Prologue

14.1K 228 40
                                    

Ako si Stephanie Go. Sixteen. Walang pinag-aralan at nakatatak na sa aking isipan na habangbuhay na akong maghihirap. Pero sa di-inaasahang araw, bigla na lamang akong SAPILITANG dinala sa isang napakalaki at eksklusibong mansyon na ni sa panaginip ay hindi ko naisip na mapapasok ko. May isang matandang babae ang kumausap sa akin gamit ang lenggwaheng hindi ko naman maintindihan basta ang alam ko ay mabait siya at hindi ko inaasahang sa isang pagtango ko lang ay mababago ang buong buhay ko. At sa mismong araw na iyon ay ikinasal ako.... sa isang lalaking ni minsan ay hindi ko nakilala.

Sa loob ng isang araw, naramdaman ko ang maging Prinsesa. Naramdaman kong mahalin at tingalain ng lahat. At akala ko, ako si Cinderella na nakamit na ang kanyang tagumpay pagkatapos ng labinlimang taon na paghihirap. Pero mali ako... Ay, hindi naman pala masyado. Tama din naman ako, ako nga si Cinderella dahil ng sumapit ang alas-dose ng gabi... bumalik na ako sa realidad. 

Mayaman na nga ako. May asawa akong ubod ng kagwapuhan at yaman pero hindi pa din tagumpay ang nakamit ko dahil sa piling ni Nathaniel Connor, impyerno ang naging buhay ko. May minamahal kasi siya ng sobra pero ako ang pinakasalan niya, si Gret-- 

Teka lang ha? Tinatawag na kasi ako ni Master Nathaniel, kailangan ko pa daw punasan ang sapatos niya bago siya makipagkita sa tunay niyang sinisinta. Uhm, sa susunod ulit? 

Sige, paalam!

Marrying The Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon