********Francine Disserie's POV
Nagising ako ng maaga para sana pumasok na pero pinigilan ako ng apat dahil daw baka mabinat ako *pout*
So ...Pumayag naren ako dahil TINAMAD na ko nyahahaha😏
Para akong di galing sa sakit no??? Well ganon talaga...Chos!
Tumayo ako sa pag kakahiga sa kama tsaka tumalon talon dito para maboost ang energy ko pero baket!!!??? Wala parin akong sigla ^3^
Bumaba ako ng kama at hinanap sa drawer ko yung bluetooth speaker tsaka pumili na ko ng kanta at sinabayan ito
Pumunta ako sa kitchen para magluto sana...Kaso parang nagkecrave ako sa Ice Cream kaya naghanap ako sa ref. Pero Putcha wala na pala -_-
Pumunta ulit ako sa walk in closet ko at nagpalit ng simpleng shorts at black na sando
Kinuha ko yung cellphone ko sa table tsaka nilagay sa bulsa
Kumuha rin ako ng pera pang bili..Alangan namang pumunta ako sa store tas walang dalang pera baka mamaya sa ganda kong to mapagkamalan akong mangnanakaw...Readers! Muka ba kong mangnanakaw???Ha???Ha readers???? Diba hindi kaya um-oo nalang kayo jan..
Bumaba na ko at lumabas ng mansion
Meron kasing malapit dito na 7/11 kaya pumunta nalang ako don..Walking distance lang naman yon dito eh
Ng makarating ako ay agad kong hinanap ang gusto kong ice cream which is Cookies and Cream!!!<3
Kumuha ako ng tatlong galon tsaka pumunta ng counter para magbayad ng biglang umulan ....Jusko! Kung kailan ako lumabas don pa umulan?? Destiny ba???
Bumili nalang ako ng cup noodles kase malamig na nga dito sa loob pati ba naman sa labas kaya mas pinili ko nalang na kumain muna ng cup noodles na spicy para MASAYA!
Nagbayad ako at nilagyan ng mainit na tubig tsaka ako kumain
Pero naalala ko yung lecture namin ngayon tsaka wala pa kong dalang libro..Putspa dapat kasi di nalang ako umabsent ehh ..Pano na yan??? Bigla kong naalala yung cellphone ko nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Harley para makuha yung libro ko tsaka macopy nila yung lectures namin
Hello? Bakit may problema ba may masakit ba sayo?-Harley
Wala..Pero Harley pacopy naman ako ng lectures naten tsaka pakuha rin ako ng mga libro na kailangan naten reviewin
Aaahh..Sige sige pero mamaya nalang ulit aah kasi nasa klase ako mamaya mahuli ako ng prof. Balita ko terror pa naman to
Ah sige. Padala nalang ako ng libro ko ah thanks
Geh bye ingat ka dyan..
I-end ko na yung call tsaka tumayo at dinala yung ice cream ko mamaya maiwan eh sayang!
Lumabas ako pero hindi parin tumitila ang ulan kaya napilitan akong lumusong sa ulan
Tumakbo ako pero may nag abot sakin ng payong kaya napatingin ako kase para sabihin ko sayo pre.. Ang tangkad nya eh di kaya ng height ko! Shout out sa Cute Size ang height pero Cute!!!
"Kagagaling mo palang sa sakit nagpapaulan kana?" Tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang boses na yon
"A-ah kasi wala akong payong kaya na-napilitan ako" Bat ba ko nauutal???
"Tsk. Stupid tara na nga" at inakbayan ako tsaka hinila na pauwi
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang maisip yung ice cream kase mamaya tunaw na sya eh hindi na masarap kainin....mag iexperiment pa naman sana ako
Hinila ko na si Clark kaya halos malaglag na yung payong dahil hila hila ko sya sa kamay nya kung san don nya hawak ang payong
Ng makarating kami sa bahay ay agad akong kumuha ng towel at pinunasan ang buhok ko dahil basang basa na ito
Pero nung pagkatingin ko kay Clark ay nakatingin lang saken na parang ewan di ko mapaliwanag eh..
I snap my finger to his face kaya nawala sya sa imaginary world nya kung meron man
"Movie marathon tayo..Masaya mag movie marathon pag umuulan tsaka Ice Cream gusto mo???" Alok ko sakanya..tumango naman sya at umupo na sa sofa nandito kami sa Sala ng mansion
Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng crushed graham and cones tsaka ibat ibang toppings like M&M's..Hershey's Kisses..Sprinkles at yung choco syrup
Kumuha ako ng tubig dahil mamaya sumakit ang lalamunan ko at mawalan ako ng boses
"I want horror movies Disserie" Sabi saken ni Clark pagka lapag ko palang ng pagkain
"Ikaw na pumili ka nalang! May ginagawa ako rito ohhh!" Reklamo ko. He just rolled his eyes..Aba't! Bakla yata to ehh..Arte arte!
Narinig kong nagpaplay na hindi pa ko lumilingon dahil may ginagawa nga ko! Pero SHIT!...Parang yung manika pa yung pinili nya ah.Sarap nyang sabunutan sa totoo lang!
Inaayos ko kasi yung pagkain..Alam mo na.Minsan talaga may pagka Perfectionist ka kaya eto ganto ang ginagawa ko ngayon.Maarte pa naman tong lalaking to! Actually mas maarte pa yata to saken eh
"Psst...Ito na yung iyo oh!" Tsaka ko inabot sakanya yung isang bowl ng ice cream na may ibat ibang toppings.
Walangya! Hindi manlang nagpathank you pero it's okay naren para naman......Secret^v^
Kain lang ako ng kain pero Shit lang! Naririnig ko paren ang tunog na nakakatakot kaya napapapikit nalang ako minsan..
"Why? Are you scared?" Sabi nya ng nakangisi..May gana pa syang ngumisi aahh!
"Muka mo!" Sigaw ko sa sobrang inis ko kaya.Tumayo na ko at pupunta na sa kwarto ko-----
*Blag!*
Pakkerr! Pero parang ang lambot? Napadilat ako at nakita ko ang muka nya na sobrang lapit..Ang gwapo nya pala----Wait what? What am i saying???!!! Argghh..
Natauhan lang ako ng ngumisi sya
"Nagawa mo pang magdapa dapaan para makaupo ka sa lap ko.." Pang aasar nya kaya hindi ako nakapagtimpi at binatukan sya
"What the! Halikan kita jan eh gusto mo??!" Nakakunot nyang sigaw dahil nairita yata..Nyaaahahaha Pay back time!😏
Pero what??? Halikan???"Napakafeelingero mo talaga kahit kelan!" Akmang tatayo ng hilain nya ulit ako at mapaupo ulit sa kandungan nya..What's his problem ba?
Tinaasan ko sya ng kilay...Nagbago ang expression nya na kanina lang ay naiirita ngayon parang biglang nawala na parang bula?
BINABASA MO ANG
The Sassy Gangster Princess
Teen FictionMaglalapit ang dalawang Gangster...Infact the strongest gangsters ay magkikita ng dahil sa isang kalokohang ginawa ng isa sakanila at mangyayari ang Gang Wars sa pagiging malapit nilang dalawa...Paghihiwalayin ba sila ng tadhana? Paglalapitin? O pag...