Entry 14 : Life 103

234 30 22
                                    

Entry 14: Life 103

***

Ilang araw na rin simula naging close ko ang dalawang hokage. Si Franco na laging bastos ang lumalabas sa bunganga at si Krystoff na always go with the flow sa trip ni Franco. Minsan natatanong ko na lang... kaibigan ko ba talaga ang mga 'to o baka wala lang sila magawa sa buhay at ako ang trip nila. Hays. Pero aaminin ko, natutuwa ako sa company nila. Marami din akong nalaman tungkol sa kanila... Fil-Am pala si Franco pero mas lamang ang pagiging pinoy niya kaya kung titigan mo siya di mo mahahalata na may dugo siyang american, at ito naman si Krystoff.. jusko juice ang yaman yaman pala, di lang halata!

Naging sikat at usap-usapan na nga ako sa buong campus dahil halos oras oras nakabuntot sila sa akin pati sa pagpunta ko sa CR. Ang weird at creepy na nga minsan. Dahil sa mga hokage moves nila, marami na ring nerds ang tumulad sa akin sa pagbangon. Dapat lang!

Si Erchel? Always to the max ang kanyang inis sa akin. Inis ba kako o inggit! Naghahanap nga siya ng tyempo para mabully o saktan ako pero bago pa niya iyon magawa may dalawang asungot ng nakabuntot sa akin. Kaya ang resulta, halos magkaroon ng sungay si Erchel ng galit sa akin. Alam mo kanino niya binubuntong ang kanyang galit? Doon kay Arsen Muñez na isa ring loner at parang walang pakialam sa mundo. Talking about Arsen... naiinis din ako sa kanya nang minsan nilapitan ko siya pero deadma lang ako tapos kung makasalubong ng kilay sa akin.. wagas! Kaya imbes na tulungan ko siya, nawalan ako ng motibo sa kanya. Sa totoo lang, ang gulo ni Arsen. Palay na nga ang lumalapit sa manok, choosy pa!

'Yung estanghero/basahan na minsan tinulungan ako? Naikwento ko narin kina Franco at Krystoff tungkol dito at kasalukuyan din namin siya hinanap. Gusto ko talaga siya makita at makausap. Gusto ko sana pagbayaran ang utang na loob sa kanya kaso hindi namin alam kung saan yun nagtatago. Ang tanging palatandaan ko lang sa kanya is yung mahaba niyang buhok at maladugyot na ayos. 'Yun nga lang nahihirapan pa rin akong makita siya...

(Wala naman masyadong nagaganap sa akin these past few days kaya ito lang masulat ko, Raid. Happy kiddo!)

***

A/n: Next chaps, hindi na po entry style ang format ng pagsusulat. Abangan niyo po ang paglabas ni Raid sa diary ni Myles lalabs! See you next chapter :*

My Life Inside the DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon