Chapter 1
Chris Alyana V. Enriquez POV
"So class we have a new transferee student" panimula ng bagong proof ko habang ako ay nakikinig lang dito sa labas ng pintuan. Nakikita ko rin si Maine nagsusulat halatang hindi nakikinig at walang pake alam. Tsk tungkol na naman yan sa wattpad."So hija, Come in and Introduce Yourself" pagpasok ko tumayo ako sa Harapan. Ano ba sasabihin ko. Nasulyapan ko na rin si Maine na lihim na tumatawa habang nagsusulat. Pucha.
Bumuntong Hininga muna ako at matamlay na tumayo.
"Hi I'm Chris..Chris Alyana" pagkasabi ko non ay nag bow ako at tumingin ako sa kanila habang ang mga tingin nila ay parang nag aabang kong ano susunod kong gagawin.
"And.. tell more about yourself Ms. Chris Alyana" sabi ng proof namin gayundin na naka tayo at nag aabang.
Bumuntong hininga ulit ako. Ano pa ba sasabihin ko.
"Tsk..I'm Chris Alyana V. Enriquez and I'm not interested" malumay kong sabi at tiningnan ko ang proof. "May I take my seat proof?" Tanong ko nangangalay na paa ko.
"Okay" natatawa at umiling iling si proof sa pagkasabi ko non. Tch ano ba nakakatawa?
Dumiretso ako sa tabi ni Maine na may bakanteng upuan. Bago ako umupo inayos ko muna ang salamin kong makapal. As usual nerd na nga.
"Nice one @Cavemptylvl hahaha" pabulong na sabi ni Maine pero dinig na dinig ko.
"Shut up @Bravesisxst" malumay at pabulong ko rin sabi sakanya.
"Okay...Ms. Enriquez welcome to Falcon's High University Of Cavite..I'm Ms.Rezavo" Sabi niya saakin pero naka tingin lang ako sa bintana. I'm not interested proof.Nag simula nang mag discuss si proof at nagsimula na din kaming nag silabasan ng notes.
Nag simula nga mag discuss si proof pero ang utak ko na sa malayo naman.In short di ako nakikinig. Bala siya dyan. Ilang minuto nag bell na rin at nag may bagong proof naman ang nag handle sa amin para sa subject na "MATH". Gha!! Bakit pa kasi na buhay ang Math. At heto na kikinig ako para lang may masagutan.
*/^ KRIIINNGGG!! /^ KRIIIINNGGG!!/^*
"Chris sa rooftop tayo mag recess" sabi saakin ni Maine habang nag lalakad kami.
"May canteen naman dito Maine bakit sa rooftop." Malumay kong sagot. Nakaka pagod kayang mag lakad.
"Basta bilisan mo baka ma unahan tayo" sabi niya at hinila ako. Ano naman kaya ang kagagahang pinaggagawa nito!|>| FHUOC Canteen |<|
Kunti pa ang mga tao dito kasi nangunguna tong lokong si Maine. Mga 20+ ka tao siguro.
"Chris anong sayo?" Sabi ni Maine habang naka pila kami.
"Mango Shake at Nova nalang" Sabi ko. Gha! Pang Jollibee ang menu.
"Pera" sabi ni Maine saakin habang naka bukas ang palad.
"Ouh P50 pesos yan may sukli pa yan" sabi ko.
Inabot na ni Maine ang kanyang pera at saakin para magbayad at wala pang 2 minutes naiabot na ang aming order.Kinuha ko na yung nova at Mango Shake na naka balot.
"Tara! Diretso na tayo sa Rooftop.."
"Bakit ba kasi Maine dito nalang tayo nakakapagod mag lakad"
Luminga linga muna siya at may nahagip ang kanyang mata yumuko siya at hinila ako.
"Ipapaliwanag ko sayo sa rooftop" sabi niya kaya nag pahila ako.
Lakad takbo ang aming ginawa hanggang ma abot namin ang rooftop.Bakit ba kasi!
|<| FHUOC ROOFTOP |<|
Nang makarating kami sa rooftop. Walang Tao kami lang dalawa.Tiningnan ko si Maine na habol hininga habang nakahawak pa sa tuhod.
"Hohoho..Napagod ako dun ah..Painom nga ng Mango Shake chris" sabi niya na hinihingal. "Loko" sabi ko.
Sa Rooftop makikita mo ang berdeng plaza at makikita mo rin ang iba't ibang classroom kung saan iba't ibang kulay ang naroon. Sa Rooftop mahangin ,hindi mainit, katamtamang dilim, at kalayaan. Umupo ako sa dulo ng rooftop kung saan makikita ko ang berdeng plaza na may court at may ilang estudyante na papuntang canteen. Namalayan ko ding umupo si Maine habang naka ninja seat. Nagsimula na ako kumain .... teka"Paliwanag mo" di na ako nag paligoy ligoy na mag tanong.
"A-ano..kasi a-ahmm ano.. Si Fiona at Patricia kasi ayaw daw nila sa pagmumukha ko kaya dito nalang ako kumain dinala n-nalang kasi kita dito baka madamay ka" na utal na sabi niya saakin habang ako ay nakatitig lang sa berdeng plaza
"Yun lang?" sabi ko at humiga habang dala ko ang nova."Kung gusto mo dagdagan mo" sarkastikong pagkasabi ni Maine.
Tch.. Di na akong nag abalang sumagot at tumitig nalang ako sa kawalan.
"Chris Ilan na Readers mo sa Chapter 11:11?" Biglang tanong niya.
Tumayo ako at nag ninja sit. "Dunno di ko naman pinapansin ang Readers at Vote sa story ko nag susulat ako dahil gusto ko hindi kung anong mga readers readers at vote vote dyan" malumay kong sabi.
"Naks! Lodi author ouh hahah" halakhak niya sabay kain.
Di na ako nag abalang sumagot at katahimikan ang bumalot tanging hangin lang ang nag iingay.
"Chris..Kamusta kayo ni Archie?" Tanong niya.
"Ayun Kalokohan parin" sabi ko at tipid na tumatawa.
Si Archie ay kilala ko sa Facebook at Nag ro-roleplay kami siya ang tatay ako ang anak. ROLEPLAY walang nanay maghahanap pa daw siya. 1 year na kami magkakilala pero di pa kami nag kikita..3rd year na ako samantalang siya ay kumukuha ng cursong STEM gusto daw niya mag doctor..
Baka daw sakaling mapagamot ang ka gwapohan niya...
Mabait si Archie pero matatalo ka kapag makakakita yan ng ka abnormalan, ka manyakan at ka hanginan.***