PAALAM

15 1 0
                                    

Sa unang pagkakataon
Umibig ako ng lubos.
Sa bawat buka ng bibig
Ay ang pagsambit ng pangalan mo.
Hindi ko alam kung paano
Pero ikaw na ang hanap ko
Sa bawat pagkakataon
Ikaw na ang pinipintig nito.

Mahal, hindi ko sinadya na mapalapit sayo
Kasi kahit balikan pa natin ikaw ang unang sumuyo.
Ni hindi nga kita kilala ng tumawag ka sa telepono.
Inis at irita, sa walang tigil na mensahe.
Pagkekwento ng pangarap na tila lumilipad pa sa ere.
At sa kulit na dulot mo,
Pati numero'y aking binago.
Hindi ako interesado.
Sayong mga pagsuyo

Pero lumipas ang mga araw
May isang aninong nakakasilaw 
Nasa aking harapan na iyon pala ay ikaw
"Seryoso ka ba"
Bawat araw na lumipas
Mas nakilala pa kita
Sa bawat kwento't baong dala dala
Hindi namalayan pati labi'y napapangiti mo na.

Sa tagal mong nanligaw
Pinilit kong ibahin ang galaw
Na sa bawat kanta mo't sayaw
Iniiwas ang aking tanaw
Kinukumbinsi ang sarili
Na ang nararamdaman ko sayo'y  mali.

Ngunit dahil sa iyong ngiti
Ako'y nahulog ng mahigpit
Sa bitag mong malalim
Na wala ng kawala sa kapit

'Mahal wag mo kong iiwan'

Tila tangang nag bulagbulagan
Sa mga sinasabi ng iba
Na habang tumatagal ang relasyon
Ay syang pagkawala mo na
Na imbis sakin ang atensyon
Natuto ka ng lumingon sa iba.

Parang nabaliktad ang tingin sa isa't isa
Na dati'y akin ka ngayo'y hindi ko na matantsa
Nagaalangang tanungin kung ako pa ba talaga.
Kasi ganon nga siguro
Nakakatakot kang mawala
Dahil sa nakasanayan
O talagang mahal ko na.
Mas pinili kong maghalo ng parang isang  bula
Kaysa makita kang masaya sa bisig ng iba
Mas pipiliin kong isipin na ako ang bumitaw
Kaysa marinig sayo  ang salitang ayoko na
Kasi kahit gaano man kasakit.
Mas pinili parin kita kaysa sa sarili kong nararamdaman.

Paalam
    Sa mahal kong nagmahal ng iba.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon