Entry 7 : What a day!

342 53 105
                                    

Entry Seven: What a day!

***

Ganado ako magsulat ngayon ng entry. Grabe na talaga ang power of being positive ko! Abot langit. Gusto ko tuloy tuloy na 'to. Kailangan ko na siguro sanayin ang sarili ko lalo na't lagi ako pagtitinginan ng mga tao. Realtalk: Positivity brings self-confidence. Sana noon ko pa to ginagawa! Hmmm

Franco: Sh*t. Why are you so damn beautiful? (nakapatong sa desk ko)

Ako: (natutuwa) Dala ng pagiging positive.

Franco: What the hell! Anong klaseng sagot 'yan?

Ako: (napangiti habang tinutukan ang reaksyon niya. Just cut the crap--- he's so cute, i mean, yung dimples niya.)

Franco: Seriously Myles, ikaw ba talaga 'yan. I mean bukod sa sobrang ganda mo, anong pinakain sayo ng magulang mo at kayang-kaya mo ako titigan ng ganito. Hindi ka naman ganyan dati ah!

Ako: Perks of being positive nga. Hahaha.

Franco: Darn it! You're so pretty different. (lalong lumabas ang dimple niya nung ngumiti siya) Yung totoo, nakakain ka ba ng pagkain ng milagro?

Ako: (I smiled. Pinakita ko rin sa kanya ang dimple ko) It's not about miracle. People change.

Franco: For?

Ako: Secret. Walang clue.

From the back of my mind, ayaw na ayaw ko parin malaman nila ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Hindi ko gusto malaman nila ang sakit ko.

Franco: (Smirked) Walang sekreto na di nabubunyag.

Ako: Meron. Papatunayan ko yan sa'yo. Hahaha

That was our conversation. Ang saya!

***

Ongoing pa ang klase ni Ma'am Vasco nang may nagsalita sa likuran ko. I know he's referring to me.

"Sana ganyan ka lagi." Boses yun ni Krystoff. At siya ang pinakasuper close ni Franco.

I smiled at him. Hindi ko alam kung bakit ako natuwa sa sinabi niya.

***

After ng klase ni Maam Vasco, nagdiretso na ako rito sa canteen to have my lunch. Siyempre marami akong pera ngayon so I bought my foods and drink. The food isn't familiar to me dahil unang tapak ko pa lang ngayon sa canteen ever since. Umupo lang ako dito sa may bakanteng lamesa habang pinagtitignan ng mga estudyante habang may binubulong. Oh, I can't hear their adorition! Sana lakasan nila para ngitian ko sila. Well, I haven't yet a friend. Natraffic ata sa loob ng classroom or baka nasa labas lang ng school kumain. Mayaman siguro sila ay (no doubts)!

"Lapitan mo na kasi pards. Baka maunahan ka pa ng iba." Napako ang paningin ko doon sa grupo ng mga lalaki. Halos ng mata nila nasa akin nakatingin, habang yung dalawa nagtutulakan pa at tumigil lang nung napansin nila ako nakatingin sa kanila.

"Pare, nakatitig siya sakin!"

"Duling ka ba? Sa akin siya nakatingin oh."

"Bulag! Sa akin nga siya nakatingin."

Napangiti na lang ako sa kanila. Bakit ba kasi ang ganda ko para pag-agawan ang titig ko?

***

(Sorry if basang-basa ka kanina, Raid!)

Ganitong eksena kasi ang nangyari habang sarap na sarap akong kumakain ng lunch kanina sa canteen. Bigla na lang may tumilapon na tubig diretso sakin. Nakita ko kaagad ang mukhang paniki na pagmumukha ni Erchel kasama ang mga alalay niya. Sila ang may pakana kung bakit naghiyawan ang tao sa palibot dahil sa pagkabasa ko. (Sila ang dahilan kaya ka naligo sa tubig Raid, katatapos ko lang kasi magsulat ng entry kaya di agad kita pinasok sa bag)

So, ayun. Lalabanan ko sana sila kung hindi lang ako hinarangan ng mga lalaki kanina (remember them yung nag-aagawan kung sino sa kanila ang titnitignan ko?). Buti na lang at dumating si Franco at dinala agad ako sa locker. Nagpahiram din siya ng kanyang damit. (wala din kasi laman locker ko kasi nga diba wala akong pakealam dati).

Hayss... I don't think if this is a war. Hindi naman ganito dati si Erchel pagdating sa akin. I know they are bullies pero never ako nakaranas sa pagiging bully nila. Ako lang ata yung loner na hindi nila pinag-aaksayahan ng panahon. Pero ngayon, don't tell me, kakalabanin niya ang pagiging postive ko? Sa ngayon pa lang dapat niya itatak sa kukuti niya, hindi umaatras ang positivity ko. Lalaban at lalaban ako sa kanila!

***

A/n: Pasensiya lalabs kung binago ko ang bawat entry. I hope you enjoy it kahit maraming nagbago. I can't wait to see you again on the next chaps. ENJOY! (franguyyy)

My Life Inside the DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon