Marrying The Heartless Billionaire I

4.8K 74 14
                                    


1


"Pin! Pin!" malakas na sigaw at sunud sunod na pagkatok ang gumising sa akin, "Wala ka talagang kwentang bata ka alas otso na ng umaga tulog ka pa rin diyan!"

Agad kong binuksan ang pinto ng mapag isip isip ko na si Tiya Marie ang nagsasalita sa likod nito, "Tiya?"

At kung pwede lang akong lunukin ng lupa, kainin ng sahig o di kaya ay bigla na lamang maglaho ay ginawa ko na. Kaya lang dahil sa imposible kong hiling kaya naman nandito pa din ako sa harap ng tiyahin kong nag uusok ang ilong at namumula na ang buong mukha, "May balak ka pa palang gumisiiiiiing?!!!!"

At sa sigaw niyang yon ay sigurado akong pinagtatawanan na naaman ako ng mga tsismosa naming kapitbahay. Hay

-

"Pin nasaan na iyong hotsilog?"

"Ineng ang lomi ko wala pa.."

"Miss yung samin dalawang bilo- bilo wala pa din.."

Sunud sunod na buntong hininga na lang ang naisagot ko sa kanila habang inaayos ang mga pagkain kasabay ng paghalo ng pinaluluto ni Tiya na lugaw. Ano bang tingin nila sa akin? Nakikita naman siguro nilang isa ko lang ditto at iniwan ako ng Tiya ko para mag bingo sa kabilang kanto..

"Pan gusto mo tulungan na kita dyan?" Si Jay na kumakamot sa batok niya.

"Hindi na, salamat na lang." matipid akong ngumiti sa kanya sabay abot ng kanyang order, "Eton a ung hotsilog. Pasensya na natagalan. Salamat." Matapos ibigay kay Jay ay lumabas na din ako para ihatid ko na din sa mga naghihintay na kostumer ang order nila "Pasensya na po natagalan, enjoy sa pagkain po."

Matapos ay bumalik na ko sa loob para naman hugasan ang mga platong naiwan sa pagbabantay ni Tiya Marie pero hindi pa man ako nakakapagsimula, "Miss?"

Isang matandang lalaki na nakasuot ng... ano nga bang tawag ditto? Ahm? Basta malinis na polong puti sa loob na pinatungan ng itim na... basta, "Ay ano po yun?"

"Dito ba nakatira si Marie Lafuente?" nakangiti niyang sabi

Ah si tiya pala, "Ay opo, bakit po?"

"Ako nga pala si Raymart, kaibigan niya. Pakisabi naman na nandirito ako at gusto ko siyang makausap."

Ano kayang kailangan niya kay Tiya? Ang alam ko kasi ay wala namang gaanong kakilala si Tiya ditto sa Maynila bukod sa mga kapitbahay namin at kalaro niya ng bingo, "Wala po kasi si tiya ngayon eh. Nasa kabilang kanto," Nagbi bingo po dun hehe. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yun kaya, "may inaasikaso po."

Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo at nawala din sa kanyang labi ang kanina pa nandoong ngiti. "Sigurado ka?" mula sa mahinahong boses ay lumaki at bumigat ito.

"E-Eh o-opo, wala po si T-Tiya" Hindi ko mapigilang mautal dahil na rin sa klase ng tingin na ibinibigay niya, tila ayaw niyang maniwala sa aking sinasabi.

Isang malakas na buntong hininga bago muling bumalik ang kanyang ngiti, "Sige pakisabi nalang kay Marie na hindi ako mahilig maglaro... lalo nan g taguan kaya wag niyang susubukan ang pasensya ko. Maliwanag?"

Hindi na ko nakasagot pa dahil narin sa tumalikod at umalis na siya. Kasabay na rin ng pangangatog ng mga binti ko ay ang isipin kung sino ang taong nakausap ko. Tila, nakakatakot siya.

-

Ilang araw na ang nakalipas mula ng makausap ko ang misteryosong lalaki nay un. Balik normal ang lahat. Gigising ako ng maaga para magbukas ng maliit na karindera ni Tiya at matatapos na din ang araw ko sa pag aasikaso nito. Hindi na rin naman nagbalik ang lalaki at isa pa ay hindi ko makausap si Tiya ng mga nakaraang araw dahil sa lagi itong umaalis. Hindi rin siya naglalagi ng matagal sa bahay kaya walang tsansa na masabi ko sa kanya ang nangyari.

Maliban na lang ng araw na iyon, hindi niya ako pinagbukas ng tindahan dahil kailangan niya daw ang tulong ko. Pero ilang oras na ang nakalipas, mag a alas dose nan g tanghali pero wala pa ding pinapagawa si Tiya sa akin. Bukod pa doon ay kanina pa siya may mga binabasang papel, napakaraming papel na nakakalat sa lamesita, kunot noo niya itong binabasa ng paulit ulit.

"Tiya kailangan niyo po ng tulong ko?"

Salubong ang kilay niya kong tiningnan, "Ano naman ang maitutulong mo sa akin aber? Ni hindi ka nga makapagbasa! Paano mo ako tutulungan?"

