sya ay pinagmamasdan ko sya. ang ganda ni ma'am at mukhang bata bata pa. mahaba ang wavy nyang buhok at katamtaman ang kulay ng balat nya. ang ganda din ng ngiti ni ma'am kaya nahinuha kong mabait siguro sya.
introduction..
introduction..
nag-introduction lang kami hanggang sa dumating sa lalaking naging pamilyar na sa akin.
"Good morning, Philippines! Good morning, World! Good morning, Class A!! I am Keaton Yohan Lee, just call me Keaton." sabi ni Keaton pala habang nakangiti. His smiles are sweet. No wonder maraming nagkakandarapa sakanya.
"Hahahaha! And my only interest is you, Miss Sungit." sabi nya habang nakatingin sakin at ang luko, kinindatan ako. eh?
=_=
"YIEEEEE! MAY NABUBUO!!" panunukso ng mga kaklase namin.
lintek? kaklase ko pala tong cheesy na'to.
tinignan ko lang sya gamit ang blangkong ekspresyon pero deep inside gusto ko syang sapakin. pero wag nalang.
"Uy, tumigil nga kayo! Kinikilig ako e. Hahahaha joke!" sabi ni Keaton. yung totoo, sinasayang nya ba ang mukha nya? ang gwapo nya para maging bakla, ah. gets ko na tuloy ngayon yung movie ni Anne Curtis na 'Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend'. though hindi ko alam kung may boyfriend nga ba to, pero malay mo diba? Hahaha!
>U<
"Okay, stop it na, class. Since nabanggit na din ni Mr. Lee si Ms. Lopez, she will be the next one to introduce. Okay, okay! Let's gooo!" sabi ni Ms. Angel habang pumapalakpak at di ko maintindihan kung natatawa ba sya o kinikilig.
bigla kong naramdaman na may kumulbit sakin. si Sav lang pala.
"What?" tanong ko.
"Chandria! Ikaw na daw." nguso ni Sav sa unahan. nakatingin na pala silang lahat sa akin.
tumayo ako at pumunta sa unahan.
"Hi. Chandria Saige Lopez. Baking, Dancing & Singing." sabi ko at ngumiti ng konti, nahihiya pa ko sa nangyari kanina. at kung nagtataka kayo kung bakit yun lang ang sinabi ko, kasi tinatamad na kong habaan pa ang sasabihin ko. yan lang naman ang mga dapat nilang malaman e.
"Oy! Palakpakan nyo baby ko! Wuhooo!!" sigaw ni Keaton sa buong klase. ah shit, namumula na ako dito sa hiya.
"Since when naging 'baby' ang pangalan ko?" wala sa sarili kong tanong na narinig pala ng buong klase. ay kainis.
"Ayiee iniisip nya! Oo, crush na kasi kita. Cute mo talaga, Chandria!" ngiting-ngiting sabi ni Keaton na nagpasimula sa ingay sa klase.
sumingit pa ang natatawang si Ms. Angel sa hiyawan ng mga kaklase ko at tinanong ako.
"So, what can we call you?"
"Chandria, ma'am."
bumalik na ako sa upuan at noong nadaan ko ang upuan nya, inirapan ko lang sya. psh. crush pala ha? sarap upakan nito.
"Ayieee, chandria ha! Si Keaton pala ang kausap mo kanina, in fairness ah, gwapo! Swerte mo may nagkakacrush sayong gwapo na, masiyahin pa." kinikilig na sabi ni Sav.
inirapan ko nalang din sya. nag-introduce pa yung iba naming kaklase habang naguusap kami ni Sav.
"How many times should I tell you that I'll never have any interest in such things?" tanong ko dahil medyo naiirita na ko. oo, hindi halata kaya nga medyo lang e.
–,–
"People change, Chan. You don't know what might happen and who you might be tomorrow, the day after tomorrow and so on. Malay mo diba, may lalaki na dumating na magpapabago ng buhay mo? Diba? So don't you lose your damn hope." sabi ni Sav.
"Sav, binago na niya ang buhay ko. He changed my life more than I expected it to be. Nabubuhay na ako ng maayos ngayon, Sav. Wag na muna nating pag-usapan, ha?" medyo nanghihina ang boses ko dahil habang sinasabi ko ang mga katagang yon, naaalala ko lahat ng memorya namin.
"Okay, whatever you say." ngumiti si Sav sabay tingin sa unahan. hindi ko namalayan na parehas pala kaming sumeryoso.
pero kahit may pagkaOA at hyper to, masaya na ko dahil naiintindihan parin nya ako. si Sav kasi yung pag sinabi mong tama na, titigil talaga sya. i'm somehow lucky to have one friend like her.
—
"Okay class. Now that you've all introduced yourselves, we will be moving on to the next activity." ngiting-ngiting sabi ni Ms. Angel.
"Bubunot kayo class ng isang kalahating heart dito sa bowl, then after that hahanapin nyo ang pair nyo at sya ang magiging partner nyo for the 1st quarter. Game?" paliwanag ni Ma'am.
oh. sana naman maayos ang maka-pares ko.
bunot bunot bunot...
naunang bumunot si Sav dahil nasa unahan ko sya. sino kaya ang makaka-pair of hearts neto?
pagbalik ni Sav ay nilapag nya kagad sa desk ang nabunot. left part ng heart ang nakuha nya, meaning right side ang nawawala.. sana right ng kay Sav ang mabunot ko hahaha!
"Next."
pumunta na ako sa harap at bumunot. pinapikit pa ako =_= sana talaga rightttt!
nakuha ko na ang binunot ko at....
left side.
agad bumagsak ang balikat ko at napanguso.
sino naman kayang ka-pair ko?! matino naman, sana.
sunod na bumunot sakin si Keaton. teka. pano napunta sa likuran ko yon? e kanina lang nasa kabila sya ah? tss.
"sana right side, sana right!" bulong ni Keaton habang naka-cross fingers. psh, ang childish!
bumunot na sya at ng iaangat nya yon...
right side.
hnm, bat parang kaparehas ng korte ng sakin? wah. hindi nangyayari to. hindi. ayaw ko sa makulittttt!!
"Baby, pahiram nga ng sayo." sabi ni Keaton na nakakagat labi. oh men.
nanliit ang mata ko at iritadong tinignan sya. at ano daw? Baby? baby nya mukha nya.
"May kausap ka ba? Sa pagkaka-alam ko walang 'Baby' dito sa klase?" sarkastikong sabi ko sakanya.
agad nya naman akong nilingon.
"Oo, ikaw. Ikaw ang baby ko. O dali na, peram ng sayo. Please, baby?" may pa-puppy eyes pa ang luko! at bago pa ako umoo, nakuha na nya galing sa desk ko ang half heart ko. tsk.
cringe af. ako? baby nya? oh come on.
pinagtabi nya yon at..
×QueenxSea×
BINABASA MO ANG
Destined To Love Him
Ficção AdolescenteWe don't know who we're destined to be with. Hindi din natin alam kung kailan tayo magmamahal at kung kanino natin ipapadama yon. - How can she face the reality of being inlove with him? Ipaglalaban ba nya ito? O pipigilan nalang? - Read to find...