Lumipas ang isang linggo. Patuloy ko pa din syang tinatawagan pero unattended pa din ang cellphone nya. Nag message na ako sa facebook pero walang reply. Niloadan ko na din sya baka naman kase wala lang syang load kaya hindi nagtetext. Hindi ko na alam ang iisipin ko ng mga panahon na iyon. Sobrang gulo pero nagiisip pa din ako sa posibitong paraan.
Lumipas na naman ang isang linggo. Araw ng Linggo, sakto wala akong duty kaya naisip ko magsimba, siguro kailngan ko humingi ng sign kay God. Dali dali na akong nagbihis at umalis (syempre naligo ako).
Ako yung tipo ng tao na mas gusto ang mapag-isa. Mas nakakapag isip kase ako ng bongga. Yung tipong ang sarap mag-muni muni tapos tatawa magisa, charot lang.
Sa simbahan..
Father: "Humayo kayo ng mapayapa!" hudyat na tapos na ang misa.
Hindi muna ako umalis ng simbahan imbis ay lumuhod muna ko at nagdasal ng mataimtim.
"Lord, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Hindi ko po alam kung anong nangyare kay Hiro. Almost a month na po syang hindi nagpaparamdam. Kung nasaan man po sya, wag nyo po sya pababayaan ha. Bigyan nyo po ako sign. Thank you. Amen."
Ugali ko ng bumili ng sampaguita pagakatapos ko magsimba.
Ako: "Ate sampaguita nga." sabay abot ng 20 pesos.
Sampaguita girl: "Sampaguita po?"
Ako: "Ay hindi ate. Yosi! May tinda ka bang yosi jan?" pero charot lang. Syempre kakagaling ko lang ng simbahan kaya bait baitan. Sa isip ko lang sya sinabe. "Opo ate." sabay ngiti.
Pagdating ko sa bahay diretso agad ako sa altar at isinabit ang sampaguita. I checked my phone at may isang message.
BINABASA MO ANG
FOREVER and EEVO
RomanceFOREVER? Ay sauce! Does forever truly exists? Meron nga ba talaga nito? Paano kapag nakita mo na si FOREVER? Anong gagawin mo? Paano kung sa umpisa pa lamang ay hindi na naging maayos ang lahat? Ipaglalaban mo ba sya o susuko ka na lamang?