Second

0 0 0
                                    

Her

I CONTINUED walking and stopped in front of the library.

Wow. This place sure reminds me of my high school crush instead of me, studying! Isang crush lang naman meron ako nung high school ako.

"Duty mo sa library ngayon. Doon ka naka-assign. Okay? Here's your excuse letter." I received the letter our club president handed me. "Nakapili na rin naman siguro ng on-duty ang kabilang club. You know that right?"

"Of course Sir! Two onduties each day para sa library. Tig-isang member galing sa dalawang club ang tutulong sa pagbabantay at pag-aayos ng library. Like, student-assistants? How would I not know? Then, aalis na po ako, sir!" Patawang sabi ko na may kasabay pang pagsaludo sa presidente naming mas matanda ng dalawang taon sa akin. I went straight to the library and started cleaning.

"Hmm.. Ikaw siguro ang student assistant ng kabilang club? Kaya pala.."

Nagulat ako sa boses na narinig ko at napatigil sa aking ginagawang paglilinis. And I was even more shocked when I turned around to see who it was. It's him! Waah! Kung sinuswer-- este minamalas ka nga naman! Gustung-gusto talaga kaming pagtripan ng mga seniors namin sa ganitong paraan. Bigla tuloy akong nahirapang huminga dahil sa sitwasyon. Bakit siya?! Sa lahat ng members ng kabilang club, bakit kailangang siya? Napasapo na lang ako sa noo ko, mentally. Okay self, kalma. Nakakahiya.

"A-ah, oo. Ano, gano'n na nga." He went inside and started to pick up the books from the tables and arranged them into its designated shelves.

"Goodluck sa'tin ngayong araw," sabi niya sabay pakita ng famous niyang ngiti na hindi ko malaman kung ngiti nga ba o ngisi na pero nakakahimatay pa rin. I just nodded and turned my face away (hiding my cheeks that started to burn), then, made myself busy with work again. Bumalik na rin naman siya sa pag-aayos kaya medyo nakahinga ako ng maluwag-luwag.

At that time, I thought I better die. Oo, nagkaka-usap na kami pero sa chat at text lang 'yon. Hindi nga kami close! ...o papunta na roon. Pero iba 'to e. Magkakasama kami buong araw! Sa iisang lugar! At sa library pa na hindi ka pwedeng mag-ingay. Edi mamatay na ako sa awkwardness no'n? That would be a different story.

Funny coz, we survived the day. Awkwardly? Naisip ko, hindi naman kailangang malapit sa kanya ang puwesto ko, hindi ba? We tried to talk casually.

Sinubukan niyang umupo sa tabi ko na hindi ko alam kung intensyon nga ba niya, o coincidentally? Naupo siya roon nung nagbabasa ako ng libro at hiniram niya ang cellphone ko. Napatitig pa ako sa kanya ng nakakunot ang noo na parang sinasabing, luh? Anong gagawin niya sa cellphone ko? Pero sa huli, binigay ko na lang din lalo na nung nagsimula siyang magpakita ng ngiti niyang nakaka.. ngiting mukhang ngisi! He said, he wants to play. As if namang may laro siyang makikita sa cellphone ko.

Dahil nga sa bored na rin ako sa pagbabantay ng library na wala namang masyadong pumapasok, kinapalan ko na rin ang mukha ko at hiniram ang cellphone niya. Pero syempre, hindi ko nagawan ng paraan para itago ang mukha kong sunog na ata dahil sa init. E, sa nahihiya nga ako! At yung kulay kamatis kong mukha ay hindi nakatakas sa paningin niya.

"Masama ba pakiramdam mo?" Sabi niya na mukhang isang part ng romance drama na sobrang gasgas na. Cliché. Pinakatitigan niya ang mukha ko na parang nag... aalala? "Bakit ka namumula?" Nah. I'm just imagining things.

"A-ano, wala.. Kasi.." But his eyes did not stop asking. "Nahihiya lang ako." Sabi ko sabay tago ng mukha ko sa mesa at kamot sa kanang pisngi na siya namang ikinatawa niya. Good thing there were no students studying and the librarian is out.

With Her (Tag-Lish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon