Her
THE COLD wind kept brushing my face as I walked inside our campus. Pitong taon na mula ng huling tapak ko sa lugar na 'to. Pitong taon mula ng gumraduate ako sa high school. Today's our Homecoming at napagdesisyunan kong umattend. Minsan lang naman, tsaka, namimiss ko na rin ang mga kaibigan ko sa high school.
Wala pang tao sa campus. Napaaga na naman ako? I laughed a little with my own thought. Andyan pa rin ang habit na pagiging early-bird? Ilang blocks lang naman kasi ang layo ng bahay namin mula sa school kaya pwedeng takbuhin.. or lakarin na rin. Dito rin ako sa campus nagjojogging dati. Pinapasok ko lang haha. Akyat gate rin minsan. Pero close naman kami ni manong guard, kaya madalas na nakakapasok ako ng matiwasay.
Habang naglalakad ako sa hallway, iba-ibang alaala ang pumapasok sa isip ko. Masasaya, malungkot, may epic, may kakulitan, at iba pa.
Nostalgia at its finest.
"Hey. Magtatanong lang sana ako kung ano yung sinend ng kumag sa'yo kanina?" Pambungad na tanong niya habang nakakunot ang noo at sinasabunutan ang buhok sa taas ng batok. Sinasabunutan? O inaayos? Uh.. Boys. Is he annoyed or something?
Ugh. Not again. Yung isip ko rin talaga kung minsan sarap magka-amnesia eh. Kung pumili ng flashback, ang galing. Pambihira. But speaking of that, it was a funny moment.
"Memories bring back memories, bring back you," pagkanta ko na akala ko ay sa isip ko lang ginawa. Sa kasamaang palad ay lumabas sa bibig ko. Napalingon-lingon tuloy ako at baka may nakakita. Buti na lang, wala pang ibang tao sa loob ng grounds.
"Pinagsasabi mo? Wala naman siyang sinend na kung ano. I mean-- sino nga bang pinag-uusapan natin? Tsaka anong sinend? Nino?" I asked, confused with his random question.
"Yung kumag nga. Jun. May mga sinabi ba siyang.. bagay-bagay? Alam mo na?" Tanong niya, nag-eexpect ng kung anong sagot. Anong, alam ko na? Nakakapangtaas ng kilay kasi yung mga tanong niya.
"Jun? There was none. Ano namang isesend nun?" I plainly said avoiding his gaze at nagfocus sa sarili kong phone.
"Oh," reaksyon niya lang sa sinabi ko at itinanong. "Edi good." Then, his annoying grin plastered on his face again.
I was on the corridor's waiting area with my girl bestfriend that time when he came and just asked me random, nonsense questions.
Pagkatapos ng halos five minutes, naalibadbaran na ako sa katahimikan. Not to mention na ang awkward?
Pansin ko lang, itong babaeng kasama ko, kanina pa hindi umiimik. Pero kung makangisi habang may kachat? I wonder.. Close naman sila nitong lalaking nandito. Pero-- Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansin ko na kung anong nangyayari. Kaya pala. I know now.
"Hoy! Andito pa ako oh. Kung nagchachat kayong dalawa dyan kahit magkaharap naman talaga kayo, pwede ba? Wag niyo akong titigan na para akong experimental na daga sa isang laboratoryo?" Reklamo ko sa kanilang dalawa at halos magtagpo na ang mga kilay ko sa ka-creepihan nila. Them and their not-so-hidden conspiracies.
"What?" Yeah right, playing dumb. Patayin ko kaya ang babaeng 'to? Pano ko nga ba naging kaibigan 'to?
"Girl, tsaka mo na ako patayin sa titig kapag nabayaran na ako," now, she's talking nonsense. Anong klaseng world domination plots na naman kaya ang pinaplano nilang dalawa?
"Anong bayad na naman pinagsasabi mo, babae?" Usisa ko sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin ang lalaki sa tabi at ngumisi lang ang loko na lalong ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
With Her (Tag-Lish Version)
Short StoryWho's with you? Mahal mo ba? Mahal ka ba? Sinukuan ka na ba o ipinaglalaban ka pa rin? Sa panahong puno ng "sa una lang masaya," susugal ka ba? Sa panahong puro "sa una lang magaling," kakapit ka ba o saglit lang ding mahuhumaling? With her, who wi...