CHAPTER 2

2 0 0
                                    


                Kagaya ng unang nagdaan na sem ganun lang din ang balak kong mangyari. Tahimik at walang sakit ng ulo maliban sa school works pero mukhang malabong mangyari yun dahil sa lalakeng to.Mataman kong tinitigan si Cziere. 


                    Nakapamewang sya at pawis na pawis habang umiinom mula sa bottled water na binili ko sa cafeteria kanina.Napapatingin ang ilang mga dumadaan sa gawi namin. Aaminin ko gwapo sya. Tingin ko ay naglalaro sa 5'11 or 6'0 ang hieght nya. Tan ang balat nya may maamo syang mga mata. Yung makapal nyang pilik mata ang nagdagdag ng appeal sa kanya. 


 "Wahh!" di makapaniwalang bulalas ko matapos syang uminom.


 "Thank you."saad nya sabay takbo papuntang field.Ni hindi man lang ako pinagsalita. Ang walang hiyang yun inubos yung tubig ko. 


                  Tss! Naiinis na tumayo ako pinulot ang nga gamit ko para bumili ulit ng tubig. Babalik sana ko sa pwesto ko kaso tinamad ko kaya dumeretcho na lang akong library since malapit lang sa next class ko yun.Medyo hassle din kasi ang classes ko dahil magkakalayong building pa ang pinupuntahan ko para sa mga minor subject ko. 


                      Madalas akong dinadaldal ni Priece at Pye madalas ding ngiti at tango lang ang reply ko sa mga tanong nila. Nagbabasa ako ng libro ng mapatigil ako sa bulungan ng dalawang babae sa gilid ko. 


 "Hala yung crush ko andito!"kinikilig na bulong nya sa katabi nyang babae. Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nila. Si Alfie isa sa sikat na basketball player ng school.


 "Yung bebe ko!"saad naman nung katabi na nakatingin sa papasok na lalake.


           Matangkad sya at halos kakulay ni Cziere pero mas payat sya kay Cziere. Ngumiti agad ito sa babae at masiglang lumapit.Boyfriend nya siguro. Masaya silang nagbubulungan. Minsan naiinggit ako sa mga mga gantong eksena pero hindi ko naman magawang magopen up kahit kanino. Matagal ko na kasing sinara ang pintuan papasok sa akin. 


                  Tumingin ako sa relo ng library. Mag time na kaya dali dali akong lumabas dito kasunod ko namang lumabas yung dalawang babae at yung lalake na lumapit sa kanila.Akalain mo nga naman kaklase ko pa pala sila. 


 "Sana maraming gwapo at cute na guy ang kaklase natin para naman ganahan ako pumasok." Saad nung babaeng may crush kay Alfie. 


              Walang ibang bukambibig ag babaeng to kundi crush. Lahat ata ng gwapo na nakasalubong nya crush nya. Natatawang saad ko sa isip ko.  Kailangan ko palang magparticipate sa journalist club ng school namin since kailangan ng bawat estudyante na nagtake up ng course ko ang magpasa ng atleast 3 beses sa newspaper ng school.Siguro dun na lang ako sa mga maikling kwento. Since yun naman ang hilig ko. I'm not into sports or news kaya mas better kung dun ako magpapasa. 


            I decided to pass my story after class. Ang ingay ng mga kaklase ko lalo na yung dalawang kasabay ko sa library. Yung isang babae na may jowa halos napapaligiran sila ng mga lalake. Kung titingnan boyish talaga sya kumilos kaya siguro one of the boys sya pero kung ang itsura ang pagbabasehan pwede syang modelo sa hieght at katawan nya. May kaputian din ang balat nya at may dimple kapag ngumiti.

UnforgettableWhere stories live. Discover now