Chapter 3
Nagpalit na ng kasuotan ang prinsesa at mukha na nga siyang alipin...
Magpapanggap siyang alipin, na kunwaring inutusan ng mahal ng prinsesa..
Bago siya umalis, nag-iwan siya ng liham sa kanyang silid..
"Mahal na prinsesa, mag-iingat ka ha, takpan mo lang maigi ang ulo mo, sabihin mong kailangan mo ng gamot para sa sakit ng ulo ng mahal na prinsesa, sabihin mong emergency at hindi makatulog ang prinsesa, mabili un at agad ka nilang papayagan.." payo ni driya habang inaayos ang damit ng prinsesa
"Okay sige, maraming salamat Driya..!" saka niya niyakap ng mahigpit si Driya
Halos maiyak si Driya..
"Basta mahal na prinsesa, mag-iingat ka, wag na wag mong babanggitin ang tunay mong pagkatao sa labas ng palasyo at delikado ka.." payo ni driya
Tumango lang ang prinsesa saka lumabas na..
Kinakabahan siya sa gagawin niya, kahit dati lagi na siyang tumatakas ng palasyo, baka mahuli kasi siya...
Kaya ko to... basta kaya ko to!
Habang papalapit siya ng papalapit sa gate kung saan may tatlong kawal ang nagbabantay..
Huminga siya ng malalim.. saka lumapit na sa gate..
"Ohh saan ang punta mo?" matapang na tanong ng isang kawal
"Umm, sa bayan po, naubusan po kasi ng gamot ang mahal na prinsesa para sa sakit ng ulo niya" sagot niya na medyo iniba niya ung boses..
"Bakit ka nakatalukbong sa ulo?" tanong naman nung isa kaya mas lalo siyang kinabahan...
"Ehh gabi napo kasi, mahamog napo baka kasi magkasakit pag po hindi nagtalukbong sa ulo" dahilan naman niya..
BINABASA MO ANG
This Naughty, Spoiled Brat Prince
Romance"I can get what i want... Cos i rule this kingdom..." Sabi ni Prince Patrick kay Katleya... "So what? Get it but not me...kahit ipakain mo pako sa leon, you'll never get what you want from me...!" Sagot niya... Nagtagpo ang mga mundo...