Napayuko na lamang ako. Kung sa bagay, hindi nga ako makapagbasa ng tuwid, ni pagsusulat ng pangalan ko ay nahihirapan din ako. Pero sinusubukan ko pa din naman, sa tuwing nababakante ang oras ko sa karinderya at walang gaanong kostumer o di kaya kaya naman ay tapos ko na ang mga gawaing bahay ay matiyaga kong isinusulat ang mahaba kong pangalan. Nagbabasa din ako. Nahihirapan lang talaga ako dahil na rin sa hanggang Grade 2 lang ang natapos ko at di na naituloy pa ang pag aaral ko dala na rin ng kahirapan. At sa biglaang pagkawala ng mga magulang ko.

"Hoy Pan, ano ba?! Kanina pa ako dakdak ng dakdak ditto hindi ka naman nakikinig!"

Hindi ko namalayang nakatayo na pala si Tiya sa harap ko, "A-Ano po yun Tiyang?"

"Ang sabi ko sigurado k aba na eto lang ang kinita kagabi ng tindahan?!"

"E-Eh opo? Yan lang naman po.."

"Sinungaling!" Nagulat ako ng inihagis niya sa harap ko ang supot ng perang kinita kagabi, "Wag ako ang pinagloloko mo ha! Alam kong matagal mo na akong kinukupitan!"

Ha? Sa buong buhay kong nagtrabaho para kay Tiya ay hindi ako humingi ng kahit na ano, kahit na sinasabi ng ilan naming kapitbahay na dapat ay pinapasahod niya pa rin ako ay hindi ko na hinagad pa iyon. Sapat na sa akin na pinapatira niya ako sa kanyang bahay at pinapakain ng libre. Kaya hinding- hindi ko magagawang pagnakawan siya kahit na singko man.

"Tiyang hindi po.." Hahawakan ko sana siya sa kanyang braso pero umiwas siya, "Magsabi ka ng totoo sa akin, may balak ka sigurong umalis sa poder ko at iwan ako kaya nagagawa mong magnakaw ano?!" Galit nag alit niyang sigaw sa harap ko.

Paulit ulit akong umiling, hindi ko na rin napigil ang umiyak dahil sa nakikita kong galit sa kanya. Oo't palagi siyang nagagalit sa akin pero hindi sa ganitong dahilan. Isa pa, si Tiya Marie na lang ang natitira kong kamag anak, siya na lang ang nag iisa kong masasandalan sa mapait na mundong to kaya ayokong sumama ang loob niya sa akin. Para ko na din siyang ina kahit na minsan ay napapaisip ako kung mahal niya din ba ako, "Tiya hindi kop o magagawa sa inyo yun.. mani—"

PAK!

"SINUNGALING KA! Halika sa taas at kunin mo na ang mga gamit mo!" Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi pa man ako nakakagalaw sa pagkakasampal niya sa akin ay nagulat na naman ako ng kaladkarin niya ko paakyat, halos tumama na sa marurupok na kahoy n gaming bahay ang katawan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito sa akin ngayon at mas lalong hindi ako makapaniwala na kaya niya akong tratuhin ng ganito.. 15 years din kaming nagkasama...

"Tiya tama nap o.." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang kinakaladkad niya ako ngunit tila wala siyang narinig at marahas pa din akong itinulak sa aming damitan, "Hala sige't mag impake ka na! Hindi ko kailangan ng magnanakaw at traydor rito sa pamamahay ko!"

Hindi ko ginawa ang sinabi niya at sa halip ay para akong batang kumapit sa kanyang hita, "Wag tiyang.. W-Wala nap o kong ibang k-kakilala bukod sa inyo." Totoo iyon, ni kaibigan ay wala ako. Dahil na rin siguro sa araw araw na pagsisilbi sa karinderya kaya't wala akong nakakasalamuhang ibang tao.

"Hindi ko na problema iyon!"

"Maawa nap o kayo s akin, Tiyang.. Gagawin ko po ang lahat mapatawad niyo lang ako..." mula sa kasalanang hindi ko alam na nagawa ko.

Wala ng nagging sagot pa si Tiya Marie. Hindi ko na narinig ang pagsigaw niya.. Marahil ay naawa na siya sa akin... Naramdaman kong unti unti siyang yumuko para magkaharap kami.

Napamulat ako ng aking mga mata at unti-unting natigil sa pag iyak ng maramdaman ko ang pagpunas niya sa luha ko, "Sigurado ka bas a sinasabi mo?" May ngiti sa kanyang mga labi habang sinasabi ang mga ito. Hindi ko man maintindihan kung bakit biglang nagbago ang desisyon niya ay tuluy tuloy na lamang akong tumango, para lang hindi na siya magalit, "Gagawin mo ang lahat?"

Gustong matuwa ng puso ko dahil sa biglaang paglambot niya sa akin ngunit hindi maiwasan ng isip ko ang magtaka at mapuno ng tanong kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng araw na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying The Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon