NANG mag take-off na ang eroplano na sinasakyan namin ni Kevin ay pinauna na namin'g bumaba ang ibang pasahero.
Finally! After four long years, nandito na ulit kami sa pilipinas.
Walang nakakaalam na ngayon ang dating namin ni Kevin. Wala nga rin'g nakakaalam na uuwi na kami dito sa pilipinas.
I want to surprise them!
Nang makasakay na kami sa taxi ay pagod kong isinandal ang katawan ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko at sumandal sa balikat ni Kevin.
"I'll just take a nap." Nag hihikab na sambit ko kay Kevin. Naiiling na tumango naman siya sa akin at inayos ang pag kakasandal ko sa balikat niya bago niya ako hinalikan sa noo ko.
"BABE, wake up." Naalimpungatan ako mula sa pag tulog ko dahil sa marahang boses na iyon ni Kevin.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nasa labas na kami ng bahay. Biglang nawala ang antok ko at nakaramdam ako ng excitement. Nag mamadali akong lumabas mula sa taxi, rinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Kevin pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.
Tinulungan ko muna si Kevin at si kuyang taxi driver na ibaba ang mga bagahe namin ni Kevin, ng maayos na ang mga bagahe namin at makapag bayad na kami ay umikot ako paharap sa bahay kung saan ako lumaki, kung saan maraming masasayang alala na kasama ko ang mga magulang ko.
Nilingon ko si Kevin na may masuyong ngiti ngayon sa kanyang labi habang nakatingin sa akin, tinanguan niya ako. Bumuntong hininga muna ako bago ko pinindot ang door bell ng gate.
I was waiting with anticipation, ngayon ko nalang ulit makikita ang mga magulang ko sa loob nang apat na taon. Hindi pa ako maayos na nakapag paalam sa kanila nang gabing 'yon.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang unti-unting pag bukas ng gate. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala na tinignan ako ng isa sa mga kasambahay namin.
"M-ma'am Damara?" Hindi makapaniwala na sambit Ate Carmen. Nginitian ko siya.
"Ako nga ho, kamusta na ho kayo?" Sambit ko. Napakurap-kurap muna siya sa akin bago niya ako sinagot.
"Maayos lang po ako, kayo ho ang kamusta na?Ang ganda-ganda niyo ho lalo ma'am." Masayang sambit niya. "Pasok kayo ma'am, paniguradong masisiyahan ang mga magulang mo na makita ka at ang iba ko pang kasama."
"Babe, let's go." Tawag pansin ko kay Kevin. Kinuha ko sa kanya ang travel bag ko para hindi na siya mahirapan sa pag dala.
"I can manage babe." He said as he snatched my travel bag from me. Napa buntong hininga naman ako.
"Ay ma'am, jowa niyo ho?" Namamangha na sambit ni Ate Carmen.
"Opo, siya po si Kevin." Pag papakilala ko sa kanila.
"Magandang araw po." Magalang na sambit ni Kevin. Napa kurap kurap naman si Ate Carmen.
"Ay naku, magandang araw din ho sir." Aligagang sambit ni Ate Carmen. "Ako na ho ang mag dadala ng mga bagahe niyo sa loob, pumasok na po kayo ma'am at sir."
"Kaya niyo po ba?" Nag aalangan na tanong ni Kevin.
"Wag na kayong mag alala at tatawagin ko nalang ang isa ko pang kasama para matulungan niya ako dito sa mga bagahe niyo." Tumango kami ni Kevin ng dahil sa kanyang sinabi.
Lumapit sa akin si Kevin and he wrapped his arms around my waist as he pull me closer to him.
"Ay ma'am! Nanjan po pala si sir natha-" Hindi na natuloy pa ni Ate Carmen ang sasabihin niya dahil tinawag siya ng isa sa mga kasamahan niya. Itatanong ko na sana sa kanya kung ano ang sasabihin niya pero agad ng nakalapit sa kanya ang kasamahan niya at nag uusap na sila ngayon, kaya naman nag patuloy nalang kami ni Kevin sa pag lalakad.
Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay bumalik ang excitement ko pero this time nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kung bakit. Ipinagsawalang bahala ko iyon at dahan-dahan na binuksan ang pintuan.
Mula dito ay rinig ko ang boses ni mom and dad, sa living room nag mumula ang boses nila kaya naman nag mamadali na hinatak ko si Kevin papunta sa living room. Nakaupo si mom and dad sa sofa, nakapulupot ang kamay ni mom sa braso ni dad habang may kinakausap sila na naka formal suit. Hindi ko makita ang mukha ng kausap nila dahil ang likod nito ang nakaharap sa amin.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nag salita.
"Mom, Dad." Tawag pansin ko sa kanila. Nag angat sila ng tingin sa akin at kita ko ang panlalaki ng mga mata nila at ang pag bakas ng gulat sa mukha nila. Napatayo sila at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"D-damara, anak?" Hindi makapaniwala na sambit ni mom. Malapad akong ngumiti sa kanya at tumango bago ko sila sinugod ng yakap. Nawala na sa isip ko ang lalaking kausap nila na naka formal suit.
"I miss you both." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. "God, i miss you both so much."
Ramdam ko ang pag yakap nila sa akin pabalik.
"We miss you too anak." Umiiyak na rin na sambit ni mom. Ramdam ko naman ang pag halik ni dad sa noo ko.
"Wife."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ulit ang boses na iyon. Huminga ako ng malalim at bumitaw sa pag kakayap sa kanila mom at dad.
I turned around.
And there i saw the person whom i loved the most, four years ago.
"Nathaniel." His name came out from my lips smoothly.
As i look at him, i was expecting the fast beating of my heart but to no avail, my heart is calm.
I smiled at him genuinely.
At last, i can finally say that i moved on from him.
___
A/N: Just like Damara and Kevin; Im back peeps! <3
YOU ARE READING
Two Pieces Make One
Teen Fiction"Wife." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ulit ang boses na iyon. Huminga ako ng malalim at bumitaw sa pag kakayap sa kanila mom at dad. I turned around. And there i saw the person whom i loved the most, four years ago. "Nathaniel." His...