Chapter 1:Meet JOHAIMAH CAMPONG aka JHOEY

1.6K 16 2
                                    

Nang ipasa ang bagong panukala sa violations ng mga sasakyan ay isa siya sa mga apektado. Matindi ang epekto sa kanya ng bagong panukala kahit wala siyang sasakyan.

Oo, wala siyang sariling sasakyan. Isa lang siyang simpleng trabahador ng pabrika, nangungupahan sa di kalakihang apartment at may boyfriend lang na kahihiwalay lang niya mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan dahil nalaman niya na nakabuntis ito ng ibang babae. In short, simple lang ang buhay niya.

Pero ang simpleng buhay niya ay ginawang komplikado ng panukala sa violations at penalties dahil naging biktima siya ng kaliwa’t kanan na strike ng mga driver ng pampasaherong jeep. Lakad dito at lakad doon ang drama niya nitong nagdaang linggo.

Maliban sa kalyo sa paa ay warning dito at warning doon ang naging resulta ng sunud-sunod na pagkalate niya sa trabaho. Akala niya ay hanggang warning lang ang lahat dahil naipaliwanag naman niya ng mabuti sa immediate supervisor niya na mahirap talaga ang makasakay ng jeep nitong mga nagdaang araw. Pero kasama talaga yata siya sa populasyon na mamamatay sa maling akala dahil kaninang umaga ay may notice na nakapatong sa kanyang table- notice of termination iyon.

     Johaimah Campong we regret to inform you that after a thorough investigation of your performance and tardiness, the accumulated warning issued was enough to be a ground for your early termination of contract…

     Nakauwi na lang siya at lahat pero hindi pa rin nagsisink in sa kanya ang pagkawala ng trabaho niya. Kinuha niya ang papel at binasa ulit iyon baka sakaling namamalikmata lang siya. Pero kahit sampung beses na niyang binasa iyon ay walang nadagdag o nabawas sa nakasulat dun- ang ending ay wala pa rin siyang trabaho.

     Nangalumbaba siya at tiningnan nalang ang papel na tumapos sa akala niya ay papaganda na sana na career niya sa trabaho. Naabutan siya sa ganoong posisyon ni Dada. Kaibigan at kasama niya ito sa inuupahang apartment. Kaklase niya ito nang magkolehiyo sila sa Davao at nang makipagsapalaran siya sa Maynila ay sumama ito sa kanya at hindi na rin tinapos ang kursong BS Biology.  Para dito ay bagong buhay ang maibibigay ng Maynila sa kanila. Katulad niya ay ulilang lubos na ito kaya wala na rin itong babalikan sa Davao.

Dahil mas madiskarte siya kaysa rito ay nauna siyang nahire sa N & J kahit college undergraduate siya. Umabot muna ng ilang buwan bago nakahanap ng trabaho si Dada sa foodcourt ng mall bilang tagalinis. Kung tutuusin ay mas mataas pa nga ang nagagasta ng kaibigan kaysa sa suweldo nito buwan-buwan kaya mas inaako niya ang mga babayarin sa apartment. Ngayon na wala na siyang trabaho ay talo pa nila ang kabayong pangkarera na napilayan.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa papel na nakapatong sa center table ng di kalakihang sala nila. Nang hindi pa rin siya kumikilos o nagsasalita ay kinuha nito ang papel na tinitingnan niya. Binasa nito iyon ng malakas. OA lang ito sa ginawa nito pero nakatulong iyon para kahit papaano ay maibsan ang hinanakit niya. Sa wakas ay may makakaramay na sa kanya.

“Wala ka nang trabaho. Kahit baliktarin mo pa itong papel ng ganito at ganyan ay hindi na mababago ang kapalaran mo,”prangkang sabi nito sa kanya.

Nagkamali yata siya sa naisip na dadamayan siya nito. Kung kanina ay nasa denial pa siya sa 5 stages of coping, sa ginawa nito ay napabilis yata ang denial stage niya.

“Gagawin ko ang lahat, ibalik lang nila sa ‘kin ang trabaho ko. Tatlong taon rin akong naging tapat sa kompanyang iyon tapos dahil lang sa ilang sunud-sunod na late, iteterminate agad ako? Makatarungan ba iyon?”humihingi ng simpatya na sabi niya rito.

Sa loob ng tatlong taon ay isa siya sa matatawag na ulirang trabahador ng N&J Corporation. Hindi sa nagmamayabang siya pero limang magkakasunod na buwan siya naging employee of the month nang nagdaang taon.

Jhoey's Mischievous Romance published as Mischievous Romance ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon