Alauna impunto. Out na ako sa school. 3:00 pa naman duty ko sa store kaya pwedeng pwede pa ako umuwi sa bahay. Dala ko na ang uniform ko in case papasukin ako ng maaga ni manager. Nakasakay na ako ng jeep may natanggap akong message mula kay Van.
Van: "Baby we have to talk!" galit nyang text sa akin.
Ako: "Ano yun baby?"mahinahon kong reply sa kanya.
Van: "Tell it to you later. Puntahan na lang kita sa store nyo."
Ako: "Closing ako. Magtetext na lang ako pag break ko na."
Hindi na sya nagreply. Kinabahan ako bigla. Mayroon kaming issue ng mga panahong iyon tungkol sa kaibigan nyang may gusto sa akin. Ang alam ko ay tapos na iyon at nagka-liwanagan na sila magkaibigan pero hindi pala.
Nakarating na ako ng bahay. Kumain, nagpahinga saglit at umalis na. Maaga ako nagpunta nga store. Alas dos pa lamang ay nandoon na ako. Tinext ko si Van na nasa store nako pero hindi man lang sya nagrereply.
Dumating na ang alas tres at nag-in na ako. Lean time kaya wala masyado tao. Mga bandang alas singko pa dadami ang tao. Napagpasyahan ng manager namin na mamigay muna ako ng discount coupon sa may mall entrance.
Lumabas na ako para mamigay ng coupon.
Ako: "Hello Mam. Hello Sir. Discount coupon po!"sabay abot ng coupon sa mga pumapasok na tao sa mall syempre with matching ngiti pa yan. May mga tumatanggap ng coupon meron namang hindi na akala mo ikinaganda nila. Charot lang.
Sa di kalayuan ay parang naaaninag ko si Van. "Shit! Sya nga!" Halatang galit na galit at sobrang bilis maglakad. Para bang sabik na sabik na akong kausapin. Pero naging kalmado lang ako at ngapatuloy sa pamimigay ng coupon. Hanngang sa lumapit sya sa akin.
Van: "Halika nga dito! Halika! Magusap tayo!" sigaw nya sa akin habang kinakaladkad ako.
Ako: "Ano ba Van! Bitiwan moko! Nasasaktan ako!"habang pumipilit akong kumawala mula sa mahigpit nyang pagkaka-kapit.
Van: "Hindi magusap tayo!"pilit pa din nya akong kinakaladkad.
Ako: "Hindi mo ba nakikita?! Ha?!! Nagtatrabaho ako!" sabay kawala ko sa kanya.
Nagtatakbo ako pabalik sa store. Nagdiretso ako sa crew room. Napansin ng mga katrabaho ko na umiiyak ako kaya nilapitan ako ng manager ko at isa kong ka-crew.
Mam Erna: "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"tanong nya sa akin habang hinahaplos ang likod ko.
Moti: "Eh kasi Mam yung jowa nya. Kinaladkad sya mula mall entrance hanggang dun sa may malapit sa cr ng mall." sumbong nya sa manager namin.
Mam Erna: "Tumahan ka na dyan Ako na ang bahala."
Ako: "Teka lang po. Ano pong gagawin nyo? Huhuhu." tanong ko habang patuloy ako sa pagiyak.
Mam Erna: "Kakausapin ko sya. Hindi tama ang ginawa nya. Nagtatrabaho ka. Let me handle this."
Lumabas si Ma Erna para kausapin si Van. Natagpuan nya ito sa may pinto ng store.
Mam Erna: "Ikaw ba yung partner ni Ram?"
Van: "Opo."mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Mam Erna: "Kung may problema kayo, pagusapan nyo ng maayos. Hindi yung nakakaabala sa trabaho nya. Ok ba yun?" mahinahon na paliwanag nito kay Van.
Van: "Im sorry po. Ok po."
Mam Erna: "Oh sige." sabay alis nya.
Bumalik na si Mam Erna sa crew room para magkwento kung anong nangyare sa paguusap nila.
Mam Erna: "Tumahan ka na dyan at mag-ayos. Nakausap ko na sya."
Ako: "Ano pong sinabe nyo Mam?" sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Mam Erna: "Pinagsabihan ko sya na kung may problema kayo ay pagusapan ng ayos. Ayun ok naman sa kanya. Nag-sorry din sya saken."
Ako: "Sige po Mam. Salamat po ah."
Bumalik na ako sa counter pero hindi na ako pinalabas ni Mam Erna. Habang nagte-take ako ng customer ay nakita ko sya sa may second floor na tila naghihintay sa akin na makapag-out.
BINABASA MO ANG
FOREVER and EEVO
RomanceFOREVER? Ay sauce! Does forever truly exists? Meron nga ba talaga nito? Paano kapag nakita mo na si FOREVER? Anong gagawin mo? Paano kung sa umpisa pa lamang ay hindi na naging maayos ang lahat? Ipaglalaban mo ba sya o susuko ka na lamang?