********
Francine Disserie's POV
Nakakabagot naman dito!
Nakabusangot ako habang nakikinig...Papansin pa naman si Maddison nakakainis! Sasamaan ako nang tingin tas magtitinginan sila ng mga kaibigan nila tsaka sila tatawa kaya pati mga kaklase namin napapatingin saken..Nakakahiya!!!
🔔Kring-Kring-Kring🔔
Dafaq! Buti nalang agad kong niligpit ang gamit ko at lumabas na pero bago ko pa malampasan ang pinto ay may humarang na doon....
"Francine Disserie napakapapansin mo talaga tinulungan mo lang ba ako para sumikat ka? Well..Di ka uubra saken dahil sa susunod mapapatumba na kita" Nang bibwiset na sabi saken ni Maddison
"Please palabasin nyo na ko" Pakiusap ko sakanila dahil gutom na ko at baka hinahanap na ko ng mga kaibigan ko..Ayaw ko silang nag aalala saken
"Ooohh??? Nasan na yung matalas mong dila? Umurong naba?" Ngumisi saken si Maddison at tinulak ako...
Hindi ko naman sya pinansin at akmang lalabas nako ng bigla nya kong sinabunutan
"Bitawan nyo ko! Tama na!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya pero may humila sa kamay ko
Ang mga alipores nya pala...
"Ano ha?! Yan ang napapala ng mga taong ATTENTION SEEKER!" Sigaw nya sa muka ko tsaka ako sinampal
Hindi ako sumasagot dahil mapapalala lang ang sitwasyon ko
"Sumagot ka! Pipi ka ba o sadyang tanga ka..Masyado ka kasi..Akala mo ikaw na ang bagong reyna ha?! Ako lang ang reyna dito at wala nang iba!" Sigaw nya ulit at sinampal ulit ako sa kabilang pisnge
Hindi pa sya nakontento at sinipa pa nya ako sa tyan dahilan para mabitawan ako ng mga kasama nya
Kinuha ko na ang pagkakataon na tumakas.. kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas at buti nalang hindi nila ako hinabol
May mga kumawala na luha sa mata ko kaya hindi ko na pinigilan ang traydor na luha kong to at hinayaan nang malaglag.
Tumakbo lang ako ng tumakbo ng may makabangga ako
Si Adrayne...isa sa kaibigan ni Clark
"Disserie? Bat ka umiiyak at parang ang pula pula ng muka mo?" Nag aalalang tanong nya
"M-maddison" Yun nalang ang nasagot ko dahil tumakbo na ulit ako hindi ko kayang may makakita saking umiiyak
Pumunta ako ng garden at dun umiyak ng umiyak
Adrayne Lance's POV
Bat kaya umiiyak yun?
Naguluhan ako sa sinabi nya..Anong kinalaman ni Maddison dito???
Shit! Agad akong tumakbo sa canteen dahil nandun ang barkada ni Disserie kasama ang barkada namin tsaka si Clark
BINABASA MO ANG
The Sassy Gangster Princess
Teen FictionMaglalapit ang dalawang Gangster...Infact the strongest gangsters ay magkikita ng dahil sa isang kalokohang ginawa ng isa sakanila at mangyayari ang Gang Wars sa pagiging malapit nilang dalawa...Paghihiwalayin ba sila ng tadhana? Paglalapitin? O pag...