Chapter 60 : Q and A

7K 192 33
                                    

This Chapter is dedicated to SkySungit

Hey! Thanks for the wonderful cover! :) I really like it :) This part was dedicatee to you :)
~~~~~

Athena's Pov

Nagulat ako ng makita namin lahat ng Hari at Reyna ng lahat ng kingdoms sa di kalayuan kasama sila Headmistress at Azaleah dito sa Underground Cell. Hindi maaari.....

Bigla akong kinabahan. May mangyayari bang 'di maganda? I can predict the future but hindi ko pwedeng dayain ang tadhana kung meron mang mangyayaring masama.

~~~F L A S H B A C K~~~

"Ngayong araw na 'to hindi kita tuturuan ng kahit ano pero may importante akong sasabihin sa'yo Athena" saad ni Olivia habang lumilipad.

"Salamat naman at hindi ka magtuturo" she glare at me ng sabihin ko 'yon.

"Charot lang ano ka ba! Hahaha" pumeke ako ng tawa para madala siya pero hindi. Seryoso 'to Athena wag kang baliw.

"Ididiscuss ko sa'yo ang kapangyarihang di mo maaaring gamitin. Ang pinakauna syempre di mo magagaya o makukuha ang isang dark power dahil purong puti kang mago Athena. At isa kang Legendary kaya di mo magagaya ang mga kapangyarihang itim, imposible yon masyado. Hindi porket isa kang legendary ay kaya mong gawin lahat ng gusto mo. Lahat ng bagay may limitasyon, Legendary ka nga pero nanghihina ka din. Kaya mag-iingat ka kay Drack di siya kasing-hina nang inaakala mo."

Tsk! Bakit siya na ba ang diyos at sobrang lakas niya?

"Tama ang sinabi mo Athena para na siyang diyos, Diyos ng Kamatayan. Sa pagkakaalam ko, dinasalan at inalayan niya si Hades ang Diyos ng Kamatayan at the same time Underworld. Dinasalan niya iyon at nagpakita sa kanya si Hades. Sabi nga nila sa'kin, nila Aprodite, si Hades ay nagbigay ng kapangyarihan kay Dracky. Siguro daw kaya nagpakita at binigyan niya ng kapangyarihan si Dracky dahil ka-uri niya ito. Si Hades din ata ang tumulong kung saan itatayo at itatago ang Kaharian ni Dracky."

"Kaya naman pala ang lakas ng loob na kalabanin ako, may kasama palang Diyos."

"So alis na tayo d'yan sa dark power. Ang pumapangalawang pinagbabawalan gamitin ng mga Legendary ay ang pagpredict sa future. Alam mo bakit? Dahil dito sa Magical World. Ang nakatakda ay nakatakda na, wala ng makakapagpabago sa nakatakda. At nakasulat na rin ang buong mangyayari sa Book of Prophecy ngunit walang pwedeng magbukas non, kundi ang mga matataas na diyos lamang. Hindi mo pwedeng dayain ang nakatakda Athena. Di mo na mababago ang nakatadhana dahil kahit Reyna pa yan o diyos, wala tayong magagawa kundi tanggapin ang mga mangyayari. Kaya di ko ituturo kung paano magpredict dahil nasa may katawan yon. Yun nga lang e bawal mong gamitin"

So ibig sabihin di ko pwedeng makita ang mangyayari kung sakaling sumugod sila Drack? Paano kung may mapahamak? Edi hindi ko din malalaman agad?

"Olivia ba't ba di pwedeng gamitin ang pag predict? Paano kung may mga mapapahamak sa future? Di ko malalaman agad at di ko sila maliligtas."

"Nakasulat yan sa Book of Magians, Nakasulat ito sa pahina dalawa kung saan nakasulat ang Magian's Law. Ang sabi doon ' Ang nakatakdang mangyari ay mangyayari. May mangyari mang masama o maganda sa mga minamahal mo at sayo, ayun ay dahilan ng lahat ng bagay ay may rason. May mga bagay na di mo inaakalang pag pinaniwalaan mo, mangyayari ang lahat ng hihilingin mo.' Ayan ang nakasulat doon kaya kailangan mo ng tiwala sa sarili, tapang ng loob at positibong pag-iisip kung ikaw ay hihiling ng napakaimposibleng bagay. Ika nga ng paaralang Magian Academy 'Where you believe that if you can, You can make anything happen.' Sana sa paniniwala mo ay mangyari ang mga bagay na di pa nangyayari sa buong buhay ng mga puting mago Athena. Sana nga ang nakatakda ay may magandang kakalabasan."

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon