NAPAPABUNTONG hininga kong sinara ang laptop ko, tumihiya ako ng higa at nakipagtitigan sa kisame dito sa kwarto ko. Today's sunday, walang pasok kaya nandito ako sa kwarto ko at walang magawa.
Ano kayang ginagawa ngayon ni Nathaniel? Bored na rin kaya siya kagaya ko?
An idea popped into my mind.
Agad akong tumayo at pumunta sa vanity mirror ko para ayusin ang sarili ko. Nang makitang maayos na ang itsura ko ay agad akong lumabas ng kwarto ko at tinungo ko ang nag unang kwarto sa left wing dito sa second floor ng bahay.
Nag pakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok ng tatlong beses.
"Who's that?" Rinig kong sambit niya mula sa loob ng kwarto.
"I-it's me." Kinakabahan na sambit ko.
"Don't you dare to enter my room." Madiin na sambit niya. Bumuntong hininga muna ako bago ko pinihit pabukas ang door knob. Unting-unti ko itong binuksan at ngumiti ng matamis sa kanya bago tuluyang pumasok.
Nasa study table niya siya habang tutok na tutok siya sa laptop niya. He is so engrossed in what he is doing that's why he didn't notice that i've entered his room already.
Dahan-dahan akong nag lakad papunta sa kinaroroonan niya at sinilip kung anong ginagawa niya.
Oh, he's studying pala.
"What are you doing here?"
Oppss! He knows pala na im here!
"What are you doing?" I asked instead, not minding his question.
"Isn't it obvious?"
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na nag aaral siya! It's just that hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya.
Napaayos ako ng tayo ng walang pasabi siyang tumayo, i smiled at him cutely.
"Did you eat na ba?" I asked him.
"Yeah." Tipid na sambit niya at nilampasan ako para lumabas ng kwarto niya.
"San ka pupunta?" Tanong ko at sinundan siya palabas.
"It's none of your business."
"It's my business because im your fiancé kaya!" Sigaw ko at nag papadyak pa.
Tumigil siya sa pag lalakad at nilingon niya ako.
"Don't use that to me, alam mo ang totoong dahilan kung bakit tayo engaged ngayon."Seryosong sambit niya at tinalikuran ako ulit, akmang hahakbang na siya paalis ng mag salita ako.
"Mahal kita."
"I don't love you and i don't need your love." Pag katapos niyang durugin ang puso ko ay umalis na siya.
I clutched on my chest as i felt my heart throbbed painfully.
Ang sakit niya talaga mag salita, walang preno-preno.
Nangingilid ang mga luhang nag lakad ako patungo sa kwarto ko.
Sanay na ako sa ugali niyang ganon, sa araw-araw na mag kasama kami ay palaging malamig at marahas ang pakikitungo niya sa akin. Tatlong buwan na kasi mula nong ma-engage kami at napagdisisyunan ng mga magulang namin na mag sama na daw kami sa iisamg bubong para mas lalo naming makilala ang isa't-isa at para raw hindi na kami mahirapan mag adjust pag mag asawa na kami.
Kinuha ko ang nakaframe na litrato namin nong engagement party namin, na nasa bed side table ko.
Hinaplos ko ang litrato ni Nathaniel. Ang ganda ng ngiti ko sa picture na iyon, dahil sobrang saya ko nang araw na yon. Habang siya naman ay walang emosyon ang kanyang mukha at walang kangiti-ngiti sa kanyang labi, kahit nga itaas niya lang ang sulok ng labi niya ay hindi niya magawa dahil alam kong nang araw na din na 'yon ay ang pinakamasama na kaganapan na nangyare sa buhay niya.

YOU ARE READING
Two Pieces Make One
Jugendliteratur"Wife." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ulit ang boses na iyon. Huminga ako ng malalim at bumitaw sa pag kakayap sa kanila mom at dad. I turned around. And there i saw the person whom i loved the most, four years ago. "Nathaniel." His...