Chapter 10

665 23 4
                                    

Chapter 10

 

“Ranran, teka lang!” reklamo ni Proverbs sa kaibigan. “Huwag kang masyadong mabilis maglakad.” Papasok na sila at nakikipagpatintero sa mga tao sa loob ng Midnight Club. Napansin niya kaagad na kilala si Ranran sa lugar dahil halos lahat ng tao na madaanan nila ay niyuyukuran o binabati ito. Ranran also knows where to go na ipinagtataka niya.

 

“Gusto mong makapuwesto ng maayos sa bar area hindi ba? Bilisan mo dahil mauubusan tayo ng upuan,” anito bago siya hinawakan sa kamay at hinila. Nakakita naman sila ng dalawang bakanteng upuan.

 

“Good evening, Miss Fragrance,” anang bartender na nagngangalang Robbie.

 

“Ranran nalang, Robbie,”paiwas na sagot ng kaibigan niya.

 

“You know him?”

 

“Well--”

 

“Malapit po sa may-ari ng Midnight si Miss Fragrance kaya po kilala namin siya,” nakangiting sagot ni Robbie sa kanya.

 

Tumango siya at pasimpleng tinignan ang kaibigan. “Naglilihim ka na pala sa akin ngayon ha?”

 

“Parang siya hindi naglilihim sa akin,” sagot naman nito. Umiling nalang si Ranran at tinapik ang kamay ni Robbie. “Dude, isa ngang Insignia,” anito. Umorder ito ng isang kulay lila o purple na inumin na may halong tsokolate.

 

“Is that everything, Miss Fragrance? Eh kayo po, anong oorderin ninyo?” tanong naman ni Robbie sa kanya.

 

“Add a shot of Blutka on it and give her Pessimist,” nakangiting sagot ni Ranran sa bartender. Hindi na siya hinayaan ni Ranran na umorder.

 

“Pessimist?”

 

Tumango si Ranran at sinulyapan ang mga tao na nasa likuran nila. “Cocktail drink lang iyon, madam. Baka kasi kung anung orderin mo dito malagot pa ako sa asawa mo,” sagot nito.

 

“Uhm, Ranran, with regards to what you said earlier… ano kasi…”

 

Ngumiti ito sa kanya. “I already know, Proverbs. Hindi mo na ako kailangang sabihan.”

 

“Naiintindihan mo kung bakit may mga bagay akong hindi sinasabi sa iyo?” gulat na tanong niya.

 

Umiling ito. “Hindi, naiintindihan ko kung anong itinatago mo.”

 

“What?”

 

“I know what you are hiding all this time, my friend. Kung paano ko nalaman iyon, well, sabihin nalang natin na may kakayahan akong malaman iyon.”

The Undead's Defiant Bride (SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